Christine Velasquez, ang pangalan ng babaeng isa lamang sa pinaka-masayang babae sa balat ng lupa dahil napasakanya ang isang Marcus Velasquez. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin makapaniwala si Christine na isa na siyang asawa ni Marcus at ina ng dalawang naggagandahang anghel na ipinagkaloob ng panginoon sa kanilang mag-asawa. Pakiramdam niya ay tila nasa alapaap pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dalawang buwan na ang nakakaraan nang maisilang niya ang anak na si Cheena. At dalawang buwan na rin niyang nami-miss ang asawa. Ibig sabihin lang no'n ay dalawang buwan na siyang tigang dahil nagpapagaling pa siya ng maigi. Malaki kasi ang tahi niya dahil malaking bata si Cheena. At isa pa ay inihanda niya talaga ng mabuti ang sarili para sa asawa, sa darating nitong kaarawan. Ang

