Kinaumagahan ay walang nagbago sa pakikitungo ni Christine kay Marcus. Malamig pa rin ito sa asawa at laging nakasigaw, bagay na lalong ikinasakit ng puso ng binata. Ilang beses niyang sinuyo ang asawa, pinagluto ng mga paborito nitong pagkain at kung ano pa. Pero sa huli ay bigo siyang mapabalik ang dating lambing nito. Kaya naman ng umagang iyon ay nag-desisyon siyang pumunta sa bar na pagmamay-ari niya sa Makati. Doon ay walang sawa siyang uminom ng alak hanggang sa maramdaman niya ang espiritu ng alak na kumakapit na sa kalamnan niya. “Tama na 'yan. Baka hindi ka na makauwi niyan mamaya.” saway sa kan'ya ni Roger. Hindi niya alam kung paano nalaman ng kumag na ito na narito siya ngayon, nagulat na lang siya kanina nang bigla na lang itong sumulpot at nakipag-inoman sa kan'ya. “Wal

