Ngayon ang araw ng kaarawan ni Marcus ngunit pakiramdam niya ay walang nagaganap. Katulad ng mga nagdaang araw ay gano'n pa rin ang pakitungo ng asawa niya sa kan'ya, at hindi lamang iyon dahil pati na rin ang mga tao sa loob ng mansyon ay gano'n rin sa kan'ya. Nakakasama ng loob pero wala siyang magagawa. Impossible naman na hindi alam ng lahat na kaarawan niya ngayon? Lalo na ng asawa niya. Kahit simpleng pagbati lang sana ay okay na, pero alangan naman pilitin niya ang mga tao kung ayaw ng mga ito. Malalim siyang napahugot ng buntonghininga. He decided to visit his parents in Holy spirit. Kaya naman ng araw na iyon ay umalis siya. Ngunit palabas pa lang siya ng gate ng mansyon ay hinabol siya ng anak na si Miguel. “Daddy! Where are you going?” anito ng bata. Gusto na naman niyang ma

