Gladys Sloane Madrid Monreal Point of View "Azi!" sigaw ko nang makita ko siyang nakaupo ngayon sa isang malaking bato. Hindi ko alam kung nasaan kami. Ilang araw na kaming nandito pero wala naman akong maramdamang mali. Nakasuot siya ng puting polo at puting slacks. Ako naman ay nakasuot ng puting dress na aabot hanggang sa aking tuhod. Kung ipapaliwanag ko kung nasaan ako ngayon, hindi ko alam. Ang hirap i-explain. Basta para lang siyang magandang paraiso na kami lang ang naninirahan dito. Nagtataka nga ako kung bakit wala pang tao rito. Nagtataka rin ako kung bakit wala akong maalala bukod sa lalaking mahal ko. Hindi ko alam. Ang weird. Basta ang alam ko lang ay mahal ko siya at matagal ko na siyang nakasama. Lumingon siya sa akin at ngumiti nang makita akong papalapit na sa kani

