"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Kazimir nang lumabas kami ng bahay. Buhat-buhat ko si Kyler kahit na medyo malaki na ang tiyan ko. Sa pagkakatanda ko ay nasa five months na ito at puwede na naming malaman ang gender. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit kami lalabas ng bahay ngayon. Ang malala pa ay may nga hinanda siyang maleta. Napapikit na lang ako ng aking mga mata dahil sa pagtataka. Hindi ko kasi talaga maintindihan itong lalaking ito. Minsan talaga ay napaka gulo ng kaniyang isip minsan. Nang makarating kami sa dalampasigan, nakita ko ang ilang mga chopper na nakahilera. Kaya naman mas lalong kumunot talaga ang noo ko habang ginagabayan niya ako sa paglalakad. Nakapulupot ang kaniyang matigas na bisig sa aking bewang habang buhat-buhat naman niya ang isang malaking maleta s

