Marianne's POV
"My Princesses looked beautiful. Parang kailan lang nag hahabulan pa tayo sa park. I was so lucky to be your father. Sana napalaki namin kayo ng maayos." Umiiyak na saad ni daddy sa aming tatlo.
Niyakap namin siyang tatlo at nag iyakan kaming apat.
"Lagi nalang akong nahuhuli sa mga moments na ganito, do you guys loved your father more than me?"
Nilingon namin si mommy na di namin napansin na nasa likod na pala namin.
Inabot ko ang isang kamay niya at si daddy naman sa isa pang kamay.
"Sana wag muna kayong mag asawa na dalawa." Umiiyak na din na saad ni mommy sa aming dalawa ni ate mj.
"Masisira ang make up namin daddy, pinapaiyak mo kami eh." si ate rose
"Oo nga sa bahay nalang tayo mag iyakan bukas pag uwi nila ni ate." si ate mj na busy kakapunas ng luha niya.
Bumitaw kami sa aming yakapan at umupo sa kama para maka pag make up uli.
Ngayon ang kasal ni ate rose, at sa susunod na linggo mag iisang buwan na ako dito sa amin. Dalawang linggo na rin mula ng mag tapat si Shane sa akin na gusto niya ako mula pa nuon.
"Rose anak i want the best for you, be happy and understanding. Normal lang sa mag asawa na mag aaway minsan kasi meron kayong bagay na hindi mapag kasunduan. If ever di mo kayang lutasin ang problema niyo always remember na nandito lang kami ng mommy mo."
"Thank you daddy and mommy. I am more than so proud of you." At niyakap muli ni ate rose ang mga magulang namin.
"So hindi na tayo matatapos sa iyakan session na to? Tingnan niyo si ate rose ang pangit na kakaiyak." nag bibirong saad naman ni ate mj.
Lumapit ako kay daddy at inayos ang suot niya at si ate mj naman inayos ang make up ni mommy, busy kasi ang make up artist kaka ayos kay ate rose.
"That's enough of your cry daddy. Mab aasawa lang yan si ate at sigurado ako bibisita yan lagi sa inyo." nakangiting saad ko lay daddy habang inaayos ang neck tie niya.
"Kami nalang lagi ni mommy niyo sa bahay. Ikaw babalik ng Bacolod at si MJ naman busy yan sa trabaho niya laging wala sa bahay." Malungkot na saad ni daddy.
Kahit ako nalulungkot na din ngayon pa lang, gustuhin ko man na manatili dito sa bahay pero ayaw ko namang iwanan si lolo na mag isa din sa bahay.
"You know what dad, gusto ko na mag stay dito kasama niyo ni mommy." dahil sa sinabi ko seryosong napaangat ng tingin sj daddy sa akin.
" Pero hindi ko rin kaya maging masaya dito at naiisip ko na mag isa lang si lolo sa bahay sa bacolod. Naiisip ko kasi na nandiyan naman si mommy na makakasama mo. At madalas din namang umuuwi si ate mj. Si lolo kasi dad mag isa lang siya."
Hindi ko na talaga napigilan pa ang emosyon ko. Kusa nang bumagsak ang mga luha ko. Gustong gusto ko na dito nalang titira kasama ang mga magulang ko. Pero hindi ko rin matalikuran ang lolo ko.
Pinahid ni daddy ng hinlalaki niya ang mga luha ko sa pisngi. "Napaka buti ng puso mo anak, hindi talaga kami nag kamali ng pagpapalaki sa inyo. Salamat anne kasi ikaw ang pumuno sa obligasyon na dapat ako ang gumagawa."
Niyakap ako ni daddy ng mahigpit at ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Sana lang anak hindi ka mag sasawa sa ugali ng lolo mo." saad ni daddy sa akin na ikinahalakhak naming dalawa.
"Girl i'm so proud na kaibigan ako ng dalawang artistahin." kinikilig na saad ni Harold sa akin.
Nandito kami ngayon sa 5 star hotel, dito kasi ang wedding reception. At kasalukuyang ni reretouch ang make up namin.
At ang bakla kong kaibigan ayaw akong tantanan, panay sunod sa akin na parang siya yung buntot ko.
"Sos kung hindi ka mag drama mambobola ka naman. Iba rin talent mo eh ano? Alam mo one day e apply na kita sa tv stations kasi ikaw ang hanap nila. All in one package hindi sila lugi sayo." Biro ko kay Harold.
At isang katakot takot na irap lang ang na tanggap ko.
"Doon nga tayo sa hall. Ate tapos na ba ma retouch itong dyosa kong kaibigan?" Tanong niya sa nag reretouch ng make up ko. At nang tumango yung babae na tinanong niya ay hinila niya na ako patayo sa kina uupuan ko at hinila ako palabas.
"Ang sakit ng mga braso ko ha, kakainis ka ano ba kasi yun?"
"Kahit kailan talaga napaka reklamador mo. Kung hindi ka lang parang dyosa sa kagandahan di ako mag titiis sa ugali mong reklamador." dagdag niya pa.
"Aray ko" maarteng saad ko sa kanya na ikinataas lang ng kilay niya.
"Kanina pa nababaliw kakahanap si Mr. pogi sayo." Kinikilig na saad niya sa akin.
Inismiran ko lang siya at tinalikuran na. Nauna na akong maglakad para hanapin si Shane.
"Sos hindi ka naman masyadong excited niyan?" Taas kilay na saad niya sa likuran ko.
Tumigil ako saglit at dinukot ang cellphone ko sa purse na dala ko. At may 4 na misscall ako galing kay Shane.
Hinayaan ko nalang muna dahil magkikita naman kami mamaya pag start ng program. Isa rin kasi siya sa secondary sponsor. Hindi lang kami magka partner kasi si Harold ang pinartner nila ate rose sa akin.
Inalagay ko ang mga kamay ko sa braso ni Harold at dahan dahang nag lakad patungo sa hall kung nasaan ang reception.
Magkasing tangkad lang si Harold at Shane. Guapo din naman si Harold malakas ang s*x appeal niya kaso lang girlalu. Hahaha di ko tuloy napigilan ang pag bungisngis na ikinataka ni Harold.
Nagtataka man siya sa pag bungis ngis ko pero di na siya nag tanong.
"Hey saan kayo galing? Kanina pa ako nag hahanap sa inyong dalawa." Biblang saad ni Shane sa likuran namin.
"Baka pwedeng makisali sa ka sweetan niyo? dagdag niya pa kaya naman ipinulupot ko rin ang kanan na kamay ko sa braso niya.
Bawat madadaanan namin ay dumidikit ang mga mata sa aming tatlo na binabalewala lang naming tatlo.
"Ang sarap sa feeling na reunited tayo uli. Parang gusto ko uli mag hang out tayong tatlo." Malambing na saad ni Harold sa aming dalawa ni Shane.
"Gagala kami ni Anne bukas pero di ka kasama. Mag bar kami bukas pakakantahin ko to bukas kasi opening ng bar ko bukas." biro ni Shane kay Harold na ikinalukot ng mukha ng bakla.
Magsasalita pa sana si Harold pero bigla na kaming tinawag ng organizer na mag line na kami. Nagulat nalang kaming tatlo dahil sa secondary sponsors kami nalang tatlo ang inaantay. Nandun na rin si Ate at Kuya Tim.
"Sorry talaga maam and sir's nasira ko yung moment niyong tatlo. Ang sweet niyong tingnan." hinging paumanhin ng organizer ng kasal nila ate.
"Dun kana sa partner mo Shane." taboy ni Harold kay Shane at nginitian pa to na parang ngiting aso.
Tiim bagang naman na tumalikod si Shane sa amin pero ninantaan niya pa si Harold. "Sige na Shane tabi nalang tayo maupo mamaya sa table." Mahinang saad ko kay Shane.
Nginitian niya ako ng matamis at tiningnan ng masama si Harold.
" Baby girl galingan mo ang pag sayaw mo ha" sabi ni Shane sa akin.
Lumingon ako sa gawi niya at kinindatan siya. Kinilig naman siya dahil sa ginawa ko kasi namula ang buong mukha niya. Ang cute niya. Saad ko sa sarili ko.
Noong nag tapat siya sa akin sinabi ko sa kanya na ayaw kong masira ang relasyon namin bilang kaibigan kung sakali na mag desisyon man ako. At nangako naman siya na walang mag babago kahit pa hindi ko siya sagutin.
Simula rin kasi ng umalis si Ryan ay dalawang beses pa lang siya nag chat sa akin. Ayaw ko naman din na basta nalang siya abandunahin kasi okay naman talaga ang relasyon namin. At alam ni Shane ang tungkol sa amin ni Ryan.
Sabi niya naman mag aantay siya kasi hindi naman daw siya nag mamadali.
"I can wait for you anne. even if it takes years for you to think. Kaya kitang antayin kasi ang nararamdaman ko sayo ay hindi nawawala." Yan ang sabi niya sa akin noong nagtapat siya sa akin.
Gusto ko na nga siyang sagutin kasi feeling ko pagmamahal na tong nararamdaman ko sa kanya. Kaso ayaw kong mag mukha akong malandi kasi kami pa ni Ryan.