Marianne's POV
Kinabukasan maaga akong nagising, pero pagbaba ko nakaalis na sila alas 8 na rin kasi ako nakababa.
"Maam maaga po umalis mommy at daddy mo po. Pupunta daw po sila ng Bukidnon may ka meeting po sila." Saad ng isa sa mga kasambahay.
"Thank you Erika tawagin mo nalang ako pag kakain na ha doon nlng muna ako sa taas."
Tumalikod na ako at dali daling umakyat papunta sa kuarto ko.
Gusto kasi sanang sumama sa office nila dad, hindi rin kasi ako nakapag paalam kagabi, magkakasama lang naman sana kami sa kuarto.
Pero ang totoo wala naman talaga akong plano sumama kaso pag gising ko naisip ko na ang lungkot naman dito sa bahay mag-isa.
May lakad si ate rose at kuya tim, tapos si ate mj may importante ring lakad maya maya lang.
Kinuha ko ang phone ko sa bedside table. Wala man lang text at tawag. saad ko sa sarili ko. E chat ko nalang si Shane baka pwedeng sumama sa trabaho niya.
"Good morning Shane" text ko sa kanya. At wala pang 3 minuto nag rwply naman siya kaagad.
"Good morning too baby girl" reply niya. Napapailing ako sa reply niya kasi kinikilig ako.
"Jusmeyo ka Anne kinikilig ka sa text? Ikaw din naman nag phonebook ng baby girl sa phone niya diba? Kaya wag kang assuming. sabi ng matinong parte ng utak ko.
"Wla ka bang importanteng gagawin today?" text niya uli.
"Wala naman, bakit?" Reply ko sa text niya.
"Can you come with me? Punta lang ako ng site then after gala tayo."
"Okay! Maligo lang ako daanan mo nalang ako dito sa bahay. Bye for now." sinend mo na at nag prepare na ako ng damit ko na susuotin.
"Be there in 30 minutes, take your time aantayin kita sa baba." may wink emoji pa sa dulo.
Naiiling ako at tumalikod na para maligo.
"Did you eat breakfast?" Tanong ni Shane sa akin pagka baba ko ng hagdan. Nasa sala na kasi siya at prenteng naka upo.
"Hindi pa, ikaw ba kumain kana?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Not yet" matipid na sagot niya.
Binaba ko muna ang bag na dala kobago siya inaya. "Dali kain na muna tayo para diretso na tayo sa pupuntahan mo."
Tumango naman siya kaya nagpahanda na muna ako ng pagkain sa mesa.
"Antayin mo ako saglit puntahan ko lang sila ate."
Hindi ko na inantay ang sagot niya at patakbo kung tinungo ang hagdan.
"Ate." yugyog ko sa balikat ni ate mj. Tulog pa kasi silang dalawa sa kama nila mommy.
"Aalis ako mga ate." saad ko sa dalawang tulog.
"Okay mag ingat ka" paos na saad ni ate rose. Kaya lumabas na amo ng kuarto at dahan dahang sinara ang pintuan ng kuarto ng mga magulang namin.
"Ang aga mo atang nagising ngayon?" tanong ni Shane sa gutna ng pagkain namin.
Kaya inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kanya. "Sasama kasi sana ako kila daddy, kaso mas maaga naman silang umalis."
Tumango lang siya at ipinag patuloy na ang pagkain. Kaya tinuloy ko na rin ang pagkain ko.
"Let's go?" saad ni Shane sa akin after kong kumain.
Nginitian ko siya at tumango. Pero bako umalis nag bilin na muna ako kay Erika na sabihin kila ate na umalis ako.
"Ma'am ang guapo ng nobyo mo." saad ni Erika sa akin after ko mag bilin sa kanya. Siya kasi ang nandito ngayon at nag asikaso samin.
"Ikaw talaga dami mong alam. Kaibigan ko lang siya." saad ko din sa kanya.
Napatakip naman siya ng baba niya na parang nagulat
"Akala ko po nobyo mo ma'am bagay na bagay kasi kayong dalawa." kinikilig na dagdag niya.
Nginitian ko nalang siya at inilingan. "Sige na alis na kami wag mong kalimutan ang binilin ko sayo ha."
Tumango naman siya kaya lumabas na kami ni Shane ng bahay at tumungo sa kotse niya.
Pinag buksan niya muna ako ng pintuan ng sasakyan bago siya umikot sa driver's set.
Binuhay niya na ang makina ng kotse niya, lumingon muna siya sa gawi ko at nginitian ako bago nag drive paalis ng bahay.
Tinitingnan ko si Shane habang nag dadrive. Ang guapo niya sa suot niyang white long sleeve na nakatupi ang manggas hanggang sa siko.
Pinartneran niya ng black maong pants. Hindi ko napansin kong gaano ako katagal naka tingin sa kanya.
"Enjoying the view?" baling niya sa akin na ikina yuko ko bigla.
Bigla tuloy akong natameme. "Shocks nakakahiya ka Marianne." saad ko sa sarili ko imbes na sagutin ang sinabi niya.
"It's okay don't be shy." baling niya sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nginitian siya. Ngumiti din siya ng tipid at umiwas ng tingin.
Kitang kita ko kung paano nag taas at baba ang adams apple niya. "He looked tense" .
Huminto ang sasakyan niya sa 3 storey bldg. malapit sa sikat na mall.
"We're here." baling niya sa akin.
Mabilis ko namang binuksan ang pinto ng kotse at di na siya inantay na pag buksan pa ako.
Inantay niya ako sa may pintuan at sabay kaming pumasok sa loob.
"Ni rentahan mo ba ang buong building." tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin habang nka lagay ang dalawa niyang kamay sa beywang. At chini check ang ground part ng bldg.
"Hindi ba to masyadong malaki? Ano ba kasi ang gusto mong ipatayo dito?." magkasunod na tanong ko sa kanya.
"Bar, mag lalagay ako ng branch dito." sagot niya sa tanong ko.
"Bar pala ang business mo?" Mahinang tanong ko uli.
Tumangi lang siya sa akin at inaya niya ako paakyat sa second floor. Kami lang ang tao dito lasi sabi niya bukas pa naman daw mag start ang pag pagawa nito.
"Is'nt it too much space para sa isang bar?"
"Actually iniisip ko na ang buong 3rd floor ay e occupy ko. Para kapag gusto kong umuwi dito may ma tirahan ako." saad niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ang laki naman ng bahay ng parents mo ah."
Ngumisi lang siya sa akin." Gusto ko ng privacy tsaka nandun naman ang tatlo ko pang kapatid sa bahay na makakasama ng parents ko."
Tumango nalang ako sa kanya. Umakyat pa kami sa ika 3rd floor ng bldg. At napa nganga ako sa ganda ng view sa baba.
Kitang kita ang di kalayuang dagat sa may left side at ang right side naman ay ang intersections.
"You liked the view?" tanong niya sa akin at bumaling ako sa gawi niya at ngumiti ng malapad at tumango.
May sinabi siya kaso di ko masyado narinig gawa ng mahina ang boses niya pagkasabi niya.
"Ano yun?" naka ngiting tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at mabilis na tumalikod sa akin. Pumasok siya sa loob, nandito kasi ako sa may terrace.
Ang bldg na to ay parang residential. It's more like a condo type.
"Let's go baby girl." mahinang saad niya s aakin na ikina pula ng buong mukha ko. Iba pa rin pala talaga ang feeling kapag ka naririnig mo ang katagang yun sa personal.
Nagiging un easy tuloy ako. Nag tanggal ako ng bara sa lalamunan bago sumagot. "Tara." sabi ko at inihakbang ko na ang nanginginig kong tuhod.
At ganun nalang ang gulat ko ng hinawakan niya ang kaliwang braso ko. Parang naubusan ako ng lakas ng tuhod at ang lakas ng t***k ng puso ko.
Hindi ko totally ma explain ang nararamdaman ko sa simpleng pag hawak niya sa braso ko.
"Anne can I tell u something?" mahinang tanong niya sa akin. Nahihirapan din siyang mag salita na hindi ko alam.
Sa Lakas ng t***k ng puso ko dagdagan pa ng libo libong paro paro sa loob ng tiyan ko na parang gustong lumabas sa sistema ko. Nawalan tuloy ako ng boses. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko.
Walang gustong mag salita sa aming dalawa. Naka tayo lang kami at hawak niya pa rin ang braso ko.
Nagka tinginan kaming dalawa at sa wakas nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumango.
"Let's go." saad niya matapos niyang mag pakawala ng malalim na buntong hininga.
Nag lakad kami na hawak niya parin ako sa kamay.
Binitawan niya lang ako ng maka sakay na ako sa loob ng sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?" Sa wakas lumabas sa mga labi ko.
"Basta, magugustuhan mo ang pupuntahan natin." sagot niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at inaliw ang sarili ko sa tanawin sa labas ng bintana.
Mahigit isang oras ang byahe bago namin narating ang isang mini forest.Yun ang tingin ko sa lugar na to kasi may makikita ka na malalaking puno ng mga pine trees sa lugar.
Mangha akong napatingin sa lugar. Binubusog ko palang ang mga mata ko sa berdeng dahon ng mga pine trees ng inakay ako ni Shane papasok sa may entrance.
May mga taong nag line para maka bili ng ticket kaya nag line rin kaming dalawa para makabili ng ticket at maka pasok.
"Look at the people around us. They look at us." bulong niya sa teynga ko.
"Hayaan mo sila. Ang guapo mo kasi kaya tinitingnan nila tayo." Ganting bulong ko sa kanya na ikinahalakhak niya.
Pinag titinginan na tuloy kami ngayong ng mga taong nag linya sa unahan namin.
Nag kwentuhan nalang kaming dalawa ni Shane na parang kami lang ang tao dito. Kahit saan naman kami pumunta ng mga barkada ko sa Bacolod, ganyan din ang atensyon na binibigay ng mga tao sa amin. Kaya nasanay na ako at sanay na rin ako na binabalewala ang mga matang nakatutok sa akin at sa mga kasama ko.