Marianne's POV
"Bunso after mo maligo come over to my room ha!" Saad ni ate MJ nung papasok na ako sa kuarto ko.
"Okay" saad ko nalang at agad pumasok sa loob ng kuarto ko.
Nag prepare ako ng damit na susuotin ko bago pumasok sa banyo.
I was about to enter the bathroom ng marinig ko ang tunog ng phone ko nasa loob ng bag na bitbit ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Ryan ang naka tatak sa screen.
"Hi " bungad ko after ko ma pindot ang answer button.
" Hi baby girl, did I disturb you?" sagot niya pa.
"I was about take shower but it's okay." saad ko sa kanya.
"I just wanted you to know that I will be going to states for vacation." Mahinang saad niya sa akin.
Kinapa ko ang sarili ko kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon na kausap ko si Ryan.
Why I did'nt feel that excitement, hindi ako kinikilig at walang spark. Bakit ganoon? Taong ko sa isang bahagi ng isip ko.
"When is your flight? and how long you will stay there?."
"The day next to our graduation day." mahinang saad niya uli.
"s**t sa lahat ng pwede mong makalimutan anne pati graduation ng nobyo mo sinali mo pa talaga eh noh?" Saad ko sa isip ko.
Naku ganito naba talaga ako ka lutang? Nag mikha akong walang pakialam tuloy.
"Sorry baby nakalimutan ko na graduation mo pala next week. You want me to be there on your graduation?"
"Yeah as much as possible gusto ko na nandito ka, but your grand father might wonder why you come back home?" Paliwanag niya din.
"Paano yan? matagal pa tayo magkita ulit?" tanong ko sa kanya.
"We can talk everyday thru video call baby. And I think I will stay long I don't know yet." buntong hininga na saad niya.
"Don't be sad, after all para naman sa future mo yan. Cheer up and smile." saad ko sa kanya.
"Thank u for cheering me up baby. Go and take your shower, I will hang the call now." sinang ayunan ko naman ang sinabi niya at binaba na ang tawag.
Nandito ako ngayon sa kuarto ni ate MJ, nakaupo ka couch at nanood ng tv habang inaantay ko siya na lumabas ng banyo.
Kung ako matagal matapos sa paliligo same lang din sa dalawa kung kapatid. Kung tutuusin mas mabilis na ang 1 hour ko sa loob ng banyo.
"Ate bukas ka pa ba matatapos diyan?" Katok ko sa banyo niya.
"Palabas na wait lang naman." sigaw niua pabalik sa akin kaya bumalik ako ng upo sa couch niya.
Pinatay ko nalang ang tv dahil di ko rin naiintindihan ang pinapanood ko. Wala doon ang focus ko.
Nasa gitna kasi ako ng pag iisip kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Kasi feeling ko manhid ako.
Bored akong humiga sa malapad na kama ni ate Mj. At patihaya akong nahiga, ang ganda pala ng kulay ng kuarto ni Ate, Baby pink with a touch of powder blue.
Mula sa wall, curtains at mga kagamitan pink and blue ang makikita mo. May some things na white pero konti lang.
"Inaantok na ako, matulog ako dito kapag after 10 mins. di pa lalabas ng banyo si ate." Saad ko sa sarili ko.
Bumangon ako sa kama at tinungo ang pinto ng banyo ni ate.
"Gisingin mo ako pag labas mo jan at tulog na ako sa kama mo." Pasigaw kong saad kay ate kasi narinig ko ang lagaslas ng tubig . Baka di niya ako marinig kung di ko lakasan ang boses ko.
"Mag bibihis na ako." sagot niya na ikinataas ng isang kilay ko.
May magbibihis ba na lagaslas pa ang tubig sa shower? sabi ko sa sarili ko.
"Basta within 10 minutes at di kapa tapos matutulog na ako." malapad ang ngiti na warning ko sa kanya.
Babalik na sana ng higa sa kama ng marinig ko ang katok sa pinto kaya naman binuksan ko at si mommy ang napag buksan ko.
"Come here mom." saad ko kay mommy at niluwangan ang pagka bukas ng pinto.
"Anak , saan si ate mj?" Tanong niya sa akin.
"Naliligo pa mom! inaantok na nga ako kakaantay eh."
Ngumiti si mommy sa akin at hinawakan ang kamay ko at dahan dahang hinila ako palabas.
"Anak pwede ba kayong matulog sa kuarto namin ni daddy niyo mamaya?" Tanong ni mom s akin.
Ang clingy talaga ng ina namin. Everytime na kumpleto kami dito sa bahay, once a week dun kami natutulog sa kuarto nila.
Siksikan kaming lima sa kama.
"Okay mom." tumatangong saad ko sa kanya.
"After ni mj maligo baba na kayo at kakain na tayo. Puntahan ko lang si rose."
"Sige mom." tango kong saad at ainara ko ang pinto pag talikod ni mommy.
Nasa harap naman ng vanity mirror si ate at nag bo blower ng buhok niya.
"Doon daw tayo matulog sa kuarto nila mommy." sabi ko sa kanya at umupo sa couch.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero tumango siya sa harap ng salamin at pinag patuloy ang pag boblower sa buhok niya.
Naka pajama na rin si ate katulad ko. Hindi pa kami kumakain ng dinner pero naka bihis na ng pantulog.
"Sorry kung natagalan ako sa banyo bunso." Hinging pasensya niya sa akin.
"Okay lang yun ate, ano bang sasabihin mo.?
" Wala naman masyado need ko lang ang opinion mo." saad niya na ikinakunot ng noo ko.
"Tungkol saan?" seryosong tanong ko sa kanya.
Bigla naman naging seryoso ang mukha niya. Iniisip ko tuloy baka ipa prank niya na naman ako.
Si ate MJ ay isang travel vlogger. Bagi siya nag travel vlog nag tatrabaho siya as model.
Nung nkapag ipon na siya at nakabili ng mga gagamitin niya sa vlog niya, ay doon na siya nag start. Since kilala na siya marami agad ang nag subscribe sa channel niya sa social media's.
"Kung ipa prank mo lang ako uli wag mo ng ipag patuloy ate." Naka irap na saad ko sa kanya.
Humagalpak lang siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"No, I really need your help para magawa ko ang plano ko." naka ngiting saad niya sa akin.
Sinabi niya ang plano niya at pinatulong niya ako sa pag plano. Hindi lang basta opinion ang hiningi niya kundi pati time at effort.
"Baba na pala tayo kanina pa nag aantay sila sa dining."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. at sabay kaming humagalpak ng tawa. Sino bang hindi matatawa sa ayos namin?
Ate ko nag take time sa pag ligo tapos kakain pa pala kami.
Nag tatawanan pa kaming dalawa hanggang sa maka rating kami sa dining table.
"Hindi naman kayo niyan excited matulog?" malokong tanong ni ate rose sa aming dalawa.
"Nakalimutan ko kasi na kakain pa pala tayo." saad ko habang palipat lipat ng tingin kay mom at dad.
"Mag half bath uli bago matulog ha. Ayaw ko kayong katabing matulog na hindi nag bibihis." saad ni ate rose sa aming dalawa ni ate mj.
Nauna na akong umakyat sa kuarto ko pagkatapos naming kumain. Nakita ko rin na sumunod ng akyat si ate mj pero di ko na siya inantay.
Nagmadali akong pumasok ng banyo pagkatapos ko ma prepare ang isusuot ko. Nag aantay kasi sila sa movie room. Ganito kasi ang set up namin after dinner.
Sabay sabay din kami na aakyat sa taas pagkatapos naming manood ng movie. Kung gusto mo pang manood uli dun kana sa kuarto mo manood kasi wala ka nang kasama sa baba manood.
Naabutan ko si ate mj sa hagdanan nung pababa na ako.
"Nag bihis ka lang no?" Biro ko sa kanya
Tumawa lang siya kaya toto nga na nag bihis lang siya ng pajama.
"Sino boyfriend mo ate?" Tanong ko sa kanya.
"Bukas papakilala ko sa'yo." Kindat niya sa akin.
Pinulupot ko ang nga kamay ko sa braso niya at sabay kaming bumaba ng hagdan.
Dumiretso na kami sa movie room at agad naman kami pinapili ni daddy ng movie na papanoorin namin.
Action movie ang hilig naming sabay na panoorin. Nakasanayan na naming panoorin ang Action kapag ka kasama namin si daddy manood.
Tahimik lang kami habang nanood. Mamaya na kami niyan mag kwentuhan about sa pinanood namin, bago kami matulog. Tsaka pa lang kami matulog matapos mag kwentuhan about sa movie.