Shane's POV
Sa mga panahong kasama ko si Marianne mas nahuhulog ang loob ko sa kanya.
The feeling that I have for her is getting worst. Nababaliw na ata ako.
Natatakot din akong mag open up sa kanya, baka lalayo lang ang loob niya sa akin.
Alam ko ang tsismis tungkol sa akin na chicks boy daw ako. Maraming babae at parang damit kung mag palit ng babae.
Minsan tinatawanan ko nalang ang mga fake news patungkol sa akin. Total ang mga taong malapit sa akin at kilala ako, alam nila ang tunay na estorya kung bakit walang nag tatagal na ka relasyon ko.
"Shane!" sigaw niya sa pangalan ko sabay senyas ng kanang kamay niya na pinapapunta niya ako sa kung saan sila ngayon.
Tumayo ako at lumapit sa 5 pang kasama ko.
Kasama namin si Harold, Ate Rose at Kuya Tim, at MJ.
"Yes baby girl?" Biro ko sa kanya pag lapit ko sa pool na kung saan sila.
May sariling mundo naman kasi ang apat pa naming kasama. Si Anne lang ang nandito sa may mababaw banda ng pool.
"Ang lakas mang trip eh noh?" .Irap na saad niya.
"Hindi naman kita pinag titripan ah?."
"Sino ba iniisip mo at tulala ka dun sa bench?" malokong tanong niya sa akin.
Gusto ko sana siyang lokohin kaso iniisip ko na baka mag walk out to. Hindi ko na kabisado ang ugali niya. Baka kasi nag change na siya syempre dalaga na.
"Porke't nakaupo sa bench may iniisip agad? Hindi ba pwedeng nag relax lang?"
Tumaas lang ang dalaw aniyang kilay at malokong naka ngisi.
Nakasuot siya ng red two piece na nag pa tingkad sa kulay niya. Pang Ms. Universe ang katawan niya. At gustubin ko man siyang pasuotin ng rush guard. Hindi ko naman magagawa yun.
Hinubad ko ang shirt ko at short at nag dive sa malalim na parte ng pool. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko siyang naka masid sa akin at tulala.
Lumangoy ako palapit sa kanya at umupo din paharap sa malalim na parte ng pool. Katulad ng position niya.
"Bakit di mo kasama girlfriend mo Shane?" Tanong niya pag upo ko malamit sa kanya.
"Saan mo naman nakuha yan?" tingin ko sa kanya.
Namumula ang tenga niya nung tiningnan ko siya.
"Sa guapo mong yan wag mo sabihing wala kang girlfriend." Yukong saad niya.
"Wala na akong girlfriend ngayon, 10 months ago na akong single."
Sinilip niya ang mukha kong nakaharap sa apat naming kasama. Sa ekspresyon ng mukha niya parang di siya naniniwalang wala akong girlfriend.
Nag hahanap talaga ako ng time para maka pag usap kami ng ganito. Pero di na ako ngayon mahirapang mag hanap ng perfect time kasi siya na mismo ang nag open.
At gusto kong maging open uli sa kanya.
"Do you know Ivory Hidalgo?" tanong ko sa kanya.
"Si Ivy yung Ms. CDO 2018?"
"Yes, naging girlfriend ko siya for more than a year. We are okay naman sa loob ng isang taon."
Humarap na siya sa akin at inaantay ang susunod ko pang sasabihin.
Gusto kong humarap sa ibang direksiyon kasi nahihirapan akong huminga na ganitong naka harap siya sa akin.
Parang kakapusin ako ng hininga. Kaya imbes na haharap ako sa kanya, dun ko binaling ang tingin ko sa apat na busy pa rin sa tawanan nila.
"Nagkita kami sa Cebu sa bar na pag mamay-ari ko. They are one of the guest that time."
Nakaupo ako sa bar counter at kausap ko ang manager ng bar from Bacolod ng may grupo ng may 5 babae ang pumaamin. Kapansin-pansin sila kasi dahil kakaiba ang tindig nila.
Agad na lumapit ang isang waiter at binigyan sila ng table at ang table na nabigay sa kanila ay nasa gilid ng bar counter na kung saan kami nakaupo.
Lumapit siya sa akin tinanong niya ako. "Shane Justine Corpuz?" harap niya sa akin at ngumiti ng malapad.
Doon kami nag meet at nag exchange numbers. Hindi naman talaga ako na attract sa kanya, pero dahil sobrang kulit niya at siya pa talaga ang nanligaw sa akin. Kahit busy ako panay text at tawag niya. Dahil nahiya naman ako at siya pa talaga ang nanligaw. So i give it a try. Naging kami at okay naman.
" So what happen bakit kayo nagkahiwalay?" Tanong niya.
"Umuwi siya dito sa CDO noong July last year, noong nakauwi siya dito doon na din nag start na di na siya nakikipag communicate sa akin."
"May third party ba sa relasyon niyo?"
"I really dont know, wala akong idea."
"Mahal mo siya?" mahinang tanong niya.
Parang ayaw kong sagutin ang tanong niya, kasi kahit ako di ko alam ang nararamdaman ko.
Sasagot na sana ako pero bigla namang nang aya ang 4 na kumain. Kaya tumayo nalang kami at kinuha ang damit ko.
Sinuot ko ang short at damit ko at si Anne naman nagsuot din ng short at lose hanging shirt.
She really look beautiful, matangkad na siya hula ko 5'5 ang height niya. Hindi siya petite kasi bilugan naman ang mga legs niya, pero ang ganda ng porma.
Mala Catriona Gray ang tindig niya, ang pagka kaiba lang ay maputi siya at maganda parang angel ang mukha niya.
"Alam mo kanina pa kita napapansin, may iniisip ka talaga." saad niya paglapit niya sa akin.
Nginitian ko lang siya habang inakbayan at pinisil ang ilong niya.
"Aray!" tingala niya sa akin at kinurot ang tagiliran ko sabay takbo at nilampasan sila ate.
Hinabol ko siya pero di ko siya nakita. Saan kaya yun nag tago.
"Nag habulan ang mga bata." Sigaw ni MJ sa akin.
Nagpalinga linga ako att hinahanap si anne pero wala talaga akong nakita. At halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nalang pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko.
"Gulat ka noh?" tumatawang tankng niya sa akin.
Tumawa din ang apat pa naming mga kasama dahil sa reaksiyon ko.
Pumasok kami sa food court nitong resort. Naupo kami sa isang mahabang mesa at lumapit naman ang waiter para mag bigay ng menu.
Ang galing ng resort nato kasi pwede na kayong hindi mag baon.
Tumayo ako at lumapit sa counter. Narinig ko pang tinawag ako ni anne at harold pero di ko na sila pinansin.
Sumunod naman si Kuya Tim sa akin.
"Just sit down there kuya. ako na mag bayad." taboy ko kay kuya Tim.
"Are u sure?" tanong niya pa sa akin.
Tinanguan ko siya at nginitian. Kaya bumalik siya sa table at umupo.
Actually nag tanong lang naman ako kung tumatanggap sila ng card konti lang kasi ang cash na dala ko. At salamat naman kasi tumatanggap naman pala sila.
Bumalik ako sa table para mag order na din, habang nag aantay pa ang waiter para kunin ang order namin.
Marami din ang mga naliligo dito kasi halos occupied ang food court.
"Mag kwento ka din mamaya baby girl." saad ko kay anne sa tabi ko.
Nasa gitna siya namin ni MJ, at kaharap naman namin si Ate Rose, Kuya Tim at Harold.
"Ano naman ikwento ko sayo?" tanong niya habang nilalaro ang klenex.
"Tungkol sa sarili mo, remember 6 years yun anne." sagot ko habang itinaas ang dalawang kamay ko na naka ready ang 6 na hintuturo.
"Sige mag kwento ka pa mamaya, at mag kwento din ako." ngiting tingala niya sa akin.
Mas matangkad kasi ako sa kanya. 6'2 ang height ko.
"Kayo lang talaga mag kwentuhan?" busangot na saad ni harold sa harap ko.
"Bakit nasaan na ba ang loyalty mo Harold? Di ba kanina pa na si ate MJ ang kinakausap mo?" ganting saad ni anne kay Harold.
Tinitingnan lang namin sila na may ngigi sa labi. Mag sasalita pa sana si Harold pero bigla g dumating ang tatlong waiter na may dala ng mga pagkaiin na order namin.
Wala nang may nagsalita sa amin at nag concentrate na kami sa pagkain.
"In fearness ang sarap ng pagkain nila." saad ni anne sa amin.
"Oo kaya dinadayo to bunso dahil sa foods nila dito." Paliwanag ni ate rose
"Bago lang kasi to this year lang to nag open, at maliban sa iba't ibang slides sikat din ang pirate theme ng buong resorts." dagdag ni pa ni MJ.
"Mag slides tayo mamaya anne." sabi ko sa kanya na ikinatangi niya din.
Masaya kaming kumain at nag kwentuhan. Nag kwento kasi si ate rose kung paano sila nagkita ni kuya Tim.
Ang cute ng love story nila, at masaya ako na isa ako sa pinag katiwalaan nila na i kwento ang love story nila.
At masaya ako na naka bonding ko uli ang Noble sister's.
Every time na uuwi kasi ako dito sa CDO hindi kami nag kikita ni Anne. every dec. ang uwi ko at siya April naman.
Ngayon lang ako naka uwi ng March dahil sa negosyo ko na ilalagay dito.
"Shane tara na, gusto ko ma try yung parang capsule na bigla nalang ihuhulog." excited na aya ni Anne sa akin.
"Mamaya iiyak ka kapag e try mo yun." paniniguro ko pa.
"Since nandito na rin lang tayo, e try na natin lahat ng slides, Ano mga ate?" tanong niya sa mga kasama namin.
Bawat madadaanan namin ay tumitingin sa amin. Kapansin pansin kasi ang ka gandahan ng mag kapatid na kasama namin.
Pero ang atensyon ng lahat ay sa amin ni Anne.
Siguro sanay na siya sa atensyon kasi balewala lang naman sa kanya. Hindi man lang siya naasiwa.
Kahit dun sa starbucks kanina pinag titinginan siya lalo na nv mga kalalakihan. Pero parang wala lang sa kanya. Siguro dini deadma niya nalang.
Lalo tuloy akong naging interesado kay anne. Baliw na kung baliw basta buo na ang desisyon ko na ligawan siya. What ever it takes ika nga nila.