Chapter 8

1208 Words
Marianne's POV Di ko maintindihan ang sarili ko, bakit balisa ako ngayon eh dapat nga sanay na ako sa kanya kasi close friend namin kami. Kay Ryan na boyfriend ko di ako nakaramdam ng ganito, yun bang feeling na ang lakas lakas ng t***k ng puso ko. Para akong kinukuryente na parang napapaso nung nagdikit ang mga balat namin. Higit sa lahat bakit parang balisa ako at iniisip ko kung okay lang ba ang itsura at ayos ko? Never pa akong naging conscious sa sarili ko. Ano ba naman tong nararamdaman ko? Normal pa ba to?. "Pwede ba tayong mag bonding bukas?" tanong niya sa akin na parang hindi ko masagot dahil di ko alam san lumipad ang boses ko. Tumango nalang ako at ibinaling ang tingin sa daddy ko na busy sa pakikipag usap sa mga magulang ni Shane. "Salamat Mr. and Mrs. Noble sa pag tanggap sa offer namin. I would be glad to work with you." saad ng daddy ni Shane at sabay tayo. Uuwi na sila I think. "Thank you for coming and you're always welcome." Nakipagkamay na si daddy at nag beso naman si mommy sa mommy niya din. "Thank you tita and tito sa warm welcome. Hihiramin ko po bukas si Anne." pag paalam ni shane sa mga magulang ko. Hinatid namin sila sa parking area sa harap ng bahay. Nakatayo kami dun at kumakaway habang si dad nakaakbay sa akin at naka pulupot naman ang mga kamay ko sa braso ni mommy. Bumalik kami sa loob at dumiretso sa dining table. Bumaba na rin ang dalawa kong kapatid at lumabas naman si kuya Tim sa isang guest room dito sa baba. Kahit kumain na kami kanina, sumabay pa rin kaming tatlo muli sa pag kain. Ang sarap kasi kumain kapag kumpleto ang pamilya. Masayang nag kukwentuhan at nag uusap tungkol sa mga buhay buhay. Alas 10 na ng gabi ng naisipan kong umakyat sa kuarto ko para maka pag pahinga. Pagpasok ko sa loob agad kong narinig ang tunog ng cellphone ko. Nakalimutan ko palang mag text sa nobyo ko at sa mga kaibigan ko. Ang tanga mo talaga Marianne. Saad ko sa sarili ko. May 15 missed calls at 5 messages. Ang tindi ng mga missed calls na to ang dami at lahat ng yun ay galing lang kay Ryan. "Baby how was your flight?" "Are you busy?" "Good night and enjoy your vacation." Tiningnan ko.ang oras.ng text at missed calls at kanina pa pala to alas 8 ng gabi. Nag reply nalang ako sa text. "I will call u tomorrow baby, sorry nakalimutan kong e text ka. Nag eorry ka ba sa akin?" at sinend ko na yun bago ako pumasok sa banyo para maka ligo na. Nakahiga na ako ngayon sa kama pero di ako makatulog. What happen to you Marianne? Tanong ko sa sarili ko. Baka pagod lang talaga ako kaya kung ano ano nalang ang naiisip ko. Pero actually kinakapa ko ang sarili ko ngayon, kung bakit parang wala lang sa akin na ngayon mag kalayo kami ni Ryan. Di ba dapat ma miss ko siya? Pero oo nga baka miss na miss ko siya kasi bakit siya ang iniisip ko? wala mang excitement pero basta miss ko siya. Sapat na yung naiisip ko siya bago ako matulog! At mahal ko siya kaya tama lang na siya ang naiisip ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako nakipag talo sa sarili ko kagabi. Nagising ako ngayon sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Ryan. "Hi baby" sagot ko sa phone ko. Matagal tagal din kaming nag kwentuhan ni Ryan. At marami kaming napag usapan. Kaganapan sa mga buhay naming dalawa.. Hahahaha parang true diba?. May kumakatok na ng pintian ng kuarto ko kaya tiningnan ko ang oras sa phone ko at alas 9 na pala ng umaga. "Susunod na ako saglit lang" sigaw ko sa kumakatok sa pintuan at patakbong pumasok ng banyo. 10:30 na ako naka baba para mag almusal. Suot ko ang printed blue na jumpshort, at tsinelas. Naka pony tail ang May kahabaan kong buhok. Ash blonde ang pinakulay ko at litaw na litaw ang kaputian ko dahil sa kulay ng buhok ko. "Mommy" tawag mo sa ina ko ng maka baba ako sa hagdan. Pero walang sumasagot sa mga tawag ko kahit ang mga ate ko. Dumiretso ako sa dining table at nagbbaka sakali na kumakain kaya di narinig ang tawag ko. Papasok palang ako sa dining ng marining ko ang halakhakan. Excited tuloy akong naglakad pa labit sa table. "Good morning everybody" bati ko sa lahat at lumaki ang mga mata ko ng mamataan si Shane na kaharap ni Kuya Tim sa table. "Good morning" pabalik na bati ng isa't-isa. Nginitian ko siya pabalik ng nginitian niya ako at sabay turo niya sa upuan na katabi niya. "Ang aga mo naman ata?" tanong ko sa kanya. "Alas 8 pa lang nandito na yan ah paano tulog mantika ka tapos naligo ka ng 1 and a half hour?" umiiling na saad ni ate MJ. "Bilisan mo ng kumain anak, nakakahiya na kay Shane." saad ni daddy sa akin. "Bakit naman kasi ang aga mo? parang di mo ako kilala." ngiwing saad ko kay Shane. "I told u last night to fetch u up early." ganting sagot niya sa akin. Wala bang jowa to at parang ginawa niya na akong priority? Baka mamaya habang gumagala kami bigla nalang may mang hila ng buhok ko. Saad ko sa isip ko. Nag focus nlng amo sa pagkain at ng mataapos na ako kaagad. "Shane do I need to change my clothes? Saan ba tayo pupunta?." "If your comfortable with that, then its fine." Seryosong saad niya . "Siguradubin mo lang na mag enjoy ako sa pupuntahan natin ha." naka ngiwing saad ko. "Did you rolled your eyes on me?" ngiting aso na tanong niya sa akin. Hindi ako sumagit at pinag patuloy ang pagkain ko. "Alis na po muna kami my and dy" at hinalikan ko ang mga magulang ko, ganun na rin sa dalawa kong ate. "Huwag kayo mag pagabi Shane" saad ni daddy kay Shane. Tumango naman si dad at nginitian ako. "Ingat kayo ha anak. Shane mag ingat ka sa pagmaneho." "Yes tito I will." saad naman ni Shane sa ama ko. " Saan tayo pupunta Shane?" tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng Porche niya. Yayamanin diba? ang ganda ng car. saad ko sa isip mo. "Anywhere!! Gisto mo bang mag mall and watch movie? Or you want ro go swimming?" tanong niya sa akin. "Kamusta kana?" tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya pabalik "I'm good." Baling niya sa pwesto ko. "Wala bang mang aaway sa akin mamaya? Baka magulat nalang ako na biglang may manampal sa akin." Humagalpak ng tawa si Shane dahil sa sinabi ko. I Just rolled my eyes in the air. Ano ba kasi ang nakakatawa sa tanong ko? Nanigurado lang naman ako baka kasi mamaya may nobya siya dito. Tapos di ako aware dun. We are best of friends pero dati yun at mahigit 6 na taon kaming di nag kita. So I assume na may jowa siya dito. Sa gandang lalaki niya ba namang yan imposible na wala siyang girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD