Marianne's POV
Huminto si Kuya Tim sa isang sea food restaurant. Thirty to thirty five minutes galing airport ang byahe bago kamo nakarating dito.
First time ko lang makakain dito kasi nasanay na ako na sa downtown area kami kumakain tuwing uwi namin.
Favorite kasi ng lolo ko ang Chinese restaurant. Buti nga at hindi chinese food pinapaluto niya kay Manang sa bahay.
" Let's go hon and anne." aya ni kuya tim sa amin ni ate. Binuksan niya na ang car door at naunang bumaba.
Bumaba na rin ako kasunod kay ate. Humawak ako sa braso ni ate at sumabay nag lakad. Habang si Kuya Tim gina guide ng waitress patungo sa magiging table namin.
"Kamusta naman ang biyahe mo anne?" Malambing na taning ni ate sa akin.
Nginitian ko siya ng matamis bago nag salita. "Okay naman ate."
Pinaghila kami ni kuya Tim ng upuan bago siya umupo katabi ni ate.
Hindi ko talaga kilala si kuya Tim first time ko lang siyang ma meet. Iniisip ko pa kung taga dito lang ba siya sa Cagayan.
"You can choose what you want to eat anne." saad ni kuya Tim sa akin at nginitian ako ng matamis.
Tiningnan ko naman si ate na parang nag papatulong kaya sinabi niya kay Kuya Tim na siya na ang mamili for me.
Alam niya kasi na may allergy ako sa sea foods. At nahiya akong mag reklamo kay kuya. Okay lang naman sa akin kahit saan kasi hindi ako ma reklamo.
Dumiretso na kami pauwi. 8:30 pm na kami naka rating sa bahay at di ko alam kung dito din ba natutulog si kuya Tim.
"Daddy" patakbo kung lapit kay daddy at niyakap siya ng mahigpit. Na miss ko po kayo at pinatakan siya ng maraming halik sa mukha.
Humahalakhak naman si daddy dahil sa ginawa ko.
"I'm jealous anak." lapit sa akin ni mommy kaya niyakap ko din siya ng mahigpit at umiyak sa balikat niya.
"Hey why are you crying anak?." tankng ni daddy sa akin.
"Coz I missed you both." iyak na saad ko sa kanilang dalawa.
Kaya niyakap ako ni daddy kasama si mommy dabil nakayakap pa din si mommy sa akin.
"Mom, Dad yung bisita niyo po oh." saad ni ate kaya kumalas ng yakap si Daddy sa amin at bumalik ng upo sa sala.
Inakay naman ako ni Mommy patungo sa movie room.
Hindi ko napansin na may bisita pala sila, basta pag pasok ko dumiretso ako sa sala dahil doon naman lagi tumatambay ang ama ko.
Nakaupo siya paharap sa akin kaya tinakbo ko na lang siya bigla. At di ko na napansin na nasa sala din pala ang ina ko. Ang tindi ko diba? ina pa talaga ang nakalimutan eh noh?
"Mom asikasuhin niyo nalang po muna ang bisita niyo. Sorry po kasi di ko napansin na may bisita kayo."
"It's okay anak, you can go up to your room tatawagin nalang kita pag uwi ng bisita namin. Mag pahinga ka na muna"
Tumango naman ako kay mom. " Si ate MJ po pala mom?" tanong ko kay mommy kasi di ko siya nakita mula pag dating ko.
"Nasa kuarto niya puntahan mo nalang. Hindi kasi namin alam na darating ka walang sinabi si rose sa amin." paliwanag ni mom sa akin.
"Sige po puntahan ko nalang si ate." tinalikuran ko na si mommy at dali daling umakyat para puntahan ang isa ko pang ate sa taas.
Two storey ang bahay ng parents ko. Sa baba Ay may sala, kitchen, dalawang guest room, music room at movie room.
Sa taas naman merong sala din, at anim na kuarto. Master's bedroom kuarto naming tatlong magkapatid and another 2 guest rooms.
Apat ang guest rooms sa bahay na to kasi ang mga ate ko mahilig mag dala ng friends sa bahay at dito pina patulog.
Sabi naman kasi ng parents ko much better if dito sila sa bahay mag overnight kaysa kung saan pa na resorts. Kaya talagang nag additional ng guest room sa bahay na to.
Kinatok ko ang pinto ni ate Maryjane at narinig ko naman na sumagot siya ng saglit. Kasunod nhn narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto kaya naman hinanda ko na ang malapad ko na smile.
Nagulat naman siya na ako ang nakita niya at biglang sumigaw ng "bunso" at niyakap ako ng mahigpit.
"Aray ko, kung maka sigaw ka naman." maarte kong reklamo sa ate ko.
"Siyempre nagulat ako." humahalakhak na sagit niya sa akin. "Pasok ka" dagdag niya at niluwangan ang pagka bukas pintuan.
"Ang aga mo atang umuwi ngayon? Si lolo nasaan.?" magkasunod na tanong niya sa akin.
"Susunod si lolo sa first week ng April. Si ate rose ang nag send ng ticket sa akin kaya napaga ako kasi sabi niya mag susukat daw para sa gown ng kasal niya."
"Ah ganon bah! Kamusta ka naman dun sa bacolod bunso? Ganon pa rin ba ka strict si lolo?" Excited na tanong niya sa akin.
"Okay naman ako dun te, alam mo na kahit papano may mga tunay na kaibigan din naman ako doon."
"Speaking of friends, nagkita na ba kayo ni Shane sa baba?"
Naguguluhan ako sa sinabi ng ate ko. "Ano ate? klaruhin mo nga yang sinasabi mo. Bakit gumagala ba siya dito sa bahay kahit wala ako?"
"Parents niya bisita nila daddy at kasama siya. Bakit di mo ba nakita?" dagdag na tanong niya sa akin.
Umiling lang ako at patuloy lang kami na nag kamustahang dalawa. Hanggang sa maisipan ko munang magpalit ng damit.
Gusto ko babain at kamustahin si Shane ang tagal din kasi na di kami nag kita. After grade school di na kami nag kitang muli.
I don't know bakit parang sobra akong excited na makita siya. I wonder how he looks like?
Kasi everytime na uuwi ako dito for vacation , wala siya. Ang lagi ko lang nakakasama mag bonding ay si Harold ang isa pa naming bff na bakla nung grade school.
Binilisan ko ng magbihis para maka baba na. Nag suot ako ng short at blouse, kasi nandito lang naman ako sa bahay at gabi na pati.
Pababa na ako sa hagdan ng marinig ko ang boses ni mommy na sinabi na okay tatawagin ko lang.
Tumingin ako sa mga bisita ni mommy at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng masulyapan ko si Shane na nakatingin pala sa akin.
Parang biglang naging abnormal ang t***k ng puso ko na di ko mawari. Bumuntong hininga ako ng malalim at tiningnan siyang muli.
Ang tangkad niya hula ko 6 footer siya, Hindi siya ma masel pero ang ganda ng hubog ng katawan niya. Maputi ang tangos ng ilong, makapal ang halos salubong na kilay at ang lips niya na ang ganda ng porma at ang pula ha.
Ngumiti siya sa akin at kitang kita ang perpekto at magandang ngipin niya.
Juice colored bakit para akong nawalan ng lakas? Ano bang nangyayari sa sarili ko?Tumikhim ako bago siya nginitian ng matamis.
"Hi anne! dalagang dalaga ka na at sobrang ganda mo." humahangang saad ng mommy ni Shane.
Nginitian ko ng malapad si tita carol, "(thank u po tita.)" saad ko at nag beso sa kanya.
Nginitian ko rin si tito Luis na daddy niya at bumati ng magandang gabi.
"Anne" saad ng baritonong boses. at bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Shane.
"Hello Shane Justine Corpuz, long time no see huh., " saad ko sa pinasiglang boses.
Inabot niya ang magkabi laang balikat ko at hjnila niya para yakapin." Nice to see you again Anne."
Ang kaninang kaba na nadarama ko ay naging triple. Nang hawakan niya ang balikat ko, parang bolta boltaheng kuryente ang nararamdaman ko.
".You look stunning." Saad niya at kinindatan ako.
Alanganin akong tumabi ng upo sa kanya.
"You look so handsome" mahinang saad ko na sakto lang umabot sa pandinig niya.
"Marami kang utang na kwento sa akin anne kaya babalik ako dito bukas." saad njya at kinindatan niya ako.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, bakit ba biglang natameme nalang ako.
"Kalma self" bulong ko sa sarili ko
Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng kakaiba sa sarili ko na hindi mo naman to naramdaman ever since.