Chapter 20 Andrew Point of View “Ang tagal naman nila, mga babae talaga ang daming alam sa katawan!” reklamo ni Alex na kanina pa dumudukot ng marshmallow sa lalagya, patay gutom. Nandito lang kami naka-upo sa gilid, kahit gusto ng lumangoy ni Mark ay mas pinili nalang namin na hintayin ang mga babae’t baka magalit pa pag na una kaming lumusong. “Alam mo, epal ka talaga. Natural na matagal kami mag bihis, babae kami!” sabat ni Kim na bagong pasok palang, naka-suot s’ya ng two piece at ganon din sila Bea. Naka-suot sila ng robe bilang pang-patong sa damit nila. Parehas silang naka-lugay, wala na ring make-up na suot si Andrea at kitang-kita na ang totoo n’yang itsura. Si Bea naman ay naka-salamin pa rin at masamang nakatingin sa malayo. Lumapit sa akin si Drea at naupo sa tabi ko. “Ta

