Chapter 19 “Nasabi na ba sayo ni Kim about sa pool party?” tanong ko kay Andrew. Seryoso s’yang naka-tingin sa kalsada habang nag drive. “Oo, alam mo ba bahay nila?” sumilip s’ya sa side mirror para tignan akoat agad din na binalik ang tingin sa daan. “Hindi ko alam. Binigay n’ya lang ang address” kinuha ko sa bag ang papel kung saan nakasulat ang address nila. “Pahatid nalang tayo sa Driver?” tanong ko. Tumango-tango nalang s’ya at hindi na nakipag-talo sa gusto ko. Inabot din ng kalahating oras ang byahe papunta sa amin, ng makarating na kami ay pinag buksan n’ya pa ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko. Sweet naman pala s’ya pag inlove, sobra naman kasi makapag-kwento si Cristine dati na patay na patay sa akin ang pinsan n’ya. Buti nalang at walang pakalat-kalat na katulong ngayo

