CHAPTER 4

979 Words
“Perfect!” sabay palakpak niya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ibang-iba ang mukha at ang kulay ng balat ko. Ang dating maputi kong balat ay naging morena, ang mukha kong makinis ay nag karoon ng mga pekeng tigyawat pati ang ngipin ko na nilagyan ng retainer.  Kung titignan ko ng mga tao na hindi naka-kakilala sa akin ay hindi talaga mahahalata na ako si Andrea, ibang-iba rin ang awra ng mukha ko at natatakpan ng makapal na salamin ang buong mata ko. “Sigurado ka na hindi ako makikila dito?” alinlangan kong tanong. Ngumisi naman si Cristine at may kinuha na isang red lipstick sa bag n’ya bago nilagyan ng ang labi ko. “Red lipstick, medyo magiging badoy ka pero it’s for your safety. Sa tanong mo, yes. Hindi ka n’ya makikilala but make sure na gagawin mo araw-araw ang tinuro ko sayo.”  Nilagay n’ya ang lahat ng mga make-up na ginamit namin sa isang paper bag at nilagay sa maleta ko. Tinignan ko ulit ang buong katawan ko, natakpan ang kulay ko ng body concealer. “Lahat ng nilagay ko sa’yo ay waterproof kaya wag ka mag alala.” Sabi n’ya sakin bago kinuha ang pang kulot sa buhok at inayos. “Ready ka na?” tanong n’ya.  Tumango ako sa kanya bago tumayo, suot ang isang medyo lumang palda ko na hanggang talampakan at pati na rin ang longsleeve na tumatakip sa buong katawan ko. “Tara na” Hinila ko ang maleta ko palabas ng condo n’ya, kailangan kong tumira sa bahay ng mga Sanchez para mabantayan ang anak ni Sir Erwin. Mas ayos na rin’yon para hindi na ako mag bayad ng renta buwan buwan at hindi na rin gumastos ng pamasahe, ganon na rin ang mga kakainin sa buong araw. Hindi nag tagal ng isang oras ang byahe ay nakarating na kami sa bahay ng aalagaan ko, hindi ko pa s’ya nakikita pero ang sabi sa akin ni Cristine ay mas matanda lang daw s’ya sa akin ng ilang buwan. Bumaba kami sa sasakyan katapat ang isang malaking bahay, mukhang ‘to na ‘yon. “Good afternoon!” bati ng katulong na nag bukas ng gate. Hindi na kami nahirapan, since kilala dito si Cristine ay pinapasok na kami agad without any questions. “Wow!” mangha kong sabi ng makita ang isang sports car na nakaparada sa garahe nila. ‘to ang ang gusto kong ipabili kay Daddy pero dahil masyadong mataas ang presyo ay hindi ko nalang sinabi, iniisip ko rin ang sasabihin sa akin at baka masabihan pa na maluho. “Don’t touch that!”  “Ay kabayo!” tinignan ko kung saan nanggaling ang sigaw at isang pamilyar na mukha ang masamang naka-tingin sa akin. Mabilis s’yang lumapit at tinulak ako papalayo sa sasakyan bago pinunasan ng malinis na basahan ang parte na hinawakan ko. Hindi naman s’ya oa no? “Hindi mo ba alam kung mag kano ‘to?! Mas mahal pa ‘to sa bahay n’yo at sa buong pagka-tao mo!” inis n’yang sigaw sakin. Napa-yuko nalang ako at pinaglaruan ang daliri ko, iniisip ko kung saan ko ba s’ya nakita. He looks familiar pati na rin ang boses n’ya pero hindi ko maalala kung saan at kailangan. “Ano pang niyuyko mo d’yan? Umalis ka sa harap ko, your fired!”  “Pero-“ “Wala kang karapatan tanggalin s’ya, naka-lagay sa kontrata at ang sabi ni Tito Erwin na s’ya lang ang may karapatan na tanggalin si Nicole.” Agad akong pumunta sa likod ni Cristine. S’ya na ba ang babantayan ko? Gwapo sana kaso pumapatol sa babae. Ang sabi nila kuya ang pumapatol daw sa babae ay mga bakla daw, iba daw ang lakas ng lalaki sa babae kaya kahit anong mangyari hindi dapat pinapatulan. “Bakit ka nandito?”  “Hinatid ko kaibigan ko, masama ba?” humigpit ang hawak ko kay Cristine bago s’ya pasimple s’yang kinurot. “Kaibigan mo? Si Andrea lang naman ang kaibigan mo.” Tumingin s’ya sa akin ng masama. “Anong hinihintay mo, kumuha ka ng meryeda masyado kang chismosa.” Tumingin ako kay Cristine, tumango naman s’ya. Pumasok ako sa loob at halos mapa-nganga ako, isang old fashion design ang na sa loob ng bahay samantala ang sa labas ay modern. Kailangan talaga tignan ang loob bago mo husgahan, hindi ko rin akalain ang ganito. “Excuse me, saan po ang kusina?” tanong ko sa isang maid na dumaan sa harap ko. May katandaan na s’ya, ang mga buhok nya ay kulay puti na pero ang katawan n’ya ay halatang malakas pa rin para mag trabaho sa ganito kalaking bahay. “Pasok ka sa pinto na ‘yan ija.” Tinuro n’ya ang isang pinto sa hindi kalayuan bago tumingin sa akin, “Ikaw ba ang bagong P.A ni Andrew?” Tumango naman ako bago nahihiyang ngumiti, ang sagwa tawagin na P.A pero mas ayos na kesa sa tawagin na katulong. “Mag ingat ka sa kanya, walang nag tatagal na mga P.A sa kanya mas lalo na pag hindi n’ya gusto. Osya, una na ako.”  “Sige po” tinignan ko lang s’ya habang papalayo at pumunta na rin sa kusina. Nag handa ako ng tatlong slice ng cake pati na rin tatlong juice para sa meryenda namin. Dadalhin ko na sana ang tray ng tumunog ang cellphone ko, umaasa na baka sila kuya ang nag text.  “Tell him that you and andrea is a good childhood friend. Sumakay ka nalang para sa’yo rin ‘to.” Napanguso nalang ako ng mabasa ang text ni Cristine. Bakit kaya wala pang paramdam sila kuya hanggang ngayon, sure naman ako na alam na nila ang ginawa ni Daddy na pag papa-alis sa akin sa bahay. Lumabas ako sa kusina na bitbit ang isang tray, nakita ko sila na seryosong nag uusap at hindi na nag sisigawan katulad kanina. Mukha naman mag kasundo silang dalawa pero na papangunahan lang ng inis. “Nicole, you’re here!” naka-ngiting sabi ni Cristine bago ako kinindatan. May kalokohan nanaman s’yang ginawa at sigurado ako na damay ako pati ang pag papanggap na ginagawa ko. “Let’s talk” sabi ni Andrew bago ako hinila papunta sa kusina. Masama s’yang naka-tingin sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “That old man don’t know how to choose hot girls” sabi n’ya at umaktong nandidiri. “Ano po bang kailangan n’yo sir?” “Let’s make a deal. Ugly woman.” What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD