CHAPTER 3

984 Words
“Are you sure about this, ija?” tanong ni Sir Erwin. Binaba n’ya ang resume ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa na hindi makapaniwala. Well, isang magandang katulad ko ba naman ang mag a-apply bilang P.A. ng anak n’ya sinong maniniwala agad. “Yes, sir. Kailangan ko po talaga ng trabaho habang matagal pa po ang pasukan,” sabi ko bago ngumiti. ‘yon naman talaga ang tunay kong rason kaya ko kinukuha ang trabaho na ‘to, hindi rin pwede na ako ang gagamit ng condo ni Cristine at mang hingi sa kanya ng pang gastos ko sa pang araw-araw. “Saan ka ba pumapasok?”  “Sa Cresent University po pero mukhang kailangan ko po muna lumipat sa ibang scho-“ “I will enrolled you at Yate’s Acadameny, mas maganda kung hanggang sa school ay masusundan mo ang anak ko and masusubaybayan mo ang lahat. I will be your sponsor at tataasan ko pa ang sweldo mo as P.A pero make sure na tatagal ka sa anak ko.” He’s willing to give those offer para lang mag tagal ako sa anak n’ya, mas lalo tuloy akong na curious sa ugali ng Andrew na ‘yon. “ I don’t know what attitude he had but I will do my best to stay, sir.” Kailangan ko ang trabaho na ‘to at kung ganito ang offer hinding-hindi ko na ‘to iiwan. “But I have a one rule, ija.” Sabi n’ya ng seryosong boses. “Don’t fall inlove with him.” “Po?” tanong ko. Ba’t na punta naman sa love ang usapan dito? “Yes, sir. I promise!” hindi naman ako ako mabilis ma-inlove mas lalo na sa masasama ang ugali at pasaway. “At ako lang ang pwede mag tanggal sayo sa trabaho. Hindi s’ya at hindi kung sino man.” Tumango-tango ako. Nilapag n’ya ang dalawang papel, kontrata kung saan na maayos na napag-usapan ang mga rules pati na rin ang iba pang mga offer. Pinirmahan ko ka-agad ang kontrata ng hindi na binabasa. Hindi ko na kailangan mag dalawang isip pa sa trabaho na ‘to, kung pasaway s’ya mas pasaway ako. “Mag iingat ka nalang sa anak ko, Andrea.” Banta sa akin ni Sir Erwin bago iniwan ako sa loob ng opisina n’ya. Bakit ganon nalang mag salita si Sir pati na rin ang ma-inlove sa anak n’ya ay isang malaking bawal? Nevermind basta ngayon may trabaho na ako, hindi naman siguro mahirap paamuhin ang lalaki na ‘yon. Lumabas ako ng opisina ni sir at bumungad sa akin si Cristine na naka-taas ang kilay na naka-tingin sa akin, hindi naman halata na inaabangan n’ya ako lumabas. “Akala ko mag stay ka na don forever!” reklamo n’ya bago tumayo at lumapit sa akin. “Alam mong walang forever at isa kayo ng ex mo ang nag patunay.” Sabay irap ko sa kanya. I remembered kung paano n’ya iyakan ang jologs na ‘yon, mukhang mabait pero timer naman. Ito naming si Cristine ay nag papaloko at binibigay din ang gusto ng lalaki. “Ano ba ang pinag-usapan n’yo?” pag-iiba n’ya ng topic. Bitter. “Dinagdagan ang offer sa’kin, since na banggit ko na nag aaral din ako ay i-transfer daw ako sa Yates Acadameny tsaka pati doon babantayan ko ang anak n’ya.” Bago pinakita ang kopya ko ng kontrata. “Sure ka na bas a pinasok mo?” tumango ako sa kanya. Sure na sure na ‘ko, kung ito ang magiging daan para mapatunayan ko kay Daddy na kaya ko ay gagawin ko. Besides alam ko naman na hindi mamatay tao ang pamilya nila Cristine kaya ba’t ako matatakot. “Walang dahilan para atrasan ang magandang offer, Cristine. Tara, uwi na tayo.” Hinila ko na s’ya papunta sa elevator ng may isang lalaki na bumangga sa akin. Nahulog ang bag ko sa lakas ng salpok sa kanya pati na rin ang hawak kong folder kung saan naka-lagay ang kontrata. “Sorry!” pag hingi ko ng dipensa pero tinignan n’ya lang ako at hindi tinulungan. “Wag ka kasi paharang-harang sa daan.” Sabi n’ya bago nilagpsan ako. Napa-nganga nalang ako sa sinabi n’ya bago napa-tingin kay Cristine na naka-tulalala at sinusundan ang papalayong lalaki. “Ang bastos naman non, hindi manlang mag sorry at tulungan ako pulutin!” inis. Inayos ko ang sarili ko, pati na rin ang buhok ko na medyo na punta sa mukha ko. “Bakit ka ba naka-tulala?” tanong ko sa kanya at marahan s’yang hinampas sa pisngi para matauhan. “Nakalimutan ko. Omygash, hindi tayo uuwi kailangan natin gumawa ng paraan para hindi ka n’ya makilala.” Nata-tarantang sabi ni Cristine. “Bakit ba?” tanong ko. Hindi n’ya ako sinagot at hinila nalang papunta sa sasakyan n’ya na para bang nag mamadali. Hindi ko alam problema n’ya pero bat kailangan mataranta at bakit damay pa ako? “Wag ka mag madali baka mabangga tayo!” suway ko sa kanya pero hindi n’ya ako pinansin at mas lalong pinaharurot ang sasakyan. Lord, kung gusto na po mawala ni Cristine sa mundo sana po ay wag na akong idamay. Marami pa akong pangarap at isa na ang mag karoon ng lovelife. Naka-rating kami sa mall ng walang galos, nag mamadali s’yang bumaba ng sasakyan kaya agad akong sumunod sa kanya. “Im sorry, Andrea. Nakalimutan ko sabihin, na wala sa isip ko talaga.” Sabay gulo n’ya ng buhok n’ya. “’yong ano?” “Nakalimutan ko na baliw na baliw pala sa’yo ang pinsan ko. Remember ng tayo ang ginawang mukha ng company naming, nakita ko sa bahay nila ang sobrang dami mong picture.” What? “Edi mas mapapa-dal—“  “Hindi mapapa-dali dahil mas lalo kang mahihirapan, hindi mo alam ang ugali ng pinsan kong ‘yon, Andrea.” Putol n’ya sa sasabihin ko. Napa-tingin ako sa bag ko, yong kontrata. Naka-pirma na ako sa kontrata, hindi pwedeng takbuhan ko nalang ‘yon at mas lalong sayang ang opportunity na ‘to. “Anong balak mo?” kinakabahan kong tanong. Tama sila, hindi ko kailangan makampante. Mas lalo na ngayon na may lihim na pag nanasa sa akin ang magiging amo ko. “Disguise.” Sabi n’ya bago ako hinila papasok sa isang shop na puro make-ups. Tumingin ako sa lahat ng products nila, mukhang safe naman gamitin pero ako ngayon ang hindi safe sa pinasok ko. Ilang oras kaming na sa loob ng shop at ng mabili na ang lahat na na sa tingin ni Cristine na magagamit. Ano ba ‘tong pinasok ko, bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD