CHAPTER 2

981 Words
Pag sapit ng kinabukasan ay na pag pasyahan ko pumunta sa bahay nila Cristine, sobrang boring sa condo at walang ibang ginawa kundi ang mahiga at mag isip ng paraan para kumita. Hindi ko alam kung kalian ako mag uumpisa bilang P.A., wala pa naming balita sa in-applyan ko at hindi na muling nag email pag tapos ko ipasa ang resume ko. Pinarada ko ang sasakyan ko sa harap ng malaking bahay kung saan nag stay ngayon si Cristine, mayaman ang pamilya nila at hindi mapag kaka-ila na mas mayaman pa sila sa amin. “Good morning po,” bati ko sa katulong na nag bukas ng gate “Nandyan po ba si Cristine?” Tinignan naman n’ya ako mula ulo hanggang paa at para bang kinikilala. “Nandito po maam, sino po ba kayo?” tanong n’ya na nakataas ang kilay. Mukhang bago palang s’ya kaya pag bibigyan ko na, ayaw ko paandarin ang radar ng kamalditahan ko ngayon at baka masira pa ang buong araw ko. “Andrea Ni-“ “Andrea! Let her come in, Thea” napa-ngiti naman ako ng makita si Tita na kumakaway sa pwesto ko. Tinignan ko ang babae at inirapan n’ya ako, anong problema non? Pumasok ako sa loob ng gate nila at dumiretso sa pwesto ni Tita, “Bago po s’ya?” Tumango naman si tita bago hinawakan ako sa braso, “Yes, ija. Pag pasensyahan mo nag alit talaga ‘yan sa magaganda” parehas kaming natawa sa biro n’ya. Ito ang gusto ko sa bahay nila Cristine, may mommy s’ya na nag hihintay sa kanya at nag mamahal. Mayaman sila pero may oras sila para sa pamilya mas lalo na ang mommy n’ya, ang bagay na wala ako. Mommy. “Kumain ka na ba? Tulog pa si Cristine, gusto mo ikaw nalang ang pumunta para sabay na kayong kumain. Ihahanda ko nalang muna ang pag kain.” “Sige po tita, puntahan ko po muna.” Tumango naman agad si Tita. Alas-dyes na nang umaga at buhay prinsesa pa rin si Cristine na tulog na tulog pa rin, sigurado ako na pumunta na naman ‘to sa bar kagabi. ‘to ang bisyo n’ya na mag punta sa bar pag ginusto n’ya at pag na-stress sa school. Ang hirap din naman kasi ng course n’ya at ang alam ko ay na pilit lang s’ya na i-take ang  course na ‘yon. “OMYGOSH!” bulong ko ng makita ang buong kwarto n’ya. Ang mga damit n’ya na kung saan-saan naka-sampay, ang mga sapatos n’ya na halatang hinagis lang pag tapos suotin  pati na rin ang mga bag n’ya na nasa sahig nakakalat. “Cristine, gumising ka! May itatanong ako sayo.” Niyugyog ko s’ya ng konti para gisingin pero no effect. Naka-nganga pa rin s’ya habang ang mga laway n’ya ay nag kakalat na sa mukga n’ya pati na rin ang buhok n’yang kinuryente. “Mommy, mamaya na po” bago nag talukbong ng kumot. Muli kong nilibot ang paningin ko sa kwarto n’ya at napa-ngiwi sa sobrang kalat, kulang nalang ay mga ahas sa sobrang dumi. Isa-isa kong dinampot ang mga kalat sa sahig pati na rin ang mga damit n’ya na kung saan-saan nakalagay, ‘di ko ata kakayanin pag ako ang nag stay sa ganitong  kwarto. Nilinis ko muna ang sahig at pinag sama-sama sa iisang sulok ng kwarto n’ya pero ‘yon pa rin s’ya tulog na tulog pa rin. Ayaw mo talaga gumising ah? “Saan na si Cristine?” tanong ni tita ng makita ako, napa-ngiti naman ako sa kanya bago nag kamot ng batok. “Hindi pa po tita. May takip po ba kayo ng kaldero?” nahihiya kong tanong, kinuha naman agad ni tita at inabot sa akin ang mga takip. “Bakit anong gagawin mo sa mga ‘yan?” nag tataka n’yang tanong. Gigisingin ko ang tulog mantika n’yong anak tita at ipapaligpit ang mga kalat sa kwarto n’ya. “Basta po” sagot ko bago tumakbo na papunta sa taas. Ang loka ay naka-tuwad at tulog na tulog pa rin. Sinira ko ang pinto at ni-lock, pumunta ako sa gilid para mag tago. Hinampas ko ng mag kasabay ang dalawang takip na hawak ko bago sumigaw “SUNOG! MAY SUNOG!” “Saan?! Saan ang sunog?!” tumayo s’ya agad at kinuha ang mga gamit na malapit sa kanya, tumayo s’ya at aktong lalabas ng mapahinto s’ya bago tumingin sa buong kwarto. “ANDREAA!” inis n’yang sabi, nag peace sign nalang ako sa kanya bago lumabas ng kwarto n’ya at nag mamadaling pumunta sa dining area. Sigurado naman ako na hindi na s’ya matutulog ulit dahil sa ginawa ko. Hindi naman nag tagal ay bumaba na rin s’ya sa wakas, masamang pag hintayin ang pag kain baka layuan ng grasya. “Anong ginagawa mo rito?” bumangad n’ya sakin bago umupo sa tabi ko. “Ang alam ko welcome ako sa bahay n’yo kaya pwede ako pumunta.” Bara ko sa kanya bago sumandok na ng pag-kain. “Kamusta ang so-we-called pag lalayas mo?”  taas kilay n’ya. “Kailangan ko mag hanap ng trabaho, malapit na rin ang pasukan. Hindi pwede na mag stop ako sa pag aaral.” Problemado kong sabi. Second year na ako ngayong pasukan, since alam ko na wala na akong mapapala sa parent ko ay kailangan ko mag hanap ng trabaho habang nag aaral na swak sa oras “May alam ako pero may konting problema” sabi n’ya bago napa-ngiwi. “ano?” “Nag hahanap si Tito Erwin ng bagong P.A. ng pinsan ko, kailangan n’ya nang mag babantay since may sayad ata sa utak ‘yong lalaki na ‘yon.” Sayad? “What do you mean?” tanong ko sa kanya. Tumayo s’ya at pumunta kung saan, pag balik n’ya ay may hawak na s’yang isang papel. Katulad ng na sa kwarto n’ya. “’yan. Kita mo naman na malaki ang offer na nandyan dahil ang aalagaan nila at babantay ay walang ginawang tama sa buhay.” Inabot n’ya ang papel sa akin bago na upo ulit at sumubo. “Tumawag na ako kahapon at nag email na rin ng resume pero wala ng nag reply” tinaas ko ang papel bago kinaway sa ere “Hindi ko rin naman akalain na pinsa mo ‘yan.” Inirapan n’ya nalang ako bago nag tuloy-tuloy s’ya kumain. “Samahan kita bukas kay tito, kailangan ko muna s’ya tawagan at ipa-sched ka.” “Sigurado ka?” tumango naman s’ya bago ngmuti. “Yes, dahil mamayang gabi ay isasama kita. Let’s celebrate sa pag lalayas mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD