Alex Point of View Agad akong napa-tayo ng marinig ko na may papaalis na sasakyan sa harap ng bahay, kita ko si Nicole na nag bukas ng gate para mailagas ang sasakyan ni Andrew at sumakay din si Nicole don. Dapat pala ay tinawagan o tinext ko nalang s’ya kanina para lumabas kung gising naman pala s’ya. Kumuha ako ng damit at naligo, mag lilibang nalang ako mag isa sa quantumn ngayong araw. Ako lang rin mag isa ngayon sa buong bahay dahil may emergency meeting sila mommy. Hindi na ako nag tagal pa at natapos din, sumakay ako ng sasakyan ko at nilapag ang cellphone ko. Habang nag drive, binuksan ko ng malakas ang speaker ko para hindi mapansin ang traffic ng bilang; “f**k!” agad kong inapakan ang preno ng may isang babae ang tumawid sa kalsada. Naka-tayo lang s’ya doon at nakapikit an

