Chapter 15 “HAHAHHA” hindi ko mapigilan ang pag tawa, ‘yong mukha n’ya halatang pikon na pikon na umakyat sa kwarto n’ya. Tumayo ako sa sofa ng maka-recover na ako sa pag tawa at pumunta sa kusina, na gugutom na ako samantala ‘yong panget na ‘yon natutulog lang sa kwarto nya. Pag bukas ko sa ref para kaming nag hihirap, tubig lang ang laman at walang kahit anong pag-kain na makikita. Umakyat ako para katukin s’ya, hindi ko kaya na walang pag kain ang ref. “Ano nanamn?!” sigaw n’ya mula sa loob. “Mag bihis ka, aalis tayo” sabi ko at pumasok na rin sa kwarto ko. Wala rin naman magawa dito sa bahay kaya’t mas mabuti ng umalis kesa mabagot ako dito. Nag suot lang ako ng Maong na short at putting T-shirt, hindi ko na kailangan mag pa pogi pa ng sobra. Baka pag kaguluhan pa ako sa mall.

