Chapter 7

2683 Words
Melissa's POV May ngiti ako sa labing pinapanood ang mga estudyanteng nagpapakatino ngayon sa aking klase. They are all junior high, but they still acting like a kid. Noisy brats. "Ma'am hindi ba puwedeng assignment na lang ito?" reklamo ng aking estudyanteng transfer galing public. Tinaasan ko ito ng kilay. "Miko, may oras pa," sagot ko sa kaniya. Bumuntong hininga ang bata sabay balik ng tingin sa activity na aking pinasasagutan. Tahimik kong inilibot ang paningin. Napadako ang tingin ko sa babae at lalaking nasa bandang likod nakaupo. Umismid ako nang mapansing nagngingitian nang kay tamis ang dalawa. Kay bata, bata, may love life na dinaig pa ako. "Are you all done?" tanong ko. Ang iba'y nagsisilingunan na sa kanilang katabi. Cheating on their cheatmates are the students life now a days. "We're not yet done, ma'am!" sabay-sabay nilang sagot sa akin. Hindi pa tapos dahil nagkokopyahan pa sila, sinusuring mabuti kung parehas ba sila ng sagot o tama ba ang sagot niya sa katabi niya. Tumunog ang cellphone kong nakalapag sa mesa. Agad-agad ko namang tinutukan ng mata ang bagay na 'yon saka binasa ang text message. From: Claire Are you busy? Let's have lunch together with Mike and William. Sumimangot ako. Si William na naman. Mabilis akong nag-reply at sinabing isasama ko si Estella nang hindi naman siya mag-isa. From: Claire Text mo si Justin nang silang dalawa ang mag-lunch. Umiling ako sa text niya. Gustong-gusto kong gawin iyon but I respect Estella. To: Claire Nah! Si Justin ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila at hindi ako. Ayokong mangialam sa kanilang dalawa, kung hindi sila magkabalikan edi huwag. From: Claire Okay see you at Mercedes restaurant. Tumayo ako at muling pinasadahan ng tingin ang mga estudyante ko sabay ngiwi nang mapadaan ang aking tingin sa love birds kong estudyante. Jusko! Dinaig talaga ako ng mga bata. "Finish or unfinished pass your papers in fr-" "Ma'am assignment na please." pagmamakaawa ni Miko. Umiling ako at inilahad ang kamay sa upang ibigay na nila sa akin ang kanilang mga papel. Mahirap maging mabait sa estudyante dahil aabusuhin ka lang nila. Hindi sa lahat ng bagay ay pagbibigyan natin ang iba, matuto rin tayong humindi. Nagtungo ako sa science department upang iwan ang activity ng mga estudyante ko sa aking mesa. Patuloy ako sa paghakbang nang paningkitan ko ang lalaking malapit sa science department. "Justin!" tawag ko sa lalaking nakasandal sa poste habang nakatanaw sa pintong nakasara. "Bakit ka nandiyan? Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kaniya nang lapitan. Huminga nang malaim saka ako nito inilingan. "Okay na ako sa pagtingin sa kaniya sa malayo. Nabalitaan ko kasing may gusto palang mang-r**e sa kaniyang professor dito," sabi niya. "Wala na 'yong professor na 'yon dito. Mag-iisang buwan na rin siyang tinanggal ng principal dahil pati principal tipo niya," sagot ko. Tumiim ang kaniyang panga saka mahinang natawa. "Lintek naman 'yang professor na 'yan. Ang tanda na nga, mahilig pa." mapanuyang sabi niya na akin namang tinawanan dahil may punto siya. "Nagtanghalian ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa," sagot niya. "Hinihintay mo siyang lumabas?" tanong ko ulit. "Ayaw ko nang pumunta rito pero parang may nagtulak sa akin na pumunta na muna rito." napangiti ako sa sagot niya. Mahal pa talaga niya ang kaibigan ko. Noong huli naming pagkikita ay sinabi niyang hindi na kailanman siya dadaan dito at ayaw na niyang pansinin pa si Estella. "Akala ko ba-" "Torpe ako kung hindi ko aamining mahal ko pa rin siya." nakayuko niyang sabi na may kasamang ngiti. "Edi pumasok ka diyan sa loob at ayain mo siyang magtanghalian," suhestyon ko sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin ang pinto at tumingin sa akin. Marahan ko itong tinanguan. "Papayag kaya siya?" "Papayag ang alin? Magkabalikan tayo?" sabay naming nilingon ang may-ari ng boses na iyon at nandito pala siya. Pumungay ang mga mata ni Justin, unti-unting napawi ang ngiting nakapinta sa labi niya kanina. "K-kung gusto m-mo." nauutal niyang sagot. "Estella!" napalingon ako sa lalaking tumawag kay Estella. Magkasingtangkad silang dalawa at moreno. Tiningnan ko si Estella, tinging 'sino siya?'. Nginitian ako ni Estella nang napakatamis. "Mel, Justin, siya nga pala si Mr. Sembrano, Filipino teacher dito." pagpapakilala niya sa lalaking dumating. Nginitian naman ako nitong si Mr. Sembrano, in fairness guwapo ang fafa. "Bakit, Mr. Van Sembrano?" tanong ni Estella. Saglit akong napalingon kay Justin na ang sama-sama ng tingin niya sa dalawa. Gusto kong matawa sa reaksyon niya subalit inilapit niya sa akin ang nakakasunog niyang tingin. "Sino siya?" he mouthed to me. Nagkibit balikat lang ako dahil madalas ko naman silang nakikitang magkasama pero wala akong alam kung ano ang meron sa kanila. There's not my monkey business anymore. Pakikialaman ko iba, sarili ko ngang love life hindi ko maasikaso. "Ayain sana kitang mag-lunch, alam mo na... gusto kitang kilalanin." tumaas ang isa kong kilay sa sinabi ni Mr. Sembrano. "Uhm guys, alis na ako." paalam ko sa kanila at agad na naglakad papasok sa loob ng science department. Pagkalagay na pagkalagay ko sa mga hawak kong papel sa loob ng drawer ay agad din akong lumabas. Ngumisi lang ako kay Justin na nakatitig lang sa dalawa. Kawawang lover boy. Mabilis ang paglalakad ang ginawa ko patungo sa Mercedes Restaurant na walking distance lang sa amin. Salamat naman at malapit sa university ang pinili nila, sa bagay bagong bukas lang kasi ito. "Mel!" agaw pansin sa akin ng babaeng naka-office suit maging ang dalawang kasama niya. Umupo ako sa tabi ni William na nakita ko pang ngumisi. "I miss you, tiboom," bulong nito sa akin sabay hagikgik. Inirapan ko lang siya at iniangat ang nakatagong kamao ko sa ilalim ng mesa. Napangiwi siya nang aking idapo nang marahas ang kamao ko sa hita niya. "What the fvck! Anong kasalanan ko?" tanong niya habang hinihimas-himas ang hita niyang pinag-initan ko. Matalim ko lamang itong tinitigan sabay irap kalaunan. "Anong gusto ninyo? Bulalo?" tanong ni Claire kaya napatingin ako sa kaniya. Mabilis akong tumango. "Maraming bulalo at kanin," sabi ni Mike. "Damihan niyo ang kanin dahil mapapalaban ako sa sarap ng bulalo," sabi rin ni William. Umalis ang waiter na ibibigay sa chef upang lutuin na. "Happy birthday, baby," malambing na wika ni Mike sabay halik sa pisngi ni Claire. Ngumiwi lamamg ako sa kanila. "Gross. By the way happy, happy birthday Claire! Huwag kang magbabago, stay strong kayong dalawa at stay healthy na rin," nakangiti kong sabi sa kaniya. Nakalimutan kong August 5 pala ngayon dahil siguro sa busy rin ako sa pagiging teacher, nakakalimutan ko na ang date ngayon. Huminga ako nang malalim sabay balik ng tingin sa kanilang dalawa. Parang noon lang ay ayaw pa ni Claire si Mike pero tingnan mo ngayon, gusto rin pala ang lalaking katabi niya. "Happy birthday insan, huwag ka pang mamamatay bigyan mo pa ako ng mga pamangkin. Gusto ko labin-dalawa para masaya." saka tumawa si William sa sinabi niya habang masama naman ang tingin ng pinsan nito. Baliw kasi. "Ginawa mo namang baboy si Claire," natatawa kong sambit sa kaniya. "Gusto ko 'yon, papagudin ko s-" "Huwag mo ng ituloy ang sagwa sa pandinig. Saka single pa ako kaya bawal kong marinig iyan." awat ko. Nagsitawanan naman ang tatlo at binalingan ako ng tinging 'wow-single'. "Bakit ka nga pala single?" tanong ni Mike sa akin. Nagkibit balikat ako sa tanong niya, hindi ko rin alam kung bakit. "Hindi kasi siya jowable," singit ni William. "Na-traffic pa 'yong ka-forever ko," biro ko naman. Sa totoo lang ayos lang naman sa aking maging single, walang sakit sa ulo, walang problema pero gusto ko rin para may mapagsabihan ng mga problema at may maglalambing kapag stress ka na. Mayamaya ay dumating na ang order namin. Amoy na amoy ko ang bango ng sabaw ng bulalo, mas lalong nagwala ang mga alaga kong kanina pa tahimik. Inamoy ni Mike ang mainit na sabaw at agad na humigop ito. Napahalakhak ako nang bigla niyang ibagsak ang kutsara sa sahig. "Bwesit ang init!" reklamo niya. "Hipan mo muna kasi bago humigop ng sabaw." iiling-iling na kinuha ni Claire ang kutsara niya at inilubog sa mangkok ng bulalo ang kutsara. Inihipan niya ito at iniangat. "Ayan," wika niya saka isinubo ito kay Mike. "Parang bata," komento ni William. "Baby raw kasi nila ang isa't isa," sagot ko naman. Masaya naming nilantakan ang malinamnam na bulalo. Bukas na bukas nandito ulit ako, sakto lang sa budget at masusulit mo pa ang pagkain dito. Nagpalitan kami ng asaran at tawanan na para bang kami lang ang tao dito sa restaurant. "Ang sarap ngang magtampo dahil gustong-gusto kong suyuin niya ako," nakangiting wika ni Claire. "Kaya pala halos araw-arawin mo na ang pagtatampo." ngumuso si Mike sabay iling. "Nakakapagod ang manuyo," singit ni William. "Baka kasi maging labuyo kapag nagsawang manuyo." dugtong ko. Tumaas lang ang kilay nila sa akin saka tinawanan ang seryoso kong sinabi. "Bakit anong mali sa sinabi ko?" nagtataka kong tanong sa kanila. "Wala. Ang deep mo," nakatinging sabi ni Claire sa akin. "Deep ocean," ismid kong sagot. Nagpalitan nang malalagkit na tingin ang couple sa harap namin. Napapangiti na lamang ako sa kanila dahil sa kabila ng kanilang parating pag-aaway ay halatang mahal nila ang isa't isa. "Siya alis na ako, may kailangan pa akong i-check na papers." tumayo ako kasabay ng aking pagdighay. Pahakbang na ako nang biglang hawakan ni William ang palad ko. "Bakit?" tanong ko. Sumilay ang nakakainis niyang ngisi sa labi dahilan upang paningkitan ko siya ng tingin. "Puwede ba kitang ayain na mag-lunch bukas?" paanyaya niya sa akin. Nagsalubong ang kilay ko, "Bakit hindi ang sexytary mo ang imbitahan mo?" Mahina siyang tumawa. "Nagseselos ka sa kaniya?" nakangising tanong niya sa akin na nakataas pa ang isang kilay niya para mas lalo akong maasar. "Bakit naman ako magseselos, gusto ba kita?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Kunwaring nasaktan naman siya sa sinabi ko dahil napahawak ito sa kaniyang dibdib. "Aray naman. Bakit ang sakit mo magsalita, tiboom? Wala ka bang feelings?" "Bakit gusto mo ba ako?" Bigla siyang tumawa sa tanong ko dahilan upang mapatingin sa amin ang dalawa. "Ikaw magugustuhan ko? Joke ka ba, nakakatawa ka kasi." hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ang sakit kasi sa pandinig. Nagtatanong lang naman ako kung gusto nitya ako dahil kung makapagtanong, akala mo kung ano - basta. "Ang harsh mo naman William kay Melissa," punang suway ni Claire sa kaniya. Umismid lang ako at isinukbit ang bag sa balikat akmang aalis na ako nang biglang magsalita si William. "Aasahan kita dito bukas, same place and same time. See you." tumingin lang ako sa kaniya saka marahang tumango. "Sumipot ka bukas para sa ikakaunlad ng ekonomiya!" dinig kong sigaw ni Mike na inilingan ko lang. Naglakad akong muli patungong university. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong muli ang boses niyang tinawag ang pangalan kong palagi niyang itinatawag sa akin. "Tiboom!" Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hindi siya pinapansin. Ano na naman ang kailangan ng William na ito? "Akin na ba 'tong panyo mo?" liningon ko siya at agad na hinablot ang panyo sa kaniya. "Sandali!" pigil nito ulit sa akin nang talikuran ko siya upang maglakad. "Ano na naman ba?" irita kong tanong sa kaniya nang aking lingunin siya ulit. Bumungad sa akin ang malapad niyang ngiti, lumalabas ang kaniyang maputing ngipin na ang gandang bunutin. "Bukas ha? Siputin mo ako, kung hindi ka sumipot, mababaog ka." nakangisi niyang sambit na inirapan ko lang ulit. "Oo na! Nakakaawa ka naman, baka kasi mangayayat ka niyan kapag hindi ako pumayag," pabiro kong sabi saka umalis na ng tuluyan. Pagdating ko sa university ay naabutan kong nandoon pa rin si Justin na nakasandal habang nakahalukipkip. Malalim na naman ang iniisip. Pagpasok ko sa science department ay saktong palabas na rin pala si Estella. Nagkangitian kami at inginuso ang naghihintay na si Justin sa labas. Kibit balikat lang ang isinagot niya. - "Mel! Tara sabay tayong mag-lunch," pag-aaya ni Estella. Napakamot ako sa aking ulo, "Kay Mr. Sembrano ka na ulit sumabay," sabi ko. "Bakit ayaw mo ba sa akin?" patampong tanong niya sa akin. "Si ex-crush mo sabay raw kaming mag-lunch," sagot ko. Humaba ang nguso niya at napakamot sa kaniyang buhok. "Hindi ba puw-" naputol sa pagsasalita si Estella nang makarinig ako ng pagsigaw ng isang nakakabuwiset na nilalang. "Melissa Garcia kanina pa ako naghihintay, pabebe mo!" nanlilisik sa inis ko itong tiningnan. "Pabida ka na naman!" sigaw ko pabalik. Tumatawa itong lumapit sa akin kasabay ng pagsulpot ni Justin sa likod niya. "Psst, si Justin," agaw ko sa pansin ni Estella na abala na sa pagce-cellphone nang aking lingunin. Nag-angat siya ng tingin at kitang-kita ko kung paano niya irapan ng mga mata si Justin. Humagikgik naman ako sabay sikil sa kaniyang tagiliran. "Kinikilig siya," pang-aasar ko habang patuloy ako sa pagsikil sa tagiliran niya. "Sabay raw kayong mag-lunch," sabi ko subalit isang pag-irap ang natanggap ko sabay tawag sa lalaking palapit din sa diresksyon namin. "Mr. Van Sembrano!" pasigaw niyang tawag. Nang tuluyang makalapit ang dalawa sa amin ay agad na umakbay sa akin si William na siyang ikinairita ko. "Huwag ka ngang umakbay sa akin, 'di tayo close." "Wow!" re-act nito at binatukan ako. Nagsilingunan kaming tatlo nang magsalita si Estella. "Mr. Sembrano, sinong kasama mong maglu-lunch?" sumilay ang isang matamis na ngiti ng aming kapuwa guro kay Estella. "Masyado ka namang pormal, Van na lang ang itawag mo sa akin," sabi nito. Lumipat ang mata ko kay Justin, agad akong nagtago sa likod ni William sabay tawa dahil parang kakainin ni Justin ang mas matangkad sa kaniyang lalaki. "Mr. - Van pala, puwede bang makisabay ako sa 'yo?" paalam ni Estella. "Nandito naman si Justin, sa iba ka pa sumasabay," nakangising wika ni William. Tumingin si Van kay Justin. Muli akong tumawa nang makita ko kung paano niya tingnan si Justin. "Mr. Sembrano, huwag ka ganiyang tumingin napaghahalataang maliit talaga si Justin." biro ni William na hinampas ko ng mahina ang likod niya. Nagmura si Justin nang marinig. "Magkaano-ano ba kayo ni Ms. Estella?" kyuryosong tanong nito kay Justin. "She's my e-" agad na sumabat si Estella. "We're friends." "Ouch!" sabay naming re-act ni William sa tabi. "Friends or may past kayo?" nakangising tanong ni William. "Tara na Van, nagugutom na ako." aya ni Estella at agad silang umalis. Lumabas ako sa likod ni William at hinimas ang balikat ni Justin. "Friends? Wala na yata akong pag-asa sa kaniya," malungkot niyang wika. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy sa paghaplos sa kaniyang balikat. "Mabuti nga sinabi niyang friends kaysa sa hindi ka niya kilalanin." sabay suntok ni William sa balikat niya. "Ano ba ang mas masakit ang hindi ka niya kilalaning kaibigan o ang kilalanin ka niyang kaibigan kahit alam niyong may past kayo?" tanong ko sa kaniya. "Okay na ang maging kaibigan ka niya kaysa sa stranger kayong dalawa." sabat ni William at hinila ako nito na siyang ikinangiwi ko dahil masakit ang ginawa niya. Hinigit niya ako palayo kay Justin. "Tara mag-lunch na tayo, kanina pa ako nagugutom," reklamo niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya at bago isara ay may sinabi siya na hindi ko masyadong naintindihan dahil sa biglaang pagsulpot muli ni Justin. "Oh bro., ano na naman ang kailangan mo?" tanong ni William. Tiningnan ko ang nakakaawang ekspresyon ni Justin. Sawi na naman ang weirdo. "Puwede makisabay mag-lunch?" tumingin sa akin si William. "Bakit?" tanong ko. "Isasama ba natin?" "Malamang, iniwan na nga ng sinusuyong ex, iiwan pa natin." mahina akong tumawa. Napakamot sa ulo si William at binuksan ang pinto sa back seat. "Aish! Dapat dalawa lang eh, hindi ko na tuloy masasabi." dinig kong reklamo niya noong makapasok siya sa kaniyang kotse. "Bakit ano ba ang sasabihin mo?" kyuryoso kong tanong habang may ngisi at nakataas ang isa komg kilay. Matagal ang ginawa niyang pagtititig bago niya alisin upang ituon ang mga mata sa daan kasabay nang pagpapaandar ng kaniyang kotse. Ngumuso na lang ako at kinunutan siya ng noo. Pa-shy mode pa ang William na 'to. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD