Racelle’s POV
Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa hospital o hindi na. Ano nga ba ang maganda kong gawin? Masasaktan lang ako at mas lalong masusugatan lang ang puso ko, mga paulit-ulit lang na mga salita at sagot ang lalabas muli sa aking bibig. Mapapagod na naman ako sa pagpapakilala at baka iba na naman niya ang pagkakakilanlan niya sa akin. “Racelle!” nilingon ko ito ngunit tinaasan niya ako ng kilay.
“Ano na naman ‘yang iniisip mo? Kitian na naman?” tanong niya habang nakahalukipkip sa harap ko. Tiningnan ko lang siya at nag-iwas din naman agad ng tingin.
“Hi-hindi siya,” sagot ko at ibinaling sa sketch pad na nasa mesa ang mga mata. Pero kumusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako kahit hindi niya ako maalala? May sinabi na naman kaya ang Lolo niya sa kaniya? Biglang tumawa si Yvonne sabay palo nito sa braso ko.
“Kitian na lang palagi ang iniisip mo, career mo rin naman ang isipin mo. Palaging si Kitian, eh, hindi ka naman niya maalala.” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Yvonne. Bakit ang harsh niya magsalita?
“Naaalala niya ako,” giit kong sagot sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa lapis sabay sketch habang nakanguso. “Pangalan mo nga ‘di niya maalala,”
Tiningnan ko nang masama si Yvonne dahil ayan na naman ang pang-aasar niya sa akin. Spending a day to her is nice. Masaya siyang kasama kahit na madalas ay palagi na lang niya akong sinusungitan.
“Teka ako na naman ang nakita mo. Na’san ba si Jerome?” tanong ko sa kaniya. Ako na naman kasi ang nakita ng babaeng ito, eh, alam niyang abala ako sa pag-sketch ng mga gowns para ipakita at papiliin siya kung alin sa mga designs ko ang maganda nang maging satisfied siyang isali ako sa fashion week this month. She rolled her eyes and raised her eye brow. Maldita talaga. “Stop mentioning his name,” inis niyang suway sa akin. Nangunot naman ang noo ko.
“Bakit, nag-away na naman kayo? Nagsabunutan?” bahagya aking natawa sa pinakahuling sinabi ko. Ano kaya ang mangyayari kapag nagsabunutan sila? Sounds interesting.
“He’s just annoying gay,” reklamo niya. Ako naman ang mahinang natawa sa sinabi niya. Nailing ko siyang tiningnan habang siya ay masyadong nagkasalubong na ang kaniyang kilay na nakatingin sa akin.
“Annoying gay pero kahapon no’ng wala siya hanap ka nang hanap sa presensya niya,” nakangisi kong saad sa kaniya.
“He’s my assistant at normal lang na hanapin ko siya kahapon. Mahirap na baka mamaya na-r**e siya ng mga ano diyan sa tabi-tabi ako pa ang pagbibintangan ni—” naputol ang sinasabi niya nang biglang dumating ang tinutukoy niyang ‘annoying gay’. Inis ang mukha at antok ang nasa mukha ni Jerome pero agad din siyang ngumiti nang makita ako. Ngumuso si Jerome na lumapit sa amin habang salubong pa rin ang kilay ni Yvonne.
“Bakit singit ka nang singit? Hindi ka ba marunong maghintay matapos ang sinasabi ko?” inis na tanong ni Yvonne kay Jerome. Inilahad ni Jerome ang cellphone ni Yvonne sabay pakita sa kaniya ng tumatawag.
“Kanina pa ‘yan ring nang ring alam niyang may natutulog na tao eh dahil pagod akong magsaya kagabi with girls sa b—”
“Huwag mo ng ipangalandakan sa aking masaya ka kagabi mas lalo lang akong naiinis at nasisira ang araw ko.”
Kibit-balikat namang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. The way how Yvonne act lately is different even Jerome is different. He seems like they like each other pero mahirap na baka ganiyan lang ang dalawa at ngayon ko lang sila nakitang ganito kaya nabibigyan ko ng malisya.
“Sino ba ‘yan?” tanong ni Jerome nang silipin niya ang ginagawa ni Yvonne sa cellphone. Tahimik nang binuksan ni Yvonne ang cellphone niya habang ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa.
“Si Tristan,” natigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pangalan niya. Tinignan ko sila Yvonne at Jerome na parehong ang mga mata ay nasa cellphone na hawak ni Yvonne.
“What’s with him?” tanong ni Jerome.
“He wants me to go to Australia.” lumaki ang aking tenga ng marinig ang sinabi ni Yvonne. Bakit gustong papuntahin ni Tristan si Yvonne sa Australia? Is Tristan courting Yvonne? Kalian pa? Bakit hindi ko alam?
‘Ano namang pakialam mo, Racelle?’
“K-ka—” hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko at mabuti na lang dahil walang nakarinig. “Simula no’ng ma-discharge si Tristan sa hospital ay napapansin kong napapadalas na ang pag-uusap ninyong dalawa at ‘yang ngiti mo kakaiba. May namamagitan ba sa inyong dalawa?" tanong ni Jerome.
Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa. Pinapakinggan ang kanilang pag-uusap. Pinagmasdan ko kung paano gumuhit sa labi niya ang matamis na ngiti habang salubong pa ang kilay niyang nakatingin kay Jerome.
"Is there something wrong kung nagkakamabutihan kami?" nakangising tanong ni Yvonne sa naiinis na ekspresyon ni Jerome. Umikot ang mga mata ni Jerome sabay tumawa nang mahina samantalang ako ay napapaisip kung ano nga ba ang meron sa kanila.
"Wala naman akong pakialam kung nagkakamabutihan na kayong dalawa, wala rin akong pakialam kung magkakatuluyan kayo." tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Jerome. Magkatuluyan? Nagkakamabutihan? Bakit parang ayaw kong tanggapin? Bumuntong hininga ako at sinubukang ibalik ang buong atensyon ko sa ginagawa ko.
"Sounds jealous?" mapang-asar na tanong ni Yvonne. "I'm not jealous. Why would I be jealous? Tayo ba, Yvonnyita?"
"Bakit ka ganiyan umakto? Parang nagseselos ka."
Tahimik akong tumayo sa aking kinauupuan at umalis nang hindi nila napapansin. Paglabas ko ay agad kong hinugot mula sa bulsa ko ang cellphone. Pagkabukas ko sa aking f*******: account ay agad na bumungad ang f*******: status niya.
It's nice to be with somone who make you smile. It's nice to be at the moving on stage of my heart.
I'm glad that he's moving on. Walang pag-aalinlangan kong pinindot ang f*******: account niya upang sana ay i-stalk siya kung ano ang meron sa kanilang dalawa ni Yvonne. Siguro wala namang masama kung i-stalk ko siya 'di ba?
Ngumuso ako habang ini-scroll down ang mga nakikita kong posts niya. Scanning some pictures of him with Yvonne pero wala akong mahagilap, all I see is his posts about what he's doing and some of his newly pictures.
"Hairstyle na niya nagbago pati aura," komento ko nang mapatitig ako sa picture niyang kaka-upload lang niya. "Kumusta ka na kaya?" tanong ko pa as if he will answer me.
Itinago ko na ang aking cellphone sa bulsa at nagsimulang maglakad palayo sa pinto kung saan nadidinig ko pa ang pag-uusap nilang dalawa. Jerome is acting like a jealous one while Yvonne is teasing my friend and I am still clueless about her relationship with Tristan. Curiosity kills me.
Nangangati ang kamay kong ilabas muli ang aking cellphone upang tanungin kay Tristan kung sila nga ba ni Yvonne. Suminghap ako at umiling.
-
Itinali ko pataas ang aking buhok at tipid na nginitian ang sarili sa harap ng salamin. Isinukbit ko na sa balikat ang sling bag na may mga lamang gamit ko saka ako lumabas sa kuwarto.
Nagkatinginan kami ni Mama subalit hindi ko siya pinansin bagkus humakbang ako palayo.
"Racelle, anak," tumigil ako sandali sa paglalakad ngunit nanatili akong nakatalikod.
"Ano 'yang mga dala mo?" tanong ni Mama.
"Hindi po ako rito matutulog siguro makiki-sleep over muna ako kay Estella o 'di kaya ay sa hospital ako magpapalipas ng ilang gabi," malamig kong saad at akmang maglalakad muli ngunit nagsalita ulit si Mama.
"Bakit ayaw mo ba dito? Madalas madaling araw ka ng uuuwi. May problema ka ba?" pumikit ako nang mariin bago nagsalita.
"Ma, I feel like I am not belong here anymore. Gusto kong mag—" naputol ang sinasabi ko nang sumabat si Mama.
"Pupunta ka na naman kay Kitian?" bakas sa boses niya ang pagdismaya. Humarap akong nakangisi kay Mama. Kitang-kita kung paano magsalubong ang kilay ni Mama at ilingan ako.
"Magagalit na naman ba kayo kung sinabi kong oo?" nakangisi kong tanong na mas lalo lang niya akong inilingan. Pumikit siya nang mariin sabay pakawala nang malalim na buntong-hininga.
"Hindi pero pagsasabihan lang ulit kita. Palagi na lang siya ang inaatupag mo, hindi mo ba kami tutulungan ng Papa mo rito o maghanap ka ng trabaho?" umismid lang ako kay Mama. Maging si Yvonne ay ganiyan din madalas ang sabihin niya sa akin pero ano bang pakialam nila kung si Kitian ang palagi kong inaatupag? Masama bang ipaalala ko sa kaniya ang meron kami noon?
Masama bang umasa na magkaroon ulit kami ng chance for the second time around even I am not fully decided when I choose him? Palibhasa akala nila wala akong pakialam pero hindi. I care.
"Don't pressure me, Ma. Naghahanap ako ng trabaho," matamlay kong sagot kasabay nang aking pagbuntong hininga.
"Anak naman palagi ka na lang nasasaktan sa tuwing pumupunta ka kay Kitian. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" kumurap ako sa tanong ni Mama. Hindi ka ba napapagod, Racelle?
Ilang beses ko ng itinanong sa sarili ko ang katanungang iyan pero wala akong matinong maisagot sa sarili ko.
"Sa totoo lang Ma, mas nakakapagod makipag-usap sa'yo. Paulit-ulit ka na lang kasi, Ma. Wala ka ng pakialam kung si Kitian palagi ang nasa isi—" naputol ang aking sinasabi nang isang sampal ang natamo ko kay Mama. Ngumisi ako imbes na tumakbo.
"Hindi kita pinalaking bastos, Racelle. Hindi kita tinuruang sumbatan ako!" nanggagalaiti sa inis na bulyaw ni Mama na tinawanan ko lang siya nang mahina.
"Nakailang sampal ka na ba, Ma sa akin? Hindi ko na mabilang, masakit na ang pisngi ko," pabiro kong reklamo at napanguya sa hapdi na nararamdaman ko.
"Racelle ano na bang nangyayari sa'yo? Patagal nang patagal ay mas lalong lumalayo ang loob mo sa akin. Gano'n mo ba dinibdib ang sinabi ko sa 'yo?" tumitig ako sa mga mata ni Mama na dismayadong-dismayado sa inaasal ko at halata sa mga mata niya ang pagkalungkot nito.
"Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako lumalayo sa 'yo. Bakit kasi hindi niyo na lang akong hayaan sa gusto ko at huwag na kayong mangialam pa dahil hindi ko naman pinapakailaman ang buhay niyo!" bulyaw ko na isang sampal sa kabila ang natanggap ko. Iiling-iling na tiningnan ako ni Mama habang blangko ko lang siyang tinitigan.
"Hindi na ikaw ang Racelle na pinalaki ko. Ibang-iba ka na." dismayadong sabi ni Mama, minabuti ko na lamang umalis kaysa sa sumagot pa. Baka mas lalo lang maging grabe ang hindi namin pagkakaunuwaan sakaling sumagot at manatili pa ako.
I hate my mother.
Nginingitian ko nang malapad ang mga nakakasalubong kong nurse. Nasa tapat na ako ng kuwarto ni Kitian nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nurse na nanggaling sa loob.
"Miss may kasama ba ang patient sa loob?" tanong ko. "Wala na po ma'am, kakaalis lang po ng Lolo niya," sagot niya.
"Natutulog ba siya?"
"Hindi po pero patulog po yata ulit." tumango ako sa sagot ng nars. Pinihit ko ang door knob saka pumasok. Salubong ang kilay niya ang bumungad sa akin and just like the old days of coming here, he is still clueless.
Blank expession. Akmang lalabas muli sa bibig niya ang katagang paulit-ulit niyang itanong sa akin nang pangunahan ko ito. "Hi, ako si Racelle. Your ex girlfriend before, but I am your friend right now. Alam kong hindi mo maalala na kaibigan mo ako kasi alaala nating dalawa ang binura ng tadhana," nakangiti kong saad sa kaniya habang nakanganga lang naman itong nakatingin sa akin.
"Grabe, ang bilis mo talaga makalimot 'no? Ilang araw na akong pabalik-balik dito hindi mo pa rin ako maalala? Kailan kaya darating ang araw na maalala mo man lang ang pangalan ko kahit hindi na ang meron tayo bago ka maaksidente?" patanong kong sabi sa kaniya. Dumadami ang guhit sa kaniyang noo dahil sa pagkunot nito.
"Hindi ka ba napapagod sa kakatanong ng 'who are you?' sa akin sa tuwing pumupunta ako rito? Kahit katiting man lang ay wala ka talagang maalala?" umiling siya.
"Ngayon lang kita nakita rito and I thought na baka namali ka lang ng napasukang kuwarto," sabi niya sa akin habang napapansin kong pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Kailan kaya babalik ang alaala mo, Kitian? Kasi napapagod na ako," mahina kong sambit sa kaniya nang ako ay mapatingin.
"Bakit may importante ba akong maalala? Kasi kung masalimuot at masakit ang alaalang iyon, ayaw ko ng bumalik pa ang alaala ko. Ayaw ko ng maalala kung ano iyon." nasaktan ako sa sinabi niya. Hinihiling ulit niyang hindi na niya ako maalala pa. Bakit ka ganito sa akin Kitian? Wala ka ngang maalala pero you became heartless. You don't give a damn care about my feelings.
"Ayaw mo na ba talagang maalala?" malungkot kong tanong sa kaniya. Tumaas ang isa niyang kilay at tinitigan ako.
Namuo sa gilid ng aking mga mata ang luhang pinipigilang tumulo. "Ano bang meron at nagiging emosyonal ka?" kunot-noong tanong niya sa akin. Napangiti ako sabay tawa nang mahina.
"Kasi sabi mo gusto mong magkabalikan tayo so here I am, bumabalik na sa'yo pero ikaw naman itong ayaw mo na dahil hindi mo ako maalala. Hindi ba ako maalala ng puso mo kahit burado ako sa isipan mo?" nakatitig kong tanong sa kaniya.
Pinagmasdan ko siya kung paano niya hawakan ang kaniyang dibdib. "My heart beats so fast, but I think it's normal." normal lang pala sa pagtibok ang puso niya it seems like wala na siyang nararamdaman sa akin. Pati ba feelings niya burado na rin ba?
"Bumibilis ang t***k ng puso ko ngayon pero alam mo bang mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon?"
"Are you in pain and it is because of me?" tumango ako bilang sagot.
"Then stop if you are totally hurt." pumungay ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Walang utal-utal niya iyong sinabi at hindi man lang yata naapektado sa sinabi. Gusto na niya akong patigilin? Is it really over?
"You want me to stop now?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumango siya habang nakataas pa rin ang isang kilay niya sa akin.
"Nasasaktan ka na edi tumigil ka na. I am not forcing you to stay, alam kong masakit ang hindi ka maalala," wika niyang bahagya akong natawa. Hindi pa pala siya manhid pero nangako ako at ayaw kong iwan sa ere ang aking pangako.
"Last time I came here you said that you want to remember me and you plead me to stay and never feel for giving up. You said you want to create a new one with m-me." nakatitig kong saad sa kaniya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya na kasalukuyang nakatingin siya sa pinto.
"I said that without thinking that you are hurting now. Alam kong gusto mo ng tumigil and then stop now, tama na," sabi niya. Nanghihina ang tuhod kong umupo sa tabi niya. Gusto na niyang tumigil na ako sa ginagawa ko at masakit ang ipinapagawa niya sa akin.
"Wala na ba talaga tayong pag-asa?" nanghihinayang sa lungkot kong tanong.
"I can't remember you anymore and I think yes, there is no chance for the two of us anymore." diretsa niyang tugon na tinitigan pa niya ako habang nagbibitaw ng mga sagot.
"Wala na nga tayong pag-asa, pero bakit hindi natin subukan ulit at kapag hindi nag-work, I will totally give up," nakangiti kong sambit sa kaniya.
"Why so desperate?"
"Because I choose you so I want to prove to myself na hindi ako nagkamali ng pinili," sagot ko. Ayaw kong pagtawanan ako dahil nagkamali ako ng pinili. Tinitigan niya ako nang matagal dahilan upang makaramdam ako ng pagkailang.
"I see in your eyes na napipilitan ka lang sa ginagawa mo," sabi niya.
"I'm not."
"Come on, don't deny it. You loved someone else pero pinipili mong manatili at ibaling sa akin ang atensyon mo." agad kong itinagilid ang ulo ko para umiwas sa pagtitig niya.
"Hindi gano'n. You are the only one I love. Pipiliin ba kita kung hindi kita mahal?" tanong ko.
"Malay ko baka napilitan ka lang." narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
Inis ko siyang nilingon at tiningnan. "Hindi ako napilitan. Ikaw talaga ang pinili ko kaysa sa kaniya kaya naman sana tulungan mo akong i-work out ito kahit na alam kong bukas ay kailangan ko na naman itong ipaalala." humina sa bandang dulo ang aking boses. Nawawalan na ng lakas dahil ibinababa na niya ang aking loob, mas pinapapairal niya sa aking wala na talagang pag-asa.
"Let the destiny work for us," nakangiting sabi niya at bumilis ang pintig ng puso ko nang hawakan niya ang palad ko. "Kung hindi nag-work, sumuko ka na. Kahit na hindi kita maalala, I care for your feelings and I don't want to see you suffer from pain." patuloy niya na aking ikinangiti at mabilis kong tinanguan.
I am happy that he still cares even he always misidentified me. Umaasa akong mag-work ito so that I could really forget him too just like what he is doing right now.