Racelle's POV
Naramdaman kong may humahaplos sa aking buhok kaya maingat akong nag-angat ng ulo at nakita siya. Bahagya akong nagkusot ng mga mata saka ito nginitian.
"Anong oras na?" tanong ko habang nagtatanggal ng muta sa mga mata. Mukhang napasarap ako sa pagtulog.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang malawak nang makita ko ang pagngiti niya nang matamis. "It's eleven in the evening," sagot niya.
Umayos ako sa pagkakaupo at tumingala sa kaniya. "Why are you still up?" tanong ko. He just smile on me at nag-iwas ng tingin.
"I don't want to sleep." tiningnan ko siya sa naging sagot niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit ayaw niyang matulog?
"Hindi ka ba makatulog dahil andito ako?" tanong ko sa kaniya dahilan upang tumayo ako saka dumako ang aking kamay sa bag ko.
"Hindi," sagot niya.
"Eh, ano?" nagtataka kong tanong. Malalim na ang gabi at dilat pa rin siya. Ni hindi pa nga siya nagpapahinga simula no'ng dumating ako kaninang tanghali.
"If I sleep tonight I will forget you again." napangiti ako sa sagot niya. He's trying to be awake for the whole night to just remember and won't forget me if he will wake up.
"Anong inginingiti mo diyan?" may bahid na inis niyang tanong sa akin. Tumawa ako nang mahina sa pagtaas ng kilay nito sa akin.
"You look so tired. Matulog ka na," utos ko sa kaniya. His eyes are obviously sleepy, papikit na ang mga mata niya.
"I don't want. Ayokong paggising ko bubungad na naman sa akin ang malungkot mong ekspresyon while trying to be happy even it's not." nakangiti akong napayuko sa sinabi niya. Kung makakaya niyang hindi matulog ng magdamag ay matutuwa ako subalit alam kong hindi na niya kaya. Any minute ay may possibility nang bumagsak ang talukap ng kaniyang mga mata upang tuluyang sumara.
"You don't need to stay awake for the whole night. Ayos lang sa aking pagmulat mo mamaya ay hindi mo na naman ako maalala," sabi ko sabay ngiti ng mapait sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tila naaawa ito sa akin na hindi ko dapat maramdaman. I don't want to pity me dahil parang naaawa lang sila kaya nila ginagawa ang bagay na alam nilang magpapasaya sa isang tao.
"Hindi ba masakit iyon at nakakapagod?" painosente niyang tanong sa akin. Tipid akong ngumiti sabay tango.
"Masakit pero anong magagawa ko? Hindi naman puwedeng hindi ka matulog. Baka mamaya lumago pa 'yang eyebags mo at hindi mo pa maibebenta ang pinaghirapan mo," pabiro kong sambit na may kasamang mahinang pagtawa. Trying to make the atmosphere more better. Masyadong awkward moment ang nagaganap ngunit unti-unting sumasaya ang puso ko sa mga pinagsasabi niya.
"Hindi na baleng lumago ang eyebags ko basta hindi lang kita ulit makalimutan," nakangiting sagot niya dahilan para lumapad ang ngiti kong nakatitig sa maamo at sinserong mukha niya. Sana ganito na lang palagi ang makikita kong ekspresyon niya. Nawawala ang sakit na pinapasan ko kapag hindi blangko ang ekspresyon niya.
"Talaga bang ayaw mong matulog nang dahil sa akin?" tumango ito na may ngiti sa labi. Damn. I really missed the way he smile. Nasilayan ko ng mabuti ang mapula niyang labi na naging manipis sa pagngiti niya maging ang mga mata niyang nanliit.
"Sumasaya ang puso ko, pero hindi ba nakakapagod ang maging dilat ng buong magdamag?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako masamang babae para sabihing huwag na siyang matulog, I care for him.
"Mas nakakapagod ang ginagawa mo. Tuwing paggising ko kailangan mo ulit ipaalala kung sino ka. You are forcing a smile para ipakitang okay ka lang, pero kahit ganito ako, I can tell that you are just pretending to be happy on my side. Ayoko ng dagdagan pa 'yang sakit na ibinibigay ko sa 'yo." napangiti ako ng wala sa oras sa mahabang nilatanya niya. Hindi pala siya manhid, may puso pa rin pala. He's really concerned.
"I never imagined na magiging ganito ka ngayon kahit ayon na nga..." sabi ko. Tiningnan ko ang kamay niyang hinawakan ang braso ko at kung paano lumandas ang daliri niya sa aking pisngi.
Titig na titig ako sa maitim nitong mga mata. "I can't remember you but my heart dictates that I shouldn't hurt you. My heart aches a little everytime you are saying something with a fake smile. I'm not numb," sabi niya na lalong bumibilis sa saya ang pintig ng puso ko.
"Pinapagaan mo ang puso ko. Saying those words makes my heart happy again."
Filling some overwhelming words makes me happy but I know that action speaks louder than words. Bahala na si Kitian Bentley ito, eh he doesn't know how to express his feelings through actions 'cause he express it by singing than cuddling. Palagi niyang ginagawa ay nagsasabi ng mga sweet na mga salita pero mahahalata mo ang full of sincerity na walang halong biro.
"I'm just telling what I really feel. Magandang sabihin ko na kaysa sa kimkimin ko pa at hindi ko na masabi pa ang mga bagay na ito kapag naidlip ako bigla." tumango ako sa sinabi niya. I am thankful that he is like this right now. Huminga ako nang malalim sabay tingin muli sa mga mata niyang nakatitig sa akin, hirap pa rin talaga akong basahin ang nasa mga mata niya samantalang siya ay agad niyang nababasa ang emosyon ko.
"Alam mo bang natatakot akong maidlip ka? Pero anong magagawa ko, tao ka kailangan mo ring matulog ngunit natatakot akong pagmulat mo mawawala itong lahat ulit sa alaala mo. Back to zero na naman na kailangan kong magkuwento nang magkalaman ang araw nating dalawa."
Nakakapagod ng sobra ang ganoong set up. Ipaalala tapos makakalimutan ngunit hindi pa rin ako sumusuko. Marami yata akong stock ng pasensiya at hindi lang pasensya ang pinapairal ko sapagkat gusto kong bumalik kami sa dati kahit na inaamin kong ang bente porsyento ng puso ko ay may ibang pinipintig.
"Kaya nga ayaw kong matulog. I want to stay awake forever para lang hindi ka makitang nasasaktan at nagpapanggap," sinserong sabi niya. Hinaplos niya ang aking pisngi at ang mga mata niya ay napapatitig sa labi ko.
"Kung inaantok ka na, matulog ka na muna. It's okay with me. Sanay naman na ako sa ganito nating set up for almost two months," nakangiti kong sabi, naramdaman ko ang pagpindot ng daliri niya sa aking ibabang labi.
"I can't." nanatili pa ring nakadako ang tingin niya sa aking nanunuyong labi. I want to kiss you, Kitian but I am shy.
Paunti-unting lumalapit ang kaniyang mukha at mukhang ito na yata ang gusto kong mangyari. I want to feel his lips on my lips. Malapit nang lumapat ang labi namin sa isa't isa ngunit pasaway na sarili, napahikab ako ng wala sa oras kaya napahagikgik siya at inalayo ang mukha. Sayang.
"Matulog ka na lang ulit, andito lang ako sa tabi mo. Hindi ako pipikit, mananatili akong dilat para sa'yo."
Mananatili rin naman akong maghihintay na maalala mo ako.
"Thank you for doing this, Kitian. Thank you dahil nakikita ko sa'yong gusto mo na nga akong maalala. You are now helping yourself and us," nakangiti kong sambit na halos hindi napapagod ang pisngi ko sa pagngiti ng todo.
"I am just filling the blank spaces of my mind and my heart that it keeps beating." sabay kindat niya sa akin at kagat sa ibabang labi niya. Gosh! It makes him handsome.
"Pinapasaya mo talaga ako pero alam ko namang pansamantala lang ito." tumaas ang kilay niya sa akin at tinapik ang espasyong nasa tabi niya. Tumabi naman ako sa kaniya. Mas lalo lang lumapad ang ngiti at ako ay kinilig nang kaniya akong yakapin.
Inihilig niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib kung saan nadidinig ko ang pagtibok ng puso niya. "Don't think too much. You must enjoy every single moment of us, dahil hindi natin alam at mas lalong hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari sa kung anong meron tayo ngayon."
"Let's just stay positive," sabi ko saka walang hiyang ipinulupot ang braso ko sa bewang niya. Feel na feel ang posisyon naming dalawa at talagang sinusulit ang pagkakataon na ganito pa kami dahil pagmulat ko mamaya, hindi ko alam ang bubungad sa akin.
"Dumadaldal ka na, matulog ka na ulit. Pagmulat mo, naalala pa rin kita." napangiti ako sa sinabi niya at mas lalong isiniksik ang sarili sa kaniya. Pagpikit ko ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking buhok.
"You made me happy until tonight. Thank you, Kitian." masayang sabi ko bago ako hilain muli ng pagkaantok.
-
Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata dahil nakakaramdam ako ng panlalamig ng katawan. Pag-angat ko ng ulo ay agad na bumungad sa akin ang inaantok ng si Kitian na nakatitig lang sa ‘kin. “Good morning,” nakangiti niyang wika habang may ngiti sa kaniyang labi. He’s trying to smile happily even he is sleepy.
“Good morning too!” masigla kong bati sa kaniya na hinigpitan pa ang yakap.
Humiwalay ako mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa dibdib niya at akmang baba na sa kama niya nang hilain nito ang kamay ko kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib. Dinamdam ko naman ang pagbilis ng t***k ng puso nito. Tuwang-tuwa akong pinapakinggan, tila nagsilbi itong morning music ko. “Saan ka pupunta?” inaantok nitong tanong.
“Aalis lang ako sa kama mo,” sagot ko sa kaniya dahilan upang lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking kamay. “Akala ko kasi uuwi ka na,” sabi niya na aking tinangala siya upang makita ang guwapo niyang mukha na bubuo sa umaga ko.
“I will stay here for three days bago umalis papuntang France.” agad itong nagbaba ng tingin at kinunutan niya ako ng noo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inilayo ako sa kaniya upang makita niya ng buo ang mukha ko. “Anong gagawin mo sa France? Iiwan mo na ba ako?” malungkot habang nakatitig siya sa aking mga mata.
Suminghap ako sabay iling. Hindi naman ako mags-stay do’n ng for years, maybe weeks lang para i-meet ang ipinakilalang fashion designer ni Yvonne na kaibigan ng parents niya. She recommends me immediately kaya hindi naman na ako makakatanggi dahil ayan na ang opportunity ko. “Yvonne and Jerome will be having a photoshoot in France and Yvonne hired me as her personal designer. Sinabi rin niyang ire-rekomenda pa niya ako sa iba at may ipapakilala siyang designer. Jerome and she will be my model to showcase my designs this fashion show.” huminga ako ng malalim samantalang siya ay napatango na lamang. Bakas na sa kaniyang mukha ang matinding antok subalit kaniyang pinipigilan ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata. “How long will you be there?” seryoso niyang tanong na nagkibit-balikat lang ako.
“Maybe forever,” I joked but he just glared me. Tumawa ako at hinampas nang mahina ang braso niya. “Kiddingly baka isang linggo lang ako do’n o tatlong araw lang din. Alam mo n…na h-hindi kita matiis.” kinagat ko ang ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin. Shiz! Nakakahiyang maging cheesy sa harap niya para bang hindi na ako sanay. Awkward already.
Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko sabay pisil dito. “I’m going to miss you.”
“And surely you would forget me again,” malungkot kong wika. Magtatagal ako ng ilang araw sa France at walang magpapaalala sa kaniya kaya magiging unknown ulit ako sa alaala niya. Bakit ba kasi nakakalimutan niya ako? It’s hard for him to create new memories but the doctor said last night there is a possibility that he can create some new memories, but in a small amount of possibility. Kumbaga half-half lang ang tyansang makabuo siya ng new memory ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa.
“Then I won’t sleep again para hindi kita makalimutan.” mas lalo ko siyang sinimangutan sa sinabi niya. Anong hindi na naman matutulog eh para na nga siyang sabog sa harap ko na hirap na hirap nang nagpipigil ng antok. “Oh, bakit ka nakasimangot diyan?”
“Naaawa na ako sa'yo, you should take some rest. Mga mata mo sabog na," pabiro kong wika sa kaniya. I don't want to make him tired because of me.
"I am afraid to forget you again." nagtama ang mga mata naming dalawa. His eyes are drowning, looks like he is drunk but he still manage to look directly on my eyes.
Magsasalita sana ako nang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Agad kong binasa ang nag-iisang text message na nanggaling sa importanteng kaibigan.
From: Yvonne
Hey, where are you? Hinahanap kita kahapon bigla kang nawala. Nasaan ka ba? You need to pack your things na we're going to France tomorrow immediately.
Sumamimangot ako nang aking mabasa. Wala namang pakisama si Yvonne, oh. I'm having a little happiness here with my someone pero agad niyang inurong ang araw ng aming pagpunta. Bumagsak ang aking balikat at dalawang beses na nagpakawala nang malalim na pagbuntong hininga.
What should I do? Gusto ko pang mag-stay for two days dito sa hospital para kahit papaano ay magkaroon kami ng panandaliang memories na dalawa. Kahit dalawang araw lang akong sumaya nang pansamantala sa puder niya but destiny just giving me a one day to be with him. Why so destiny is harsh to me? Ayaw niya ba akong makitang sumaya? I frowned.
"What's the matter?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Tipid na ngiti ang ibinigay ko. "Tinext ako ni Yvonne,"
"What she said?"
"Bukas na raw kami aalis," matamlay kong sagot sa lungkot. Pumungay ang tingin niya sa akin at bahagyang hinawakan ang palad ko.
"Then you should go home now nang makapaghanda ka." tumingin ako sa kaniya. "Paano ka?" nag-aalala kong tanong.
"I would be fine. Hindi naman ako mawawala dito." hindi nga siya mawawala, ako naman ang mawawala sa memory niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Feel like super sttess and feel like I don't want to go anymore. I'd rather want to stay with him than leave him for my dreams.
Nagkatitigan lang ako sa kaniya, parang ayaw ng iwan siya. He forced a smile at napanguso na lang ako nang pitikin niya ang noo ko. "You don't need to worry about me. Kung ang inaalala mo ay makakalimutan kita, edi hindi na lang ulit ako matutulog. Mananatili akong dilat hanggang sa pagdating mo, but you are in charge for keeping me handsome." this time tinaasan ko siya ng kilay. I just bitterly laugh and stared on his face.
He really looks so tired. Idinadaan lang niya sa biro ang lahat para pangitihin ako ngunit hindi ako bulag para hindi makita iyon sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang kamay sa magulo nitong buhok.
Marahan kong ipinagapang ang kamay ko sa dulo ng kaniyang ilong padako sa kaniyang pisngi. Ramdam ko ang panlalamig ng kaniyang pisngi dahil sa lamig ibinubuga ng aircon. "Matulog ka na, hindi ulit ako mapapagod na ipaalala ako sa'yo paggising mo."
"Are you sure? Ayokong makita kang lulungkot niyan." and then he smile again. Nakailang ngiti ka na ba sa akin ngayong umaga Kitian? Dinamihan mo masiyado ang pagngiti ngunit nasasaktan ako ngayong makikita kitang pipikit na.
Paggising niya kasi ay ang paborito niyang kataga ang lalabas muli sa kaniyang bibig. "Kung pagod ka na sa akin, give up. Ayokong dagdagan pa lalo ang pasan-pasan mong sakit. It's okay with me if you give up, hindi ko rin naman mapapansin iyon."
Tiningnan ko lang siya sa sinabi nito. Why would I give up? Natatahak ko na ang daan para sa aming dalawa at hindi pa kailangang sumuko nang walang napapatunayan. I must go on. We should work together for the new chapter of our love story.
"I can't give up. Susuko rin naman ako kung pagod na talaga ako, sa ngayon hayaan mo muna akong mag-stay at sabi mo nga susubukan pa nating mag-work ang naudlot na meron tayo." isang mapanigurong ngiti ang ibinigay ko na siyang ikinatitig nito ng matagal sa akin. Matutunaw na ako sa ginagawa mo, Kitian Bentley.
Namula ang pisngi ko nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking labi. Akala ko ilalapat nito ang labi sa aking labi subalit nanlumo ako nang sa pisngi niya ilapat ang mapulang labi.
"I can't kiss you in your lips. I respect you, saka na lalapat ang labi ko sa labi mo kapag naging tayo na ulit." tumango ako at pinagmasdan siyang humiga sa kama sabay pikit sa kaniyang mga mata.
Kailan kaya ang araw na iyon, Kitian?