SHAYNEE’S POV
“Mamasyal kaya muna tayo Daph/Shy, bago tayo umuwi. Paunahin na lang natin itong si kuya Jazz, since may lakad naman siya,” Jezrah said to us.
WE were currently eating our early dinner, when she approached us. Magkatabing umupo si Jezrah at Daphne. Samantalang katabi ko naman ay si Jazz. Magkaharap kaming umupo na apat.
Jezrah and I are bestfriend, since birth. Hinding-hindi mo kami mapaghihiwalay. Simula pagkabata ay halos magkarutong na ang mga bituka naming dalawa. Kung nasa’n ako ay nando’n siya. Kung saan din siya ay nando’n rin ako.
Naalala ko pa noon pagpumupunta siya sa bahay para makipaglaro sa ‘kin…ay halos lahat ng mga bagay ay nagagawa namin ng sabay. Maliban sa eskwela ay sabay rin kami ni Jezrah, na maligo, kumain at pati sa pagtulog.
Ginawa niyang boradinghouse at kainan ang bahay namin noon dahil ayaw niyang umuwi sa kanila. Parang gusto niya pangmagpa-ampon kanila Nanay at Tatay noon. Dahil ‘di niya raw gusto na magkahiwalay kami.
E, magkatabi lang naman ang bahay namin. Halos magkadikit pa nga! Daig pa ni Jezrah ang kaboti kung makadikit sa ‘kin. Minsan pinapagalitan siya nila tito at tita noon, para pauwiin lang. Pero deadma lang si gaga, kasi dadaanan niya ang mga magulang niya sa iyak at kunting drama.
Gano’n siya, katindi!
Minsan na rin kaming nag-away noon. May mga bagay kaming ‘di na pagkakasundoan. Pero saglit lang at ‘di nagtatagal ang tampuhan namin. May times rin na kung mag-usap kami ay ‘di nawawala ang irapan at tarayan. Dahil sa likas kaming mga maldita at ayaw magpatalo ng bawat isa. Bukod sa pagiging magkaibigan ay parehu rin kami ng ugali at taste na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Ohh...‘di ba Jezrah, n’yu gaya-gaya!
Mas gustohin niya pang-makasama ako kaysa sa kapatid niyang si Jazz. Pero alam ko namang mahal niya ang kuya niya, kahit lagi siya nitong inaasar at minsan ay nauuwi sa pagtatalo nilang dalawa.
Limang taon ang agwat ni Jazz, sa ‘min ni Jezrah. Nauna itong nakapagtapos at nakapagtrabaho. Na ngayon ay wala ng naging problema ang mga magulang nila, dahil maganda na ang buhay nilang mag-anak.
Kaya itong si Jezrah, ay bebeng-baby ng pamilya. Bebe damulag hahaha!
Si Daphne naman ay kaklase ko. First year pa lang kami noon ng makilala ko ito. Pinakilala ko siya sa magkaptid at nakasundo niya rin ang mga ito. Maliban kay Jezrah noon ay wala na akong kakilala sa school. Halos lahat kasi ng mga estudyante sa Schuyler University ay anak mayayaman. Kung hindi lang ako nakapasa sa exam at nakapasok sa scholar ay ‘di ako mag-aaral dito. Sa laki ng tuition rito ay ‘di namin kakayanin ni Nanay ang gastos kahit magtrabaho pa ako ng twenty four hours. Laking pasasalamat ko sa Diyos noon, na binigay niya sa ‘kin ang mga bagay na alam niyang ‘di ko sasayangain at ang pagkakataong ‘di ko siya bibigoin.
“Tumigil ka, Jezrah. Pinapauwi ka ni Mama ng maaga,” napabalik-wisyo ako ng marinig kong sinaway ni Jazz ang kapatid.
“Si Mama ba o ikaw?” taas kilay na sagot naman ni Jezrah, “Ang sabihin mo, ayaw mo lang gumala si Shy, nang ‘di ka kasama,” nakanguso pang-dugtong nito.
Sinamaan ng tingin ni Jazz si Jezrah. Pati ako ay masama rin ang tingin sa kaniya. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ng babaing ‘to.
Bruha!
Inirapan ko siya at binalingan si Daph na tamihik na kumakain sa tabi niya. Kanina pa kasi itong walang kibo simula pa no’ng kumain kami. Mukhang napakalalim ng iniisip at wala sa kinakain ang atensyon. Pagkatapos kasi ng usapan namin ni Nanay ay si Jezrah na ang nagsasalita. Halos lahat nai-topic niya na, pati do’n sa idol niyang model na lalaki. Sa sobrang bilis niyang magsalita ‘di ko alam kung humihinga pa ba siya.
Malagutan ka sana ng hininga!
Dito raw gaganapin sa Pilipinas ang sinasabi niyang fashion week. Na akala mo kung kabilang rin siya sa rarampa. E, hindi nga siya imbetado, mas excited pa siya sa mga totoong imbetado. With aksyon pa! Kesyo ganyan ganito. Keme…bahala ka diyan!
“Ohh…ano? Gala muna tayo, bago umuwi?” ungot ulit ni Jezrah.
Binalingan niya pa kami ni Daphne ng tingin at matamis na nginitian. Kala mo naman…cute! Hahaha…Hoy, baka sabihin niyo masama akong kaibigan ha...ganito lang talaga kami ni Jezrah. ‘Yong tipong asaran namin ay walang salita pero galibakanay na. Ohh…mga bisaya alam niyo na.
“Sa ‘kin, okay lang,” walang ganang sagot ni Daphne sa kaniya.
“Wow! Sis, parang napipilitan ka lang sa pagpayag mo, a,” sarkastikong pabalik na sagot ni Jezrah kay Daphne.
Inirapan lang siya no’ng isa. At ganun din si gaga inirapan niya rin pabalik si Daphne. Nag-irapan silang dalawa. Mga baliw talaga! Minsan naiisip ko kung mga abnormal ba sila o nagpapaka-abnormal na dalawa. Parang na pipilitan lang silang gawing normal ang mga araw nila. Minsan mga kalog at panay-tawa. Kung minsan naman ay napaka-hyper at sobrang kulit. Dinaig pa mga bata kung makaasta. Tapos ang ending sila-sila lang din ang nag-aaway na dalawa. Oh…di ba mga shunga!
“How about you, Shy?” tanong ni Jezrah sa ‘kin.
Tumingin naman si Jazz sa ‘kin at mukhang inaabangan ang isasagot ko. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya.
“Sa ‘kin, okay lang din. Maaga pa naman…tsaka wala rin akong, gagawin sa bahay.”
Narinig ko pa ang malalim na paghinga ni Jazz. Bahala ka diyan! Isa kapa para ka ring aso kung saan ako laging nakabuntot. Pinagpatuloy ko na pagkain ko at ‘di siya pinansin. Ang oa lang kasi ng isang ‘to, daig pa Nanay ko kung makaasta. Mas protective pa siya sa ‘kin kaysa kay Jezrah. Parang ‘di niya rin napapansin si Daphne na nasasaktan sa pinaggagawa niya.
Alam kong may gusto si Daph kay Jazz. She hide her feelings towards him. Bakit ko alam? Syempre alam ko, bakit ko share sainyo! Bahala kayo diyan.
Pero ang totoo, matagal ko nang alam na may gusto ang kaibigan namin sa kapatid ni Jezrah. Hindi naman siya siguro masasaktan nang basta basta kung wala siyang may nararamdaman sa isa ‘di ba? Ang problema lang ay na kay Jazz. Wala siyang pakialam sa tao, kung may gusto man ito sa kaniya o wala. Ang tanging importante lang sa kaniya ay ang nararamdaman ko.
Simula pagkabata alam kong espisyal na ang turing sa ‘kin ni Jazz. Bukod sa pagiging magkaibigan at kapatid ay higit pa rito ang nararamdaman niya sa ‘kin.
Napaka-unfair man sa part ni Jazz, pero kahit anong gawin ko ay wala talaga akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko man masuklian ang pagmamahal na binigay niya ay naging mabuting kaibigan naman ako sa kaniya.
Ilang beses ko nang nahuhuli si Daphne na tumitingin kay Jazz. Sa tuwing susunduin kasi kami ng kapatid ni Jezrah ay nag-iiba ang body language ng kaibigan namin. Ayaw ko naman siyang pangunahan, dahil baka mabuko ko siya at mahiya pa. Kaya minabuti ko nalang na manahimik at hintayin siyang mag-open up sa ‘kin.
“Yes! It settled then.” Jezrah said happily.
PAGKATAPOS kumain ay pumunta kami sa mall para mag-ikot-ikot. Si Jazz naman ay hinatid lang kami at agad na umalis. Dahil may importante pa raw siyang gagawin. Nagbilin pa siya sa ‘kin…na kung gagabihin raw ako nang-uwi ay tawagan ko lang daw siya para ihatid ako.
Ang dalawa naman ay nakabusangot ang mukhan ng marinig ang sinabi ni Jazz. Yes! You read it right. Tanging ako lang talaga ang sinabihan niya na ihahatid pauwi. Parang ako lang ang kasama niya loob ng sasakyan kanina simula no’ng umalis kami galing restaurant.
Inakay na kami ni Jezrah papasok sa loob ng mall at dinala niya kami sa isang sikat na boutique na puro mga mamahaling damit. Wala kaming ginawa kundi ang sundan siya dahil oras ng makapasok kami sa loob ay nagsimula na siyang mamili ng mga damit.
Nilibot ko naman ang paningin sa kabuoan ng boutique. At hindi ko mapigilang mamangha sa naggagandahang mga damit. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa nag-iisang cocktail dress na naka-display sa dulo. As in mag-isa lang siya. Wala siyang kasama na kahit na anong dress sa loob ng crystal. Maliban sa glass wall na dingding ay may sarili siyang lalagyan at krystal din. Hindi katulad ng ibang mga damit na nakadisplay na may mga kasama ito at ang iba naman ay may kaparehang tuxedo. Pero itong dress na nag-iisa sa dulo ay bukod tanging siya lang ang naka-display at walang ibang kasama.
Nilapitan ko ito at sinuri ng tingin ang kabuoan ng damit. Sobrang ganda talaga. Naghuhumiyaw sa palamuti na kumikinang sa buong tela na nakapalibot sa damit. I don’t know if its real diamond or just a faked one. But I don’t care it looks stunning! The design of this dress is one sided gold fitted sprinkled na nakalitaw ang dibdib at ang slit nito ay nasa gitna na denisinyohan hanggang right leg patungong baywang. And it looks like very sexy, elegant, rare and boldness with a sassy class design. Grabi kahit sino ang magsuot nito ay talagang mapapatingin ka.
“Ang ganda no? I’m sure, bagay sa ‘yo, ‘yan.” napatalon ako sa gulat ng magsalita si Daphne sa likod ko.
“Ayy…kabayong bundat! Bwessitt ka! Ginulat mo ‘kong, babae ka,” hingal at gulat kong bulyaw sa kaniya.
Tinawanan lang ako ng gaga. Sinamaan ko ito ng tingin at umalis sa tabi niya. Sumunod naman siya sa ‘kin habang natatawa. Bwessit…na babaing ‘to! Mukhang lalayasan pa ako ng espirito dahil sa ginawa niya. Bigla-bigla ba namang magsalita. Hindi ko rin naramdaman ang presinsya niya sa likod ko dahil naka-fucos ako sa pagsuri ng damit. Kaya nawala ako sa pukos na may mga kasama pala akong mga impakta. Tse! Bahala sa diyan, letchii siya!
“Chill…my prend. Ako lang ‘to. Ang nag-iisa mong kaibigan na ubod ng ganda.”
Natatawa pa rin siya, habang nakasunod sa ‘kin. Napataas kilay naman ako dahil sa sinabi niya. Ang lakas ng hangin nito sa katawan. Grabi! Mukhang liliparin pa yata ako sa babaing ‘to.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Huminto din siya at hinarap ako ng natatawa. Nginitian ko siya ng ubod nang tamis. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at tinignan siya mula ulo hanggang paa na nakataas ang kilay. Pagkatapos ay tinalikuran ko siya at inirapan. Nawala ang ngiti niya sa labi ng ginawa ko ‘yon sa kaniya. Walang sabi-sabi. Less talk less argument. Ganun ka mang-inis ng tao. Walang daming salita pintasang sagad agad. I smirked mentally when I saw her reaction. Kala mo huh!
“Hey! Grabi ka makatingin sa ‘kin ha…inaano ba kita?” nakasimangot niyang reklamo.
Ako naman ngayon ang nagpipigil nang tawa. Totoo naman kasi ang sinabi niya na ubod siya ng ganda. Daph, has fair tanned skin and fierce beauty. Hindi siya maputi at ‘di mo rin masabing maitim. Katamtaman ang kulay ng balat niya na may matangos na ilong at mapulang hugis puso na labi. Pero ang pinakanagandahan ko sa kaniya ay ‘yong mata niya. Dahil nag-aagaw ang light brown and green na kulay ng mga mata niya. Hindi mo rin maikakaila na may ibang lahi siya. Dahil ang daddy daw niya ang may lahing espanyol at ang mommy naman niya ay purong pilipina.
Hindi kasama ni Daph ang parents niya rito sa Manila. Dahil nasa probinsya ang mga ito. Doon daw kasi ang mga negosyo nilang mag-anak kasama ang mga kapatid niyang kambal.
Tatlo silang magkakapatid at si Daph ang panganay. Kambal na mga babae ang sumunod sa kaniya nung mabuntis ulit ang mommy niya.
Malaki ang age gap ni Daph sa mga baby sisters niya dahil seventeen years old na siya noon, no’ng mabuntis si ulit ang mommy niya. Ngayon ay nag-aaral pa lang ang mga ito ng nursery. Ang sabi pa niya sa ‘min noon na tuwang-tuwa raw ang mommy at daddy niya na magkakaroon na siya ng mga kapatid. At sobrang saya pa niya na madadagdagan raw ng dalawang maliliit na mga bulilit ang kanilang pamilya.
Magpapapyesta pa nga raw sana ang daddy niya sa kanilang probinsya. Kaso hindi natuloy dahil pinagalitan daw ng mommy niya si tito. Kaya embis na pyestahan ay kunting salo-salo at maliit na handahan lang ginawa ng mga magulang ni Daph. Na ang mga embitado ay mga nalalapit na kamag-anak, kaibigan at mga nagtatrabaho sa kanilang hacienda. Yayamanin kaibigan nemen…may pa hacienda!
Simula kasi nang maoperahan sa matress ang mommy niya noon ay ‘di nila lubos akalain na magkakaanak pa ito. Simula pagkabata daw niya ay binuhos ng mga magulang ni Daph ang lahat ng pagmamahal nito sa kaniya. Lahat ng atensyon, pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniya. Na kahit alam niyang abala ang mga ito sa kanilang negosyo.
MABUTI na lang ay na biniyayaan pa sila ulit ng napaka-cute at napakabibong mga chikiting. Na katulad din ni Daphne ay walang tapon ang mga itchura. Manang-mana sa mga magulang nila.
Misan ay ‘di ko mapigilan ang matawa sa mga kapatid niyang pinaglihi yata sa radyo, na kung magsalita ay deri-deritso. Sa sobrang cute ng mga ito ay sobrang napakamadaldal din.
Pinakilala kami ni Daph sa pamilya niya. No’ng minsan na umuwi ang mga magulang at kapatid niya rito sa Manila. Malaki rin ang bahay nila rito at ginawa lang nilang mag-anak bahay bakasyonan. Walang nakatira sa mansyon nila at may tagapamahala lang para ma mentain ang linis ng buong bahay.
Ayaw daw naman niya kasing tirhan ang bahay nila bukod sa napakalaki ay wala pa siyang kasama. Nalulungkot raw siya. Kahit naman ako ay malulungkot na tumira sa gano’ng kalaking bahay. Baka mamaya niyan may multo pa. Mayayari pa ako kay san pedro!
“Wala naman. ‘Di man lang kasi ako na inform na may bagyo pa lang paparating ngayon,” I teased her.
“Tse! Ang sabihin mo ay ‘di ka lang sang-ayon sa sinabi ko.”
Napatango-tango ako sabay sabing, “Buti alam mo.” At napahalakhak na nga ako nang tuluyan. Dahil ‘di ko na kinaya ang magpigil ng tawa.
“Ang sama nang ugali mo, parang ‘di kaibigan a.”
Pinihit ko ang katawan para talikuran siya at naglakad na. Upang hanapin si Jezrah. Mukhang nakalimutan niya na yata kami. Pigil hiningang natatawa pa rin ako sa reaksyon ni Daph. Nagpapadyak-padyak pa siya at parang maiiyak na. Dinaig pa ang bata kung makaasta e, inaasar ko lang naman siya. Nakakahiya ang gaga!
“Truth hurts so deal with it.”
“Grabi ka ha. Porket maganda ka.”
“Gano’n talaga.”
Kibit-balikat kong sagot sa kaniya.
“Ediwow! Ikaw na maganda, tabi!” sagot din niya sabay hawi sa ‘kin para mauna.
Matalisod ka sana! Hindi ko na siya sinagot pabalik. Dahil nauna na siya sa ‘kin at sakto ring tapos na si Jezrah at niyaya na kami. May bitbit na siyang paper bag sa kanang kamay. At mukhang ‘yon ang mga binili niya, dahil sa hawak niyang tatlong paper bag.
“Let’s go na mga sis.” Jezrah.
“Tapos kana ba? Tara na. Pagod na ako.” Ako.
“Oo. May nagustohan sana akong isang damit do’n, kaso ang mahal. Ipapabili ko na lang kay kuya Jazz, isama natin siya sa susunod.”
Tumango naman ako. At nauna ng lumabas ng store. Pero bago pa ako makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ni Daph kay Jezrah.
“Ako rin Jez, ipabili mo rin ako kay Jazz.” Daphne exclaimed.
“Sure ba.” Jezrah replied back, to Daphne.
Then they both laugh. I shooked my head and left them both, to get out of the boutique. At napapatingin sa ‘min ang ibang mga tao, dahil sa lakas nang tawa ng mga boses nila.