CHAPTER 1: INCOMPLETE FAMILY

3420 Words
SHAYNEE’S POV SUMMER na naman kaya sobrang init ngayon. Kay bilis ng panahon nang ‘di mo namamalayan. Malaki na rin ang pinagbago rito sa Manila. Dati makakabili ka pa ng mumurahing gamit ngayon ay hindi na. Dahil sa sobrang pagtaas ng mga bilihin. Kakit bigas ay halos double ang itinaas. Kaya tuwing nagpapadala si Nanay ay nagogrocery ako para sa bahay. Kung bibili man ako sa tindahan ay ‘yong mga nakalimutan kong lang bilhin. Mag-isa lang ako kaya mas nakakatipid. Minsan lang umuuwi si Nanay, dahil stay in naman siya sa kaniyang trabaho. No’ng mamatay si Tatay ay mag-isa akong tinaguyod ni Nanay. Namasukan ito sa pinakamayamang pamilya no’ng high school pa ako. Nag-iisa akong anak, wala akong kapatid. Hindi na nila ako nasundan pa dahil na rin sa hirap ng buhay. Kaya no’ng namatay si Tatay ay siya lahat ang pumuno ng mga pangangailangan ko. Kahit minsan lang kami magkita ni Nanay ay ‘di nawawala ang pagiging maalalahanin nito. Lagi niyang sinasabi sa akin na mag-aral ako ng mabuti. Para makatapos at makahanap ng magandang trabaho. Kaya nagpupursige akong mag-aral. Ngayon malapit na rin ako makapagtapos sa kolihiyo at makakatulong na ako kay Nanay. Sobrang close ako sa pamilya ko. Lalo pa no’ng nabubuhay si tatay. Halos lahat ng pagmamahal ay binigay nila sa ‘kin. Hindi sila nagkulang sa pangaral at pagpapaalala kung gaano nila ako kamahal bilang isang anak. Lahat ng pagpapahalaga at pag-aalaga ay binigay nila sa ‘kin. Kaya no’ng mawala si Tatay ay sobrang hirap para sa amin ni Nanay. Hindi man sabihin ni Nanay, ay siya ang pinaka-nasaktan saamin sa pagkawala ni Tatay. Simula pagkabata ay saksi ako sa pagmamahal at pag-aalaga na binigay ni Tatay sa amin ni Nanay. Kahit nawala man ito ay ‘di mawawala ang pagmamahal namin sa kaniya. Nakaukit sa puso’t isip namin ni Nanay ang pagmamahal na para kay Tatay. Sobrang sakit man isipin na nawala ang isa sa pinakamamahal mo sa buhay ay kailangan mong tanggapin. Dahil ‘di ka uusad kong patuloy mo lang itong iisipin… Sila ang inspirasyon ko sa araw araw para makatapos ng pag-aaral at para makahanap ng magandang trabaho. Sa katunayan ay sa susunod na buwan na ang ojt namin bilang trainee sa kinukuha kong kurso. Ang iba ay excited sa nalalapit na on-the job training o OJT…ay siya namang kabaliktaran ng nararamdaman ko. Mabuti sana kung maliit lang ang babayaran. E, halos ma ubos lahat ng inipon ko sa alkansiya. Pati barya ay masisimot pa. Kahit labag sa loob ko ang ojt namin ay kailangan kong gawin. Hindi kasi pweding ‘di kami mag-ojt dahil ‘di kami makakagraduate. At isa pa, scholar ako sa school. So, kailangan kong sumama at do’n din babasihan ang performance namin kung makakapasa ba kami o hindi. Kailangan kong sipagan para makakuha ng malaking marka. Dahil do’n nakasalalay ang kinabukasan ko. Naputol ang malalim kong pag-iisip ng mamataan ko ang kapatid nang matalik kong kaibigan si Jazz Allen Wrights. Gwapo ito, matipuno ang katawan. At masasabi mong papasa ito bilang isang modelo. Sa tangkad na 5’11 nito ay talagang may ibubuga ito sa larangan ng modeling industry. Pwedi rin siyang maging front cover ng hotmen magazine o ‘di kaya sa mga possessive series. Kung hindi naman ay pwedi rin siyang maging artista at ang pamagat ay hot fafa…bwesit! Napatawa na lamang ako sa aking isip. Wala pa man ay natatawa na ako kung sakaling maging artista ito. Ayaw nga nitong sinasapubliko ang buhay niya. Maging artista pa kaya. Malaking kawalang respito ‘yon, para sa kaniya. Kung ang iba ay panay pakita ng mga kung anek-anek sa buhay nila. Kay Jazz naman ay iba bukod sa ‘di mo na pinapahalagahan ang privacy mo bilang tao ay ‘di mo pa ginagalang ang sarili mo. Minsan ‘di ko siya maintindihan. Kung magpicture ay kaming dalawa lang. Pero kung kapatid niya ay ayaw niya. Nabwebwesit daw siya. Kapag group selfie naman ay ayaos lang din sa kaniya. Dahil kasali naman daw ako. Napapailing na lamang ako minsan sa mga pinapakita niya. Parang ako pa ang kapatid niya kaysa kay Jezrah Andrea Wrights. Ang matalik kong kaibigan. ‘Di rin nakakapagtaka kung palagi silang nagbabangayan na dalawa. Pero alam kong mahal na mahal niya ang kapatid. Hindi dahil sa dalawa lang sila kundi dahil ay babae rin ito. Ibang-iba kung ituring ako ni Jazz. Iniisip ko nga na ako pa ang mas kapatid niya kaysa kay Jezrah na mismong kapatid niya. Hindi rin bago sa ‘kin ang nararamdaman nito, dahil simula mga bata pa lamang kami ay may gusto na ito sa ‘kin. Kaya ‘di nakakapagtaka kung espisyal ako kung ituring nito. Ang kaso ay ‘di ko mabigyan kulay ang nararamdaman ni Jazz sa ‘kin. Bilang isang kaibigan ay nakababatang kapatid o kuya lang ang turing kko rito. No special feelings or attraction. Iisang lugar lang kami dati na tinitirhan nila Jazz. Sila tita Anabelle at tito Jezrell ay mga matatalik na kaibigan nila Nanay at Tatay. Kaya kaming mga anak nila ay magkakaibigan din. Pero no’ng nakapagtapos na ito ng pag-aaral at nakahanap nang magandang trabaho ay umalis na sila rito. Naiahon ni Jazz ang pamilya sa hirap. Na tulad rin namin noon ay hirap din sila sa buhay. Pero no’ng nakapagtrabaho na ito at may propisyon na sa trabaho ay lumipat na silang mag-anak sa isang kilalang subdivision sa Makati. Ang alam ko ay do’n din ang trabaho niya. Dahil do’n ang main branch ng opisina nila. At balita ko rin sa matalik kong….kaibigan na kapatid ni Jazz ay may sariling firm na ang kuya niya. I’m not sure tho. Pero ‘yon…din ang sabi ng isa pa naming kaibigan. Hindi ko kasi ugali ang magtanong sa buhay ng isang tao. Ayaw kong isipin nila na nanghihimasok ako. Matagal ng pangarap nang magkapatid ang makaahon sa buhay. Na kahit sino ay gano’n din ang pangarap. At kung nagawa man nila ‘yon ay dahil ‘yon…sa sipag at tyaga. Halos wala rin…akong masabi kay Jazz. Bukod sa gwapo ay napakatalino pa. Kaya no’ng makagraduate ito ay may nakaabang na agad na trabaho para rito. Kaliwa’t kanan noon ang project niya bilang civil engineer. Hindi pa siya kilala noon, dahil bago pa lang siya. Pero no’ng namamayagpag na ang pangalan niya sa industriya ay halos lahat ng mga kilalang tao ay kinukuha siya. Napaka-swerte ng mapapangasawa ni Jazz. Napaka-maalaga at magpagmahal sa pamilya na kahit mga magulang nila ay walang masabi sa kaniya. “Hoy! SHYNEE DIAZ!” napaigtad ako nang sigawan ako ni Daphne,, ang kaibigan ko na kaklase ko rin. “Bakit ba?” mataray kong sabi. “Kanina pa kita kinakausap. Pero parang ang layo nang iniisip mo,” pairap niyang sabi. Napanguso naman ako. Sarap dukutin ng mata. “Kanina pa naghihintay ‘tong, sundo niyo. Mukhang naiinis na sa kakahintay sa kapatid niyang, gala.” dugtong niya sabay nguso sa harapan. Sinundan ko naman ng tingin ang nginuso niya at nakita ko si Jazz na nakaupo na sa harap namin. Natawa naman ako at napapailing nang makita ko ang nakabusangot na mukha ni Jazz. Actually, kanina pa kami nandito ni Daphne sa beanch ng school. Kung saan kami laging nakatambay kapag walang klase sa mga subjects namin. Malamig kasi rito at napakapresko ng hangin. Parang kang dinuduyan dahil maraming puno at sariwa ang hangin. Matatanaw mo mula rito ang quadrangle at ilang building ng iba’t-ibang course. Kaya masarap tambayan rito. Hinihintay kasi namin si Jezrah…nagpaalam kasi ito sa ‘min na may kukunin lang sa classroom nila. Naiwan raw ang notes kaya binalikan niya. Pauwi na rin kami…sembreak na rin kasi kaya wala ng pasok sa school. Maliban na lamang sa mga nagsu-summer class Malapit na rin ang graduation namin kaya wala na kaming masyadong ginagawa sa school. At isa pa mas fucos kami ngayon sa nalalapit naming OJT. “Kanina ka pa?” tanong ko kay Jazz. Tumango naman siya bilang sagot. Kaya pinagkibit-balikat ko na lang. Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang aburido pa naman. Mahirap na. “Na saan na kasi ang bruhang ‘yon? Sabi niya sandali lang siya pero halos dekada na ang paghihintay natin sa kaniya,” naiiritang sabi ni Daphne. Mahina akong natawa sa pagmamaktol ni Daphne. Ibang kurso kasi ang kinuha ni Jezrah…kaya ‘di namin siya classmate. Pero nagkikita pa rin naman kami tuwing lunch break or uwian. Dahil halos same lang din ang oras ng klase namin. Maliban sa mga subjects. Tourism ang course namin ni Daph at si Jezrah naman ay architect. “Where are you? Pwedi bang…bilisan mo? Kanina ka pa namin hinihintay rito, ang kupad mo talaga kahit kailan!” napalingon ako sa pasigaw na sermon ni Jazz. Nakatayo na pala ito at malayo sa pwesto. May kausap sa cellphone at alam kong kapatid niya ‘yon. ‘Di naman siya magsasalita ng ganyan kung ibang tao ang kausap niya. “Kalma lang…ang hot mo, naman masyado,” pang-asar na sabi ni Daph kay Jazz sabay ngisi. Hindi naman siya pinansin no’ng isa. Napasimangot si Daphne, “Kailan kaya ako maging visible sa taong ‘to! Nakikipag usap nga, pero parang ‘di naman ako nakikita,” nakangusong reklamo niya. “Hayaan mo na. Baka mainit lang ang ulo.” sabi ko. “Hay…naku! ‘Wag niya kamo akong idamay sa init ng ulo niya! ‘Di porket gwapo siya! Mangdadamanay na lang ng iba? Ano bang paki ko kung mainit ulo niya…kasalanan ko ba ‘yon?” napataas kilay ako sa mahabang sinabi ni Daph. ‘Di na lang ako umimik pa! Baka pati ako madamay sa init ng mga ulo nila. Pag-untogin ko pa sila! Maya’t maya pa ay natanaw namin si Jezrah, mula dito. Dali-dali naman itong naglakad at halos takbuhin niya na para makarating lang sa pwesto namin. Nalipat ang tingin ko kay Jazz na masama ang tingin sa papuntang kapatid. Kaya pala ‘yong isa ay parang natataranta dahil sa sama ng tingin ng kuya niya sa kaniya. Hahaha desurv. “Lets go.” hinihingal na pang-aya ni Jezrah. “Ang tagal mo.” supladong sagot ni Jazz sa kapatid at na unang maglakad. Sumunod naman kami sa kaniya. “Matagal ba ako?” tanong ni Jezrah sa ‘min. Si Daphne ang sumagot sa kaniya. “Ay…hindi sis, sobrang bilis mo! Halos matubuan na kami ng ugat sa kakahintay sa ‘yo,” sarkastikong sabi ni Daph, sabay irap. At nauna nang maglakad bago sumunod kay Jazz na malayo na sa ‘min. Ang bilis naman niya. “Tse!” Jezrah. Sabay irap kahit ‘di naman siya nakikita. “Tse, ka rin!” Daphne. Kahit malayo na ay nagawa pa rin niyang sumagot kay Jezrah. Napapailing na lamang ako sa kanilang dalawa habang nakasunod kami sa kanila ni Jazz na ngayon ay papalabas na. TAHIMIK kaming bumabyahe pauwi. Ang dalawa sa likod ay tahimik rin habang may pinapanood sa cellphone ni Jezrah. Ako ang nakapwesto sa harap kung kaya ‘di ko masilip kung ano ang pinapanood nilang dalawa. Kaya nililibang ko na lang ang sarili sa pagtanaw sa bawat madadaanan namin. Si Jazz ang katabi ko habang tahimik ring nagmamaneho. May panaka-naka siyang sumusulyap sa ‘kin o ‘di naman kaya ay may kinakausap sa cellphone. Umayos ako ng upo nang mapahinto kami sa isang dine restaurant. Nagtataka man ay ‘di na ako umimik. Narinig ko pa ang hagikhikan ng dalawa sa likod. “Kain muna tayo, para ‘di kana magluto sa inyo, pag-uwi mo. Pagkatapos natin kumain ihahatid ko na kayo. Dahil may pupuntahan pa ako. At baka ‘di rin ako makakapunta sa bahay n‘yo mamamaya, dahil may tatapusin pa akong trabaho,” mahabang paliwanag ni Jazz. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagpapaalam. Kaya tumango na lang ako. Nang makababa sa sasakyan ay naghaharutan na ang dalawa. Tiningnan ko naman sila ay parang wala silang kasama. Si Jazz ay nauna ng pumasok sa loob kaya sumunod na rin ako. “Gosh! Ang gwapo niya, talaga.” dinig ko pangsabi ni Jezrah. Si Daphne naman ay tumawa lang. Ewan ko ba kung ano ang pinapanood nilang dalawa kaya hinayaan ko na. Mukhang sila lang ang nagkakaintindihan. Pagdating sa loob ay may nag-assist sa ‘min na waiter. “Do you have a reservation, Sir/Ma’am?” The waiter asked and smiled us. I smiled back to him. “Yes. I made a reservation earlier. Just look for Allen Wrights.” Jazz replied to the waiter. The waiter nodded at Jazz and said, “For awhile, sir,” then he smiled again and looked to his ipad. Jazz didn’t bother to answer the waiter back while we’re waiting. Afterward the waiter looked at us again and guided us to our table. “Sorry for waiting, ma’am/sir. Please this way,” the waiter said and smiled shyly. Then we followed him. When we got our table, the waiter immediately gave us the menu. “Anong, gusto mo?” Jazz asked me, nang ‘di ako tinatapunan ng tingin. Tsk! Sungit. Napanguso naman ako habang namimili ng pagkain. Sa daming pagpipilian ay parang na fustrate pa ako. Dahil halos lahat ng mga nakalagay sa menu ay mukhang masasarap. Kaso ang mahal! I know that he can afford but this is too much. Isang linggo ko na kayang allowance to! “Ikaw na bahala,” sabi ko na lang. Dahil ‘di ko kayang mamili ng pagkain na aabot ng isang linggo kong baon sa isang araw lang. Sa ngayon ‘di ko pa afford, dahil estudyante pa lang ako. Hindi ko pa kayang gumastos ng napakamahal. Kapag nakapagtrabaho na ako…bibilhin at kakainin ko lahat ng mga gusto ko. “Baka matunaw na si Shy, niyan kuya,” Jezrah teased to his brother. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Jezrah. Nang lumingon ako kay Jazz ay seryuso itong nakatingin sa ‘kin. Napatikhim ako at umayos ng upo. Pero ‘di nakaligtas sa mga mata ko ang pagngisi nito. “That’s enough. Baka langgamin na kami, rito…” si Jezrah ulit, sabay halakhak. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero nginisihan lang ako ng bruha. Tawang-tawa te…?Bwesit na ‘to! Tinaasan ko ito ng kilay nang ‘di pa rin matigil sa kakatawa. Mabilaukan ka sana…letchii ka! “Okay, okay…hindi na. Nakakatunaw naman kasi ‘yang, tinginan n’yong, dalawa. Parang nakalimutan n’yong may mga kasama kayo rito. Sinama n’yo ba kami rito para masaksihan ang pagkabaliw mo kay Shy, ha…kuya Jazz? Mag-order kana kaya…para makakain na tayo.” nakairap niyang sabi sa kapatid habang natatawa pa rin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jazz, pero nginisihan niya lang ulit ito. Gaga talaga. Sarap tusukin ang ngala-ngala. Walang nagawa si Jazz, kundi ang mag-order ng pagkain namin. Nang makuha ng waiter ang mga inorder ni Jazz na pagkain ay umalis na ito. Walang kaso sa ‘kin…kung ano ang nakahain sa mesa. Ang importante ay may grasya. Nagpapasalamat nga ako sa kapatid ng lukarit kong kaibigan na nilibre niya kami ng maagang hapunan. Para pag-uwi ng bahay ay matutulog na lang ako. Napabaling naman ang tingin ko kay Daphne na kanina pa tahimik. Hindi ito nagsasalita simula pa nang makaupo kami. Tahimik lang ito at pangiti-ngiti lang. Pero napapansin kong, malungkot ito at nasasaktan. I don’t know how to say those words but that is was what I read it to her face. ‘Di man nito aminin alam kong may tinatago ito sa ‘min. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone sa bag baka may chatt si Nanay. Nang makita ko ang hinahanap ay binuksan ko agad at pumunta sa chattbox. Mayro’n ngang chatt si Nanay. ‘Pag-open ko sa mensahe niya ay napangiti ako. “Nak, sasagutin daw ng mga amo ko ang gastos sa Ojt mo.” chatt ni Nanay. Lumapad naman ang ngiti ko. “Talaga, Nay?” natutuwa kong tanong. Sa sobrang saya ay ‘di ko napigilan ang mapaluwa. Malaking tulong sa ‘kin ang pagsagot ng amo ni Nanay sa nalalapit na OJT ko. I don’t know, how can I thank them personally. “Oo, anak. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa mag-asawa, dahil sinagot nila ang gastos ng ojt mo,” napapunas ako ng luha sa reply ni Nanay. “Pakisabi Nay, maraming-maraming salamat. Hayaan mo, makakabawi rin po ako sa kanila.” “Hayaan mo anak sasabihin ko. Ang importante ay wala na tayong, poproblemahin sa gastos. Kaya pagbutihin mo, para makahanap ka ng magandang trabaho pagka-graduate mo. Nang ‘di ka matulad sa amin ng Tatay mo. Proud na proud kami sa ‘yo, anak. Lalo na si Tatay mo, proud na proud sa nag-iisang unica hija niya na malapit ng makapagtapos ng pag-aaral. Kung nasa’n man siya ngayon, alam kong masaya siya sa mga achievements mo, anak.” Hindi ko na…napigilang mapahikbi. Alam kong naririnig nila ako dahil nakita kong nakatingin sila sa ‘kin. Kumurap-kurap ako at tumingala para pigilin ang pagdaloy ng luha. Hindi ko lang kasi mapigilan ang mapaiyak nang maalala ko si Tatay. Alam kong masaya na siya ngayon. Matagal man namin siyang ‘di nakakasama ni Nanay. Alam kong ‘di niya kami pinapabayaan. “Are you, okay?” nag-aalalang tanong ni Jazz. Tumango naman ako. “Bes, okay ka lang ba?” this time ay si Jezrah naman ang nagtanong. Lumipat pa si Daphne sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Nginitian ko lang sila para ‘di sila mag-alala. “O…oo, okay lang ako. ‘Wag kayong, mag-alala, tears of joy to,” I said to them with full heart. Which is true. A tears running down come to my face is full of excitement and happinies. “Hindi ko ‘to, lahat magagawa kung hindi dahil sa inyo ni Tatay, Nay. Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay. Kayo ang inspirasyon ko. At kahit kailan hindi ko po kayo ikakahiya ni Tatay na naging magulang ko. Proud na proud din po ako sainyo ni Tatay. Kung ano man ang narating ko, ‘yon ay dahil sa inyo ni Tatay.” I replied. And continued talked with Nanay. “My friend, kung may problema ka sabihin mo sa ‘min. ‘Wag ‘yong…sinasarili mo lang,” Daphne said with full of emotion written to all her face. I laughed softly and looked at her. I know that they all worried, but I’m totally fine. “Okay, lang talaga ako. Kausap ko lang si Nanay,” pangungumbinsi ko. And then I smiled. Para mabawasan ang pag-aalala sa mga mukha nila. Then I turned to face my phone when I heard it ring, signaling that my mom had answered. “Mahal na mahal ka rin namin, anak. Ikaw talaga, pinaiyak mo pa ako. Alam mo namang may trabaho pa ako. O, siya…tama na ang drama babalik na ako sa trabaho. Mag-iingat ka palagi diyan ha…ang mga bilin ko sa ‘yo ‘wag mong, kalilimutan. Uuwi ako diyan ‘pag day off ko, mamamasyal tayo,” natawa ako ng mahina sa reply ni Nanay. Ako pa talaga ang nagpa-iyak sa kaniya. E, siya nga ‘tong…nagpa-iyak sa ‘kin. Nanay talaga. “Opo, Nay. Lagi ko pong, tatatandaan ang mga bilin niyo. Mag-iingat rin po kayo d’yan. Huwag po kayo masyadong , magpagod. Kunting tiis na lang Nanay, hihinto na po kayo sa trabaho. Hayaan mong ako naman po ang magtrabaho para sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo, kayo…po ni Tatay.” I said. I know that we’re incomplete family right now. Pero para sa ‘kin ay ramdam kong kasama pa rin namin ni Nanay si Tatay. Alam kong sinasamahan niya akong…bumuo ng mga pangarap na para sa kanila. “Salamat anak. Huwag mo nang intindihin ang Nanay. Masaya kami ng Tatay mo, sa lahat ng mga narating mo. Mahal na mahal ka rin namin. Tandaan mo ‘yan lagi Shynee…” Napasinghot ako sa reply ni Nanay. May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko ng mabasa ko ang mensahe niya, “O… opo, Nay. Gagawin ko po ang lahat para masuklian ang kabutihan niyo na dalawa ni Tatay. Basta mag-iingat ka lang po lagi. Sige na po, baka nakakaisturbo na po ako sa trabaho niyo, Nay.” “Sige, nak. Balik na ako sa trabaho, bye…” A sweet smiled escaped from my lips when I read the last message of my mother. “Bye…Nay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD