CHAPTER 7

1223 Words

“MAGPAKALAYO-LAYO na lang kaya kami? Mangibang bansa? Manirahan sa pinakamalayong probinsiya? Kapag ibinenta ko lahat ng mga ari-arian ko dito sa maynila makakaya namin magsimula uli kahit saan.” “Gaga. Nahanap nga niya kayo ngayon ‘no. Ibig sabihin kaya rin niya kayo hanapin uli kung sakali. Saka kailan ka pa naging duwag? Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko sa ‘yo.” Napangiwi si Sylve sa sinabi ng kanyang ate mula sa kabilang linya. Tinawagan siya nito pagkabasa sa text message na pinadala niya kagabi. Masyado pang maaga at natutulog pa si Yona kaya nagpunta siya sa kusina para makipag-usap sa kapatid. “Anong gagawin ko ngayon?” “Ako pa talaga ang tinanong mo? Mula noong mga bata tayo, ikaw ang mas matalino at madiskarte. Ikaw ang palagi gumagawa ng desisyon para sa sarili mo at wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD