CHAPTER 8

1290 Words

“Saan ang school mo, Yona?” kaswal na tanong ng lalaki nang buhayin ang makina ng kotse. Masiglang sumagot ang bata at itinuro pa ang daan, proud na proud sa sarili na alam nito kung paano pumunta sa school. Sa buong biyahe maraming tinatanong si Keith na mabilis namang sinasagot ng batang babae. Tahimik lang si Sylve at pasimpleng inoobserbahan ang lalaki na hindi mawala-wala ang ngiti habang nakikipag-usap kay Yona. Halata sa maaliwalas nitong mukha na masaya itong makasama ang bata. At nang huminto ang sasakyan sa tapat ng school, obvious na dismayado ang lalaki na kailangan na nito magpaalam. “Ba-bye na po, mister.” “Bye, Yona.” Hinubad ni Sylve ang seatbelt at akmang lalabas na nang kotse nang biglang kumapit sa leeg niya ang kanyang anak at malutong siyang hinalikan sa pisngi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD