bc

THE CERTIFIED PLAYBOY Finally, I met You

book_age18+
6.0K
FOLLOW
49.8K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
second chance
playboy
tomboy
comedy
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Syke Perkins ang tinaguriang Playboy sa grupo. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. Para sa kan'ya, return and exchange lang ang mga ito. 

Ngunit tila makakahanap siya ng katapat sa katauhan ni George. Ang babaeng walang inaatrasan kahit lalake pa ang kaharap. Kung manamit ang babaeng ito ay animo'y daig pa ang lalake. Sa madaling salita ay tomboy sa mata ni Syke.

Mababago ba ng dalaga ang certified playboy na si Syke o ang boyish na si George ang babaguhin ng binata?

May pag-asa bang may mamuong damdamin sa pagitan nilang dalawa kung sa bawat pagkikita nila ay puro sila bangayan?

Paano kung nakatakda na palang ikasal si Syke sa babaeng ipinagkasundo lamang sa kan'ya ng magulang niya?

May happy ending ba na naghihintay o pangugunahan sila ng takot na magdadala sa kanila sa kalungkutan?

Dahil isang lihim ang mabubunyag na labis na nagpadurog ng kanilang mga puso. Isang katotohanan na hindi kayang baguhin ng kapalaran. 

Susugal ba ang mga puso nila kung alam naman nila na pareho silang masasaktan o tatanggapin na lamang ang kapalaran na hindi sila ang itinakda para sa isa't-isa?

chap-preview
Free preview
Prologue
SYKE Kanina ko pa sinisipat ang aking pambisig na relo. It was ten in the evening and she was thirty minutes late. Darating pa ba siya? "f**k," mahina kong wika. "Mukhang naisahan niya ako, ah. Damn it!" Napapalatak ako. Bakit ba ako naniwala sa kan'ya na pupunta siya? Tinungga ko ang laman ng shot glass. "Hey, bro! I thought you had a date. Where is she?" tanong ni Troy. Isa sa mga lagi kong kasama kapag nagda-drag racing. "She's on her way, bro," sabi ko na lamang at alanganing ngumiti. Hinarap kong muli ang inumin. Pinakatitigan ko iyon na animo'y siya ang aking kaharap. "Try me, George. No one has rejected me yet. Kapag hindi ka sumipot, makikita mo hinahanap mo. Ipalalasap ko sa'yo ang hindi mo makakalimutan at hindi mo pa natitikman." Mahina kong turan sa sarili. Isang ngisi ang sumilay sa aking labi. I'm sure, kung hindi man siya sumipot ngayon ay tiyak na nag-iisip na siya ng paraan para makaiwas sa akin. Nagpasalin pa ako ng alak sa shot glass. Narinig kong sumipol si Troy. Nakaupo kami pareho sa bar counter. Kanina pa ito nakaharap sa entrance ng bar para tingnan isa-isa ang mga babaeng pumapasok. Marahil may nakita itong babae na pumasa sa panlasa nito. Nakatalikod ako sa entrance kaya hindi ko kita kung sino ang natipuhan nito. "She is so f*****g hot, bro." Kinalabit niya ako ngunit hindi ko ito pinansin. Lahat naman ng pumapasok sa paningin nito ay hot. Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng counter bar. Hinanap ko ang phone number niya. Nang makita ko ay pipindutin ko na sana ang call button ngunit tumunog ito. Muling sumilay ang ngisi sa aking labi. "Sabi ko na nga ba at hindi niya ako matitiis," sabi ng bahagi ng utak ko. "Nasaan ka ba?! Kanina pa ako nandito!" bungad nito sa akin. Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. "Pambihira, ako nga ang kanina pa naghihintay sa kan'ya," reklamo ng bahagi ng utak ko. "Where the hell are you?" kalmado kong tanong rito. "Entrance!" "You don't have to shout at me," mahinahon kong tugon. "Huwag mo akong inglisen. Bilisan mo! Hindi kita makita!" pagkatapos nito iyon sabihin ay tinapos na nito ang tawag. "Yes!" kasabay ng pagtaas ng aking kamao. Hudyat ito na nagtagumpay ako. Pagtatawanan ko talaga ito kapag nakita ko kung ano ang itsura nito. Awtomatiko kong pinaikot ang Bar Stool at humarap sa entrance. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi ko naman siya makita sa entrance. Where the hell is she? Niloloko ba niya ako? Wala akong nakikitang ibang babae na nasa entrance kung hindi ay isang tila mala-dyosa ang ganda at super sexy na babae. Nakasuot ito ng fitted red dress na isang pulgada yata ang haba mula sa tuhod at red sandals na tila tatlong pulgada ang taas. Palinga-linga ang babae. Tila may hinahanap ito. "She's so f*****g hot, bro. Did you see her?" muling sambit ni Troy. Yeah! She's hot and f*****g gorgeous. s**t! Parang ayoko tanggapin sa sarili na siya nga ito. Tatawagan ko siya para kumpirmahin kung siya nga ang babae sa entrance. Nag-ri-ring ang cellphone nito. Hinintay ko na sagutin ng babae ito. Baka nagkamali lang ako. Baka umalis na siya ng entrance at hinahanap ako. Ngunit hindi yata sumasang-ayon sa akin ang mga hinala ko. Tinapat ng babae sa kan'yang tainga ang hawak na cellphone. Fuck! Totoo ba ang nakikita ko? "Nasaan ka ba?! Kapag hindi ka nagpakita sa akin aalis na ako!" Biglang sumikdo ang puso ko. Siya nga ang babae sa entrance. Ibang iba sa George na nakilala ko at ang babaeng nakikita ko ngayon. Akma na itong tatalikod. "I-i am just in front of you," mabilis kong wika rito. Gusto ko batukan ang sarili dahil nautal ako. Pumihit ito paharap. Nagpalinga-linga ulit ito. Tinaas ko ang aking kamay para makita niya ako. Nang makita niya ako ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa akin at dahan-dahan lumapit sa kinaroroonan ko. "You know her?" tanong sa akin ni Troy. Tango lamang ang naging sagot ko at hindi ko na ito nagawa pang sulyapan dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng papalapit sa akin. Tila slow-motion ito sa paningin ko na naglakad papalapit sa akin. Sumasabay ang bawat hibla ng buhok nito sa bawat galaw nito. Ngunit napangiwi ako na kung saan malapit na ito ay muntik na itong matapilok. Sino ba kasi may sabi rito na magsuot ito ng mataas na takong? Inayos nito ang tayo at muling naglakad palapit sa akin na parang walang nangyari. Infairness, hindi ito siga kung maglakad ngayon. Tsk! Alang-alang sa kaibigan nito ay gagawin nito ang lahat kahit pa mahirap para rito ang mag-panggap bilang tunay na isang babae. "Hi, Syke!" nilambingan nito ang boses at binuka ang dalawang braso para yakapin ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Lumapit ako rito ngunit hindi yakap ang natanggap ko mula rito. Sinikmuraan ako nito at sabay akbay sa akin. Napaubo ako sa ginawa nito. Hindi ko alam kung napansin ba ni Troy ang ginawa ng babaeng nakaakbay sa akin. "What the f**k? Bakit mo ako sinikmuraan?" mahina kong sabi rito. "Bakit? May angal ka? Kasalanan mo kung bakit ako nandito at suot itong suot ko ngayon. Alam mo bang nangangati na ako sa nakalagay dito sa mukha ko?" reklamo nito. Pagkatapos nito ito sabihin ay hinigpitan nito ang braso sa aking leeg. "Damn it, George! Bitawan mo ako kung hindi, hahalikan kita," pagbabanta ko rito na agad naman itong lumayo sa akin. Napansin kong ngumunguya na naman ito ng gum. Hindi na talaga mawala-wala rito ang pagnguya ng gum. May narinig akong tikhim mula sa aking likuran. Binalingan ko ito at si Troy na nakanguso kay George ang nakita ko. Hinawakan ko si George sa kamay. Tinatanggal nito ang kamay ko pero hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kamay nito. Pinaharap ko ito kay Troy. "Troy, meet George. George, si Troy, my friend," pakilala ko sa dalawa. Malawak ang pagkakangiti ni Troy. Alam ko ang mga ngiting iyon. Akma siyang lalapit kay George para halikan ito sa pisngi ngunit mabilis na inilahad ng katabi ko ang kamay sa kaharap. "Nice meeting you, pare," saad nito. "What?" takang tanong ni Troy. Pinisil ko ang kamay nito para ipahiwatig na mali ang sinabi nito. Sinamaan lamang ako nito ng tingin. "I mean, nice meeting you, Troy," pagtatama nito at muling binalingan si Troy. Pinalambing pa nito ang boses. Gusto ko nang matawa. Hindi bagay rito ang ganoong boses lalo pa at alam ko kung ano ang pagkatao nito. "Nice meeting you, George. What a nice name, ha. But your name doesn't fits you, you're like an angel," saad ni Troy na pinapungay pa ang mata sa katabi ko. Gusto ko itong batukan. Kung malalaman lang niya ang totoo na mas lalaki pa si George kaysa sa kan'ya. Bahagyang tumawa ng mahina si George. "Talaga? Ikaw pa lang nagsabi sa akin n'yan. Anyway, thank you for the compliment," Sinulyapan nito ang magkadaupang palad nilang dalawa ni Troy. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas ng isang kilay nito. Hindi nito gusto ang paraan ng paghawak ni Troy sa kamay nito. Tumikhim ako para mapukaw ang atensyon ni Troy. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa mga kamay nila. "Oh, sorry," saka nito binawi ang kamay kay George. Tumalikod si George sa amin. Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko nito sa akin. "Hindi ko gusto ang tingin ng kaibigan mo. Susuntukin ko 'yan kapag hindi ako nakapagpigil," bulong nito sa akin. I chuckled. "Bakit kasi ganyan ang suot mo? Takaw pansin sa mga lalaki dito," Pagkatapos ko ito sabihin ay inalalayan ko ito para umupo sa Bar Stool. Paupo na ito ng ma-out balance naman ito kaya napakapit ito sa balikat ko at nahawakan ko sa baywang nito. She's too close to me. Nagtama ang aming paningin. Ngayon ko lang ito natitigan ng malapitan. She's so f*****g beautiful. Paanong naging lalaki itong umasta samantalang may itinatago pala itong alindog sa katawan? Dahan-dahan ko itong inangat para tuluyan itong umupo. Nakatitig pa rin ito sa akin. Nakita na ba nito kung gaano ako kaguwapo sa paningin nito? Ngumisi ako sa tumakbo sa isipan ko. Nagsalubong naman ang kilay nito. Hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Tumaas ang kamay nito na nakahawak sa aking balikat at dumapo iyon sa aking pisngi. She slapped me. "What was that for?" taka kong tanong habang himas ang pisngi na sinampal nito. "Huwag mo akong akitin. Tandaan mo kung bakit ako nandito," Tinulak ako nito at napapailing na lamang ako sa kabruskuhan nito. Pasimple naman akong siniko ni Troy. "Close kayo?" bulong niya sa akin. "Yes, we're very close," sagot ko. Tila naman hindi ako sang-ayon sa sinabi kong iyon. Sa sobra kasi naming close, ginagawa na ako nitong punching bag. Ewan ko ba at ito lang ang nakakagawa sa akin ng ganoon. Binalingan kong muli si George na nakaharap na sa bartender na nagtitimpla ng inumin. "What do you want to drink?" tanong ko sa kan'ya. Tumingin ito sa akin. "Ano ba masarap?" she asked in her lower voice. What the f**k? Bakit parang may pagkakataon na lumalabas ang pagiging mahinhin nito? Minsan naguguluhan na rin ako sa pagkatao nito. "Try Espresso martini, George. It fits to your beautiful face and…" suhestyon ni Troy. Sinulyapan ko ito nang huminto ito magsalita. Pinasadahan nito ng tingin si George mula ulo hanggang paa. Kilala ko si Troy. He likes George, base na rin sa mga tingin nito. "Your hot body," dugtong nito saka ngumisi. Hindi ako sigurado kung napansin ni George na pinagnanasaan ito ni Troy. Ngumiti lamang si George. Para akong natulala sa ngiting iyon. She has a wonderful smile. "Sige, try ko," sagot nito. "Bro, pupunta lang ako ng mens room." Paalam ni Troy. Tumango lamang ako rito bilang tugon. Nang makaalis si Troy ay umupo ako sa tabi ni George. "What took you so long?" tanong ko rito. Nagpasalin na rin ako ng inumin sa shot glass. Tapos na rin gawin ang inumin nito. Ininom nito iyon at mukha naman nagustuhan nito ang inumin. "Nagpaayos pa ako. Nanghiram pa ako ng damit saka sandals. Ang hirap magsuot ng ganitong damit ha," sagot nito. "Ganito ba mga pananamit ng mga babae mo? Ang cheap. Kulang sa tela." Dagdag pa nito. Natawa naman ako sa tinuran nito. "But it fits you. Ang ganda mo nga sa suot mo," pang-aasar ko rito. Hinintay ko na may pambalik ito sa akin dahil iyon naman ang gawain nito, ang may ipambato rin na salita sa akin ngunit wala akong narinig na salita mula rito. Uminom lang ulit ito. Naubos nito iyon at umungot pa ito ng isa pa. Pinagbigyan ko naman ito. "I thought you wouldn't show up," tanong ko rito. Nangalumbaba ito at humarap sa akin. "Kapag hindi ako pumunta, kukulitin mo na naman ako tungkol kay Luisee. Pero kahit kulitin mo ako ay wala kang mapapala sa akin," sagot nito saka inirapan ako. "Bro, I'm back," sabi ni Troy na nasa likuran namin. "George, dito ka lang," "Saan ka pupunta?" "May tatawagan lang ako," sagot ko. Tumango naman ito. Binalingan ko si Troy. "Bro, ikaw muna bahala kay George," "Sure," saad nito. Tinungo ko ang mens room at tinawagan ko ang isa sa mga kuya nito. Mabuti na lamang at nakuha ko ang loob ng apat nitong kuya. Matagal ako nakipag-usap kay Giro, ang panganay. Hindi rin naman kami magtatagal. Ihahatid ko na siya mamaya. Sinubukan ko lang kung kaya nitong magsuot ng pangbabae. Nang matapos ako makipag-usap ay tinungo ko na ang bar counter ngunit hindi ko na siya nakita doon. Pati si Troy ay hindi ko na rin nakita. Fuck! Where is she? Bakit ko nga ba siya pinagkatiwala kay Troy? Nilibot ko ang tingin sa loob ng bar. Nahagip ng mata ko ang kumpulan sa gitna ng dance floor. Lumapit ako doon. Mariin kong nakuyom ang aking kamao ng makita ko kung sino ang sumasayaw sa gitna. That bastard is touching her ass. Sumasayaw si George na animo'y hindi nito alintana ang mga nakapalibot rito. Parang wala ito sa sarili. Nakita ko rin na may mga nakatutok na cellphone sa dalawa. Damn it! Mabilis kong pinagkukuha ang mga cellphone ng mga ito at pinag-aapakan ko iyon. Kada kuha ko sa cellphone nila ay sinasabi ko na bibilhan ko sila ng bago. Hindi naman sila nakapagsalita pa. Marahil hindi pa rin ako napansin ni Troy na kaunti na lang ay gusto ng lamutakin sa halik ang babaeng kasayaw. Nakapulupot ang dalawang kamay nito sa leeg ni Troy na tuwang-tuwa naman sa ginagawa ni George. Fuck him! Mabilis kong hinila si George palayo sa kan'ya. "Hey, bro. What are you doing? She's enjoying the night, come on," sita nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ni George. Sinulyapan ko naman si George na nakangiti. Tiyak na may nilagay si Troy sa inumin nito. "No!" mabilis kong hinawakan si George sa magkabilang balikat. "Not her, Troy," Hindi ko na siya hinayaan magsalita at nilisan na namin ang bar. Hindi ko ito maaaring iuwi lalo pa at iba ang inaasal nito ngayon. Baka mas lalong hindi ko malaman kung nasaan si Lui. Dinala ko ito sa condo unit ko. Kailangan nitong mahimasmasan. Dahan-dahan ko itong pinahiga sa kama at tinanggal ang sandals nito. Nang sigurado na ako na maayos na itong nakahiga ay tinalikuran ko na ito. Tatawagan ko ulit si Giro. Hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan nito ang kamay ko. Taka ko itong sinulyapan. "Dito ka lang," sabi nito at tumawa ng mahina. Hinila nito ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa tabi nito. Hinawakan nito ang damit ko at hinila ako palapit rito. Ang lapit na ng mukha ko rito. Nakapikit ito kaya napasadahan ko ang buong mukha nito. Ilang beses ko ng tinititigan ang mukha nito ngunit hindi yata ako nagsasawang tingnan ito. Ang korte ng kilay nito ay parang sinadya. Bumagay iyon sa medyo singkit nitong mata. Katamtaman din ang tangos ng ilong nito. Hanggang sa dumako ang mata ko sa labi nito. Ilang beses ko na rin ito nakitang may lipstick pero kahit wala iyon ay mapula ang labi nito. Ilang beses ko na ba tinangkang halikan ito ngunit hindi naman matuloy-tuloy? "Paano ko naman siya mahahalikan? Baka lapitan ko pa lang siya ay uundayan na niya ako ng suntok," sabi ng bahagi ng utak ko. "Ouch!" sambit ko ng sinampal ako nito. "Akala mo ba hindi ko alam na pinagpapantasyahan mo ako," she chuckled. "Manigas ka!" nilapit nito ang mukha sa akin. "In your dreams, George. You're not my type," tugon ko. "Mas lalaki ka pa sa akin." Tumawa ulit ito. Tila naging musika naman sa pandinig ko ang tawa nito. "Talaga? Kahit pa gawin ko 'to?" Hindi ko na nagawang magsalita ng walang pag-aatubiling hinalikan ako nito. Sandali lang iyon pero hindi ako nakagalaw ng tapusin nito ang halik. Shit! Hinalikan na ako ng tomboy na 'to? Sinampal nito akong muli. "Damn it, George! Nakakailang sampal ka na!" reklamo ko rito ngunit tumawa lamang ito. "Masarap ba?" "No!" "Masarap," ulit nito. "I said-" muli ako nitong hinalikan. Nagustuhan ko na ito kaya tumugon ako ng halik rito. Nagulat ako ng tinulak ako nito. Nahulog ako sa sahig. Nakita ko naman na bumangon ito. "Mainit," Pagkatapos nito iyon sabihin ay akma nitong huhubarin ang suot. Mabilis akong tumayo at pinigilan ito. Sa tingin ko ay ecstacy ang nilagay sa inumin nito. Six hours pa mawawala ang epekto ng drugs. Hindi ko ito hinayaan na hubarin ang suot nito bagkus ay binuhat ko ito at dinala sa banyo. Tinapat ko ito sa shower para mawala ang init nito sa katawan. Tinanggal ko ang make-up nito sa mukha. Hindi nagbago ang itsura nito. Maganda pa rin ito kahit walang kulay ang mukha. Nagulat ako ng hawakan ako nito sa aking magkabilang tagiliran at nilapit sa kan'ya. "Syke," usal nito. Kakaiba ang pagbanggit nito sa pangalan ko, nakakapanibago. "What?" "Kapag sinabi ko ba kung nasaan si Lui, titigilan mo na ako?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. Iyon naman ang pakay ko rito pero tila may kung anong tumututol sa akin na hindi ko pa rin siya tigilan. "Yes," tugon ko. May nabanaag naman akong lungkot sa mata nito kahit nakangiti ito. "Nasa Isla siya ng Catanduanes. Tatlong taon na siyang nandoon. Pero kahit puntahan siya ng kaibigan mo ay wala na siyang magagawa..." hinintay ko siyang magpatuloy. "Engaged na si Lui kay Earl." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kailangan itong malaman ni Haru. Muli ako nitong diniin sa kan'ya. Dahil matangkad ako ay patingala niya ako tiningnan. Hindi ko mabasa ang iniisip nito. "That's it?" tanong ko. Wala akong nakuhang sagot sa kan'ya kun'di ay muli niya akong hinalikan. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na ito pinakawalan. I want her, baka kapag nakuha ko ito ay maging babae na ito. Sayang ang ganda nito kung magtatago ito sa pagiging isang lalaki. Naging malalim ang halik namin. Umabot na sa punto na naglalakbay na ang kamay ko ngunit naramdaman ko ang dumapo sa aking tiyan. Sinikmuraan na naman ako nito. What the hell? Ito palagi ang nararanasan ko sa kan'ya, ang gawin akong punching bag. Pero wala na akong pakialam basta ang alam ko ay nagustuhan ko ang bawat dampi ng labi ko sa labi nito. Si George na mas lalaki pa sa akin ay hinahalikan ako. Isa lang ang masasabi ko, she's a good kisser.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook