GEORGE "Love, are you alright?" tanong ni Syke sa akin habang lulan ng kotse nito at tinatahak ang daan patungo sa isang hotel. Sinama kasi ako nito sa birthday ni Tito Brandon. Kinakabahan ako dahil makikita ko si Tita Sherly. Baka isipin nito na ang lakas pa ng loob ko na magpakita samantalang huling kinausap niya ako ay hindi ako pumayag na hiwalayan ang anak nito. Pero heto nga at may gana pa akong magpakita sa kan'ya. Isa pa, dahil business man ang ama nito ay siguradong imbitado ang lahat ng nasa business industry na kilala nito. Ayaw ko sanang sumama dahil baka maging basura lang ako pagdating sa veniew pero mapilit si Syke. May sasabihin daw kasi siya sa akin kaya dapat ay nasa party ako. Wala na akong nagawa kun'di ang sumama na lamang rito. Nagawa ako nitong balingan dahil

