Chapter 13

2551 Words

GEORGE "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa tahimik na si Syke habang binabagtas namin ang kahabaan ng Makati Avenue. Kanina pa kasi ito tahimik simula nang umalis kami ng bahay. Kanina ko pa ito gusto kausapin pero umaatras naman ang dila ko. Parang ang lalim ng iniisip nito. Panaka-naka naman ang pagsulyap ko rito. Wala akong makitang reaksyon sa mukha nito kun'di blangko. Napapaisip tuloy ako. Kanina lang ay nagawa pa ako nitong asarin. Bakit kaya sobrang tahimik naman nito ngayon? "I want peace of mind," sagot nito dahilan para muli ko itong sulyapan. Nakatingin kasi ako sa labas ng mapansin ko na lumiko ito. Kung saan ito patungo ay hindi ko alam. "Okay," tipid kong tugon. Gusto pala nito ng peace of mind, bakit kailangan pa nito akong isama? Mukha namang wala siyang balak na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD