GEORGE Magkahawak kamay na lumabas kami ng bahay ni Syke. Minabuti kong pauwiin na ito dahil mukhang wala pa itong balak na umalis ng bahay. Pasado alas onse na kasi ng gabi at pareho pa kaming may pasok kinabukasan. "Ingat ka sa byahe," bilin ko rito ng marating namin ang sasakyan nito. "Dito na lang ako matutulog, love," anito dahilan para pandilatan ko ito ng mata. Tumawa naman ito sa naging reaksyon ko. "Tumigil ka nga. Umuwi ka na para makapag-pahinga ka na rin. Kung susunduin mo 'ko, tawagan mo ako o i-text para naman alam ko na darating ka. Nagugulat ako sa'yo na basta ka na lang susulpot ng wala akong alam," sermon ko rito. "Ayaw mo na yata ako makasama kaya pinapauwi mo na ako," nagtatampong sambit nito. Umikot ang mata ko sa kaartehan nito. Hindi bagay sa katulad nito

