GEORGE Tahimik lang ako habang kumakain. Ang mga kapatid ko naman ay abala sa pakikipagkwentuhan kay Syke na mukhang nawiwili na rin sa pakikipagkulitan sa mga kapatid kong lalaki. Mukhang gustong-gusto ng mga kuya ko si Syke base na rin kung paano sila makipagbiruan rito. "George, bakit ang tahimik mo naman yata? Hindi ka naman gan'yan kapag kumakain tayo ah. Ang hinhin mo kumain ngayon. Samantalang dati, kulang na lang pati kutsara ay kainin mo sa lakas mong kumain." Pukaw sa akin ni Kuya Giro sa pananahimik ko. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa mula sa pagkakaupo sa sinabing iyon ni Kuya Giro. Marahil ay gumaganti ito dahil hindi ako pumayag sa pakiusap nito na maging muse sa liga sa darating na buwan. "Kuya Giro, huwag ka ngang gan'yan. Napapahiya ang baby natin," segunda n

