Chapter 7

1310 Words
Mess Saturday and Sunday ended quickly, we were already in the city just yesterday, and now it's school time again......Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Sam at binabaybay na ang daanan patungo sa university. Ganon parin ang routine namin kumakanta, habang kami ay kumakanta may biglang nag nagpaharurot ng sasakyan, kulay black na kinamuntikan na naming maaksidente.Tangina naman. Pinarada na muna ni Sam sa gilid yung kotse niya... "Ok kalang ba Kai," saad niyang nag aalala "Ok lang naman ako," sagot ko habang nakahawak sa ulo kung may bitak ba charrr... "Grabe naman kasi yung magpatakbo, feeling niya sa kanya yung daan," naiinis na sabi ni Sam. "Hayaan mona Sam, ok lang naman na tayo, sadyang walang hiya lang talaga yun," paliwanag ko kay Sam habang pinapakalma siya. "Hindi ok yun, Kai paano kung na aksidente talaga tayo," galit na sabi ni Sam habang naka kuyom ang palad "Wala, naman na tayong magagawa," naka pout kong sabi. "Kapag talaga makita ko yun, humanda siya sa akin," pagbabanta ni Sam habang matalim ang tingin. "Hayaan mona, tara na nga baka ma late pa tayo," pang-iiba ko nang topic, mukang sasabog na siya anumang oras.Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagmamaneho ng mabagal. Makalipas ng ilang minuto nakarating na kami sa university...Sinamahan ko naman siya na iparada ang kotse niya sa parking lot ng school.Habang hinihintay ko si Sam na I-parking ang kanyang sasakyan, may nakita akong pamilyar na kotse.Diba ito yung sasakyan kanina na ang bilis magpatakbo.Ito nga..... "Sam," tawag ko kay Sam habang hindi inaalis ang titig sa sasakyan.... "Bakit," takang tanong ni Sam sa akin habang papalapit sa aking pwesto "Diba ito yung sasakyan kanina, " sabay turo ko kay Sam yung sasakyan.Tumingin naman siya sa aking tinuro....Pinasadaan niya muna ito sabay nagsalita. "Yan nga, humanda yan sa akin," nakangising saad ni Sam habang may iniisip na kalokohan..... Tinignan niya muna yung paligid kung may tao. "Ayos, walang tao," nakangising saad niya. "Sam, anong gagawin mo," kinakabahan kong sabi sa kanya.Dahil pumunta siya sa tapat ng gulong at may ginagawa siya....biglang tumunog yung gulong at naging flat na ang itsura. "Napaka sama mo," maktol kong sabi kay Sam. "Bagay lang sa kanyan yan," nakangising saad ni Sam. "Tayo na at baka ma late pa tayo," saad bigla ni Sam at tumayo nang nakangisi. Habang kami ay naglalakad, tinitignan ko muna kung may nakakita sa ginawa ni Sam. "Baka may nakakita sayo Sam," nag aala kong tanong kay Sam habang kami ay naglalakad papunta sa loob. "Sigurado akong walang tao, at tsaka walang din cctv, kaya wag kang mag- alala," nakangising niyang sabi.Tumango nalang ako bilang sagot...... Nakarating na ako ngayon sa room namin, naka upo habang nag le-lesson si Mrs.Santos, pero kahit anong sabihin niya walang pumapasok sa isip ko, dahil ang nasa isip ko ngayon ay yung ginawa ni Sam, paano kung may nakakita talaga, baka maipatawag kami sa school guidance, ayaw kopa mandin. "Mr, Montevo," kanina pa pala ako tinatawag ni Mrs, Santos "Po," lutang kong sabi.Habang nakatingin lahat sa akin.Pati na si Zack nakatingin siya sa akin ng masama.Problema niya. "What are the basic sciences, give one and then explain," maatoridad na sabi ni Mrs.Santos habang nakatingin sa akin ng deretso.Lumunok naman ako dahil sa sobrang kaba "Uhmm, the one of the basic sciences po is, the anatomy, this one po is the detailed study of the human body structure, including gross anatomy and microscopic anatomy," buo kong saad kay Mrs.Santos habang nakatingin sa akin.Narinig ko naman ang palak-pakan ng aking ka-klase. "Very good, Mr Montevo, but next time don't miss out things," saad ni Mrs,Santos sa akin habang nasa akin ng tingin. "Opo ma'am," tangina kong sagot. "You may sit down," saad ni niya sa akin at tinuloy ang pagtuturo.Umupo naman ako ng matuwid at nasa kanya na ang tingin. Muntik na yun, buti nakapag-aral ako kagabi. Makalipas ng ilang minuto natapos na ang klase namin.Hayy salamat "Anong nangyare sayo kanina," tanong ni Verena sa akin habang naka upo sa tabi ko. "Wala, may iniisip lang," pagdadahilan ko, ayaw konaman na sabihin yung ginawa namin. "Ano nga yun," pangungulit niya sa akin. "Wala nga," tumayo na ako inayos ang gamit ko. "tara na nga, punta tayo kumain," pag-iiba ko ng topic "Sus," sabi niya sa akin kinurot ang aking bewang " ayaw pang aminin," tuksong niya sa akin habang kami ay naglalakad na...... Pagkarating namin sa cafeteria agad kaming umupo at nag order "Anong sayo," Tanong niya sa akin habang kumuluha ng pera sa wallet niya. "Yung dati," tangi kong sagot dahil hindi naman talaga ako gutom. "Sge, hintayin monalang ako," saad niya sa akin at tuluyan nang umalis. Habang ako naman ay nag ce-celphone, bumukas ang pinto at dun iniluwal ang mga basketball player syempre kasama na dun yung mayabang na lalake.Hindi konalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtitipa ng cellphone.Maya maya pa ay narinig ko silang nagbubulungan. "Seryo, dude may sumira sa sasakyan ng gulong mo," agad namang napintig ang tenga ko dahil sa narinig ko.Agad naman akong bumabaling sa lamesa nila habang magkukunwaring nag ce-celphone, tinutukoy ko kung ano ang pinag-uusapan nila. "Yes dude flat yung gulong," sabi naman ni Zack habang may irita sa boses.Bumaling ulit ako sa pwesto nila habang nagpapangap na nag-cecelphone.Sakto naman bumaling si Zack sa akin nakatingin deretso sa akin na may ngisi sa labi.Agad ko namang binawi ang aking tingin.Tangina alam ba niya. "May hint kaba kung, sino yung may gawa, may kaaway kaba," sunod sunod na tanong ng mga kaibagan niya. "Yeah," saad niya.Ramdam ko ang pagtingin niya sa pwesto ko nung sinabi niya yun.Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa sobrang kaba. "Ano gusto mo bang tambangan natin," suwestyon ng Isa. "Wag na, ako na ang bahala, I got this bro," maatoridad niyang sabi habang nakatingin sa aking pwesto. Agad naman silang bumaling sa aking pwesto ang mga kaibagan niya.Nahahalata siguro nila na panay tingin sa pwesto ko si Zack. Jusko, save me lord eme. Buti nalang, nandito na si Verena. "Buti nandito kana," saad ko sa kanya habang may konting kaba sa aking tono. "Bakit, may problema ba," takang tanong niya. "Ahh wala, nagugutom na kasi ako," pagdadahilan ko. Habang kami ay kumakain, naramdaman ko na tumayo sina Zack at tuluyan nang silang umalis.Buti naman Mabilis nakalipas ang ilang oras at uwian na naman.Na una na akong lumabas dahil may gagawin pa daw sila Sam.Hintayin konalang daw siya sa parking lot.Habang ako ay naglalakad patungo sa kotse ni Sam, may biglang tumakip sa aking bibig at hinila ako sa Isang sulok na walang tao. "Bitawan mo ako," pagpupumiglas ko, pero walang kwenta dahil sa laki ng katawan niya, halos masakop na niya ang buo kong mukha.Binitawan na niya ako ng nakarating kami sa sulok.Agad naman akong bumaling sa kanya.Oo alam kona kung sino to amoy niya palang "Ano bang problema, huh," sigaw ko sa kanya habang matalim ang tingin.Pero sinuklian niya lang ito ng isang pilyong ngisi.May nakakatawa. "Kayo ang may problema sa akin," seryoso niyang sabi habang papalapit sa akin, ako naman ay patuloy lang sa paghakbang paatras, hanggang sa naramdaman ko na ang pader sa aking likod.Pero siya patuloy padin sa palapit sa akin, Ganon nalang ang taranta ko nang ikulong niya ako sa pader, gamit ang kanyang mga kamay.Ramdam ko na naman ang hininga niyang tumatama sa aking mukha, amoy mint. "Alam mo naman yata kung ano ginagawa niyo diba," sarcastiko niyang sabi. "Ahh....ano...ba..ang ginawa namin," maang-mangan kong sabi, kahit kinakabahan "Tsk, you good huh," nakangisi niyang sabi.Nabigla naman ako nung lumapit ang labi niya sa aking tenga at bumulong. "Be carefull next time, with your friends pretty boy, Make sure no one is there," saad niyang makabuluhan habang nakangisi, at tuluyan na siyang umalis, samantalang ako nakatulala habang tinitignan ko siya na papaalis. Pagkatapos nun lutang akong bumalik sa kotse ni Sam, iniisip ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD