Prologue
"Let's go," mariing sabi ni Sam.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"Sa friend ko. Birthday niya, invited daw tayo. Kaya magbihis ka na para makaalis na tayo agad," she explained.
"Okay," tanging sagot ko.
Umakyat agad ako sa taas para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng long sleeves, pale black na slacks, at puting sapatos. Siyempre, nag-spray din ako ng pabango para feeling fresh.
Pagbaba ko, nakita ko si Sam na nakaupo sa couch habang nagce-cellphone. Nang mapatingin siya sa’kin, nanlaki ang mga mata niya.
"Grabe, bakla, ang ganda mo!" puri niya.
"Bola ka pa," sabat ko.
"Tara na nga, baka ma-late pa tayo!" excited niyang sabi.
Nagmadali kaming pumunta sa kotse niya. Mayaman kasi si Sam—may sariling sasakyan. Doktor ang tatay niya, abogada naman ang nanay. Sobrang swerte niya, at di ko maiwasang mainggit.
"Pasok na," aniya.
Tumango lang ako at agad na sumakay. Sumunod din siya. Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang siya naman ay ang ingay—ang dami niyang kinukuwento na halos di ko na maintindihan. Kaya tahimik lang ako.
Pagbaba namin ng sasakyan, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ang laki ng bahay, ang ganda pa. Maraming ilaw, napapalibutan ng mga bulaklak, at sobrang dami ng tao. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay. Nahihiya tuloy ako.
"Tara na, baka hinihintay na tayo," sabi ni Sam.
"Let's go," I replied.
Pagpasok namin, sinalubong kami ng maingay na crowd, malalakas na tawanan at tugtugan. Ang ganda ng loob ng bahay—parang sa mga pelikula lang.
Napansin yata ni Sam na medyo tahimik ako kaya tinanong niya ako.
"Are you okay? You look uncomfortable."
"Yeah, I'm okay. Just a little nervous," I answered.
"Gusto mo bang umuwi na lang tayo?" she asked, concerned.
"No, it's okay. Ayos lang talaga ako, wag kang mag-alala," I assured her with a smile.
"Okay, sabi mo eh. Pero sabihin mo agad kung di ka na comfortable, ha?"
"Promise. I'm fine," I said, still smiling.
"Okay, tara na. Nandoon sila," she said, full of excitement.
Paglapit namin sa group nila, nag-iinuman na sila. May mga babae’t lalake. Hindi ko na sila pinansin dahil agad akong napako sa isang lalaking matangkad, makapal ang kilay, at sobrang tindi ng tingin sa’kin. Ang jawline niya—sharp, tapos brown ang mata. Gwapo, oo, pero halatang may attitude.
"Hi guys, sorry we're late. Traffic kasi," paliwanag ni Sam.
"No, it's okay. Di pa naman kayo late," sabi ng isang chinita na babae.
"Oo nga, sakto lang dating niyo," sabi naman ng katabi niyang matangkad na lalaki—mukhang basketball player.
"By the way, this is Kai, my friend," pakilala ni Sam.
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Hi, I'm Jade," sabi ng chinita.
"I'm Andrew," sabi nung matangkad na lalaki.
"I'm Patrick," sabi ng lalaking katabi ni Andrew. Ang cute niya—kulot ang buhok.
"I'm Coll," sabi ng isa pang chinita, matangkad at maganda.
Pero ang atensyon ko ay nasa lalaking matindi ang titig sa akin. Hanggang ngayon, parang galit pa rin siya. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kulang yata sa aruga. Deadma na lang. Bahala siya. Hindi rin naman ako interesado. Inirapan ko pa siya, at halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Hi, nice to meet you all. I'm Kai. I hope we can all be friends," pakilala ko.
"Ang cute mo naman!" sabi ni Andrew.
"Oo nga, at ang puti mo! Anong sabon mo?" sabat ni Jade.
"Ehehe, salamat," sagot ko habang hinihimas ang batok ko.
Narinig ko ang tawanan nila.
"Ikaw, Zack, ayaw mo bang makilala si Kai?" tanong ni Andrew dun sa lalaking may masamang tingin sa’kin.
"I'm not interested," baritonong sabi ni Zack.
Not interested, my ass.
"Pagpasensyahan mo na si Zack. Ganyan lang talaga ‘yan pag di pa niya kilala ang tao. Pero mabait ‘yan," paliwanag ni Andrew.
"No, I'm not interested too," sagot ko, confident.
Narinig ko ang collective “Ohhhh!” ng buong grupo.
Biglang tumingin si Zack sa akin—masama pa rin ang tingin, halatang na-challenge. Umigting ang panga niya na parang konting kibot na lang, sasabog siya. Inirapan ko ulit siya.
"Ohhh! Mukhang may katapat na ang varsity captain ng basketball team! Hahaha!" komento ni Jade, na may ngiti pa rin sa labi.
Nagtawanan ang lahat, pati na si Sam.
Pagkatapos ng introductions, inimbita kami sa mesa para kumain. Habang kumakain kami, naramdaman kong tinititigan pa rin ako ni Zack. Parang inaaral niya ako. Hindi ako komportable sa titig niya—parang may gusto siyang patunayan. Pero ngumiti lang ako, lalo pa akong kumain para inisin siya.
Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagkukuwentuhan.
"San ka nag-aaral, Kai?" biglang tanong ni Coll.
"UP," maikli kong sagot.
Tumango siya.
"Anong kukunin mong course?" sunod niyang tanong. Ang dami namang tanong ng babaeng 'to.
"Doctor," maikli ko ulit.
"Grabe, ang ikli ng mga sagot mo. Pero ang cute mo pa rin, lalo na ‘yung boses mo," sabi niya na halatang natutuwa.
Ngumiti lang ako.
"CR lang ako," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila. Pero si Zack... masama pa rin ang tingin. Parang may binabalak.