Mall
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil pupunta ako ngayon sa mall para bumili ng gamit at para makapag ayos na din.Nag paaalam na rin ako kay mama.
"Ma alis na po ako" sabi ko kay mama
"Sge, mag iingat ka" saad ni mama
"Opo" saad ko
Tinawagan ko si Sam kung pupunta pero busy daw siya kaya ako nalang mag Isa.Nagpara na ako ng tricycle sa tapat nang aming bahay.
Mabilis naman akong nakarating sa mall dahil malapit lang din naman sa bahay.Nag punta ako agad sa pagbilihan ng school material at tsaka pumunta na mag shopping nang damit.Sinusuri ko yung mga damit na narito kung ano yung maganda lahat naman maganda pero dikolang bet yung iba.Napako ang tingin ko sa Isang damit na kulay black at may design at yun nalang ang kinuha ko.Kukunin ko na sana nang biglang may humawak din dito.Nung inangat ko ang aking tingin laking gulat ko na si Zack pala iyon at mukang gulat din siya pero napalitan ito nang matalim na tingin.Kinunotan ko siya sabay irap at kukuhanin ko na sana ng bigla niya itong hilain din.
"Ako nauna dito,kaya sa akin to"saad ko sa kanya
"You know pinagbigyan na kita dun sa school at ngayon hindi na kita pagbibigyan"sabi niya sakin.Pilit niya paring hinihila ng damit.
"Walang akong pake ako ang nauna,kaya bitawan mo"sigaw ko sa kanya.Dahil sa aking sigaw pumunta agad dito yung saleslady.
"May problema ba dito mga sir"tanong nung saleslady
"Siya kasi pinipilit niyang kuhanin to ehh ako yung nauna"saad ko sa saleslady
"Mga sir please kalma lang po wag po kayong mag iskandalo dito"saad nung saleslady.
"Miss do you have any extra t shirt like this"tanong naman ni Zack.
"Naku po sir wala na po, yan nalang po yung natira"saad ng saleslady sa kanya.
"Wala na daw, kaya akin na to ako naman yung nauna"sabi ko sa kanya.
"At tsaka sigurado naman na di ito kakasya sa iyo, tignan mo nga yung sarili magmumuka kalang inipit na hotdog kapag sinuot moto"tumatawang sabi ko sa kanya.Tinignan niya naman ako ng masama.Totoo naman talaga.
"Fine"sabi niya tilang sumusuko
"Miss magkano poto"tanong ko sa saleslady
"500 pesos po sir"saad naman niya
I immediately walk towards in the cashier to buy this t-shirt.Naramdaman mo naman na may ibang tao na nas likod.Hindi ko na siya liningon dahil alam ko na kung sino dahil sa pabango niya palang na napakatapang.Mukang magbabayad din.Dumako naman ang aking tingin sa binili niya Isang pares ng sapatos mga school supplies din.Napaismid ako dahil sa nakita kong condom na nasa supot.Tangina bakit meron siyang ganon.Mukang totoo nga ang sinasabi nila isa siyang fuckboy.Nung inangat ko aking tingin nakita ko naman ang naglalarong ngisi sa kanyang labi.Inirapan ko nalang siya.
"Sir heto po ang sukli niyo"saad ng cashier
"Thank you po"sabi ko sa kanya
Paalis na ako nang hindi man lang tumingin sa lalake dahil sa kanyang nakakapasong tingin.
Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si mama na nagluluto ng pananghaliaan.Habang si Sai naman ay naglalaro ng kanyang cellphone sa sofa
"Nandito na po ako" sabi ko sa kanila.Agad naman silang bumaling sa akin.
"Nandiyan kanapala anak lagay mona dun yung binili mo at kakain na tayo"sabi ni mama
"Kuya may binili kaba para sa akin"sabi ng aking Kapatid
"Syempre meron, ohh ito headset yung palagi monalang hinihiling kay mama ako nalang ang bumili"saad ko sa kanya.Agad naman siyang tumakbo sa akin at yinakap
"Salamat kuya"sabi niya sa akin.Yinakap ko naman siya at pinugpog nang halik"
"Tama na po kuya nakikiliti na ako"sabi niya sa akin na aking ikinatawa.
"Hali na kayo at kakain na"sabi ni mama
Habang kami ay kumakain.Sinabi ko na kay mama na titira na ako sa apartment ni Sam.Kung nagtataka kayo kung wala akong papa ay dahil mas pinili niyang umalis at iwan kami at sumama sa kabit niya.Simula noon si mama nalang ang nag aalaga sa amin na aking ipinasalamat dahil di niya kami iniwan.
"Ma napag desisyonan kopo na dun lang po ako titira sa apartment ni Sam mas malapit Kasi yung school doon"sabi ko Kay mama
"Sigurado kana ba diyan"tanong ni mama
"Opo para masanay na din ako at tsaka college na po ako"sagot ko kay mama
"Kailan ba"tanong ni mama
"Bukas na po ako lilipat dun, sa lunes na kasi yung pasukan"saad ko kay mama
"Sge basta mag iingat ka"sabi ni mama
"Nag dra-drama na naman si mama"sabi ko kay mama.
"Hindi pinapahalanan lang kita"saad naman niya
"Opo mag iingat po ako dun"saad ko kay mama
Kinagabihan nagsimula na akong mag impake ng gamit para di na ako mahirapan pa bukas susunduin naman ako ni Sam.Narinig ko naman na may kumatok.
"Nak nandiyan kaba"saad ni mama
"Opo nag iimpake po ako nang gamit"saad ko kay mama.Binuksan niya namam yung pinto at tumabi sa akin.
"Nak mag iingat ka dun alagan mo yang sarili mo dun lalo't wala ko sa tabi mo"saad ni mama habang lumuluha.
"Nay wag naman kayong mag drama hindi po ako mag aabroad lilipat lang, dadalawin ko naman kayo"sabi ko kay mama.
"Sabi mo yan ahh"saad ni mama habang pinupunasan ang luha.
"Opo"saad ko sa kanya at yinakap.
"Wag na po kayo mag drama magiging ok lang ako dun"sabi ko sa kanya at yinakap din ako
"Sge mag pahinga kana at maaga kapa bukas"saad ni mama.
"Sge po"saad ko sa kanya at hinalikan ng kanyang pisngi.
"Ikaw talaga"sabi niya habang tumatawa.Kahinaan niya kasi ni mama yun.
"Sge na mag pahinga kana"sabi niya sakin
Umalis na siya at sinarado na ang pinto.Natapos nadin ako sa pag iimpake at natulog na dahil maaga pa ako bukas.
Kinaumagahan dali dali akong bumaba at nadatnan si mama na gumagawa ng umagahan.
"Nak maligo kana at baka wala kang maabutan na bus"saad ni mama
"Si Sam po ang magsusundo sa skin"sagot ko kay mama
"Ganon ba, halika na muna at mag almusal ka"saad ni mama
Natapos ako sa pag aalmusal at nagpunta na para maligo.Pagkababa ko nadatnan ko si Sam na naka upo sa sofa habang kinakausap niya si mama.Nag message kasi ako sa kanya kagabi na umagahan niya ang pag punta dito.
"Nandiyan kanapala Sam"tawag ko sa pansin nila
"Wala kasi akong magawa sa apartment kaya mas inumagahan kopa ang dating ko.
"Sge na, at baka ma traffic pa kayo sa daan"sabi ni mama
"Yung bilin ko Sam"sabi ni mama kay Sam
"Opo"sabi naman si Sam
"Una na po kami tita"sabi ni Sam Kay mama
"Sge mag iingat kayo sa daan"sabi naman ni mama
"Ma alis na kami"saad ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi
"Mag iingat ka dun Kai"saad ni mama.
"Opo, mag iingat din kayo ni Sai dito"saad ko kay mama.Tanging tango lang ni mama ang kanyang sinagot
Tinulungan ako ni Sam na magbuhat ng aking gamit dahil sa sobrang dami.Sinamahan naman kami na mama hanggang palabas.
"Bye ma"saad ko
"Bye po tita"saad naman po ni Sam
"Mag iingat kayo"saad ni mama
"Opo"sabay naming sagot ni Sam
Pumasok na ako sa sasakyan at nakita ko naman na may sinabi si mama kay Sam.Pagpasok ni Sam agad ko siyang tinanong kung ano yun.Secret daw sabi naman niya.Inirapan ko nalang siya na kanya
namang ikinatawa.
Makalipas nang ilang oras nakadating na kami sa apartment ni Sam.
"Ito naba Sam"tanong ko kay Sam
"Yeah, maganda ba"tanong ni Sam
"Sobra"tanging sagot ko abala kasi ako sa pagsusuri ng bahay.Grabe ang ganda at ang linis.
"Ibaba mo muna diyan yung gamit mo, ipapakita ko muna sa iyo yung kwarto mo"sabi niya sa akin
Binaba ko muna yung mga gamit ko at sinundan si Sam.Tumigil kami sa Isang kwarto na kaharap ang Isang ring kwarto.
"Dito yung kwarto mo bes, at dito naman yung akin" sabay turo sa isang kwarto na kaharap mismo ng aking kwarto.
"Kung gusto pumasok para tignan ok lang naman kwarto mo naman yan"sabi niya sa akin.Pumasok naman ako at sinalubong ako nang napakalinis na silid at ang ayos tignan kulay puti ang background niya na may kasamang brown na lalong nagpaganda may mga paintings din na nakasabit sa ibat ibang dingding na lalong nagpakintab sa loob.
"Ang ganda bes"sabi ko nalang kay Sam nung lumabas ako.
"Ganyan talaga yan, maayos may nakatira noon diyan, maayos siya sa gamit at palaging naglilinis"sabi niya sa akin
"Nasaan na yung nakatira"tanong ko sa kanya
"Umalis na lumipat sila sa Amerika"sabi niya sa akin na aking ikinatango.
Pinunta ko naman na yung mga gamit ko sa aking kwarto at inayos ko na din yung pwedeng maayos.
"Bes labas muna tayo, bili tayo ng fishball sa labas"saad ni Sam sa labas
"Sge tatapusin ko lang to"sabi ko sa kanya.
Nandito na kami ni Sam sa nagtitinda ng fishball at bumili kami ng tag Isa namin, habang kami ay kumakain nagsimulang mag kwento si Sam tungkol sa kayang ex.
"Ex na naman, di kapaba naka move on Sam"saad ko sa kanya habang tumatawa
"Ang hirap ehh"saad naman niya.
"Alam mo iiba nalang natin ng topic, wag yang ex mas lalo kang hindi makaka move on pag ganyan"saad ko sa kanya.
"Ano naman gusto mong itopic yung Zack na crush mo"sabi niya sa akin na aking ikinagulat at nabilukan pa ako.Tawang tawang naman siya sa aking reaction.
"Ayos kalang"saad niya sa akin at inilahad niya ang Isang basong tubig.Di ko alam kung saan niya ito kinuha basta ko nalang na ininom.
"Anong crush ang pinagsasabi mo, never kong magiging crush yun"saad ko sa kanya na inirapan lang ako
"Alam mo bes wag ako kilala kita.Halata naman yung pag tingin mo sa kanya"saad niya sakin habang tumatawa.
"Paano ba ako tumingin sa kanya"tanong ko sa kanya.
"Yung pag tingin mo Kasi para mo siyang hinuhubaran"saad niya sa akin habang tumatawa.Tinaasan ko naman siya ng kilay.Sarap talagang sapakin tong bunganga ng babaeng to ang tabas ng dila kung ano ano ang lumalabas sa bibig
"Joke lang, basta iba yung tingin mo sa kanya"saad niya na lang.
"Tayo na nga gumagabi na, maaga pa tayo bukas"sabi ko nalang sa kanya para maiba ang topic.
"Sus dipa aminin"tusko niyang sabi sa akin
"Isa pa talaga Sam"inis kong saad sa kanya na ikinatamik naman niya pero hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Bes may regla kaba, bat ang sungit mo"sabi niya sa akin.Dahil sa kanyang sinabi sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang tumakbo papunta sa apartment.Tangina talaga tong babaeng to.