❀⊱Melanie's POV⊰❀ "Argh!" Inis na inis ako. Hindi ako makapaniwala na of all places, dito pa talaga sa Davao siya susulpot. Ang kapal ng mukha niya. Akala yata niya kapag sunod siya nang sunod sa akin na parang buntot, mapapatawad ko na siya agad. As if ganun lang kadali burahin 'yung apat na buwan na kasinungalingan niya. Huh! I'm not that stupid. Hindi ako ganun kadaling paikutin. Napairap ako habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko, pero lalo lang akong naiinis habang iniisip na nandito rin siya. Akala ko magkakaroon akong peaceful mind kahit na isang linggo lang, pero nandito rin pala ang Eoghantot na 'yon. Nandito ang taong dahilan kung bakit gusto ko munang umalis ng Manila. "Nakakagigil talaga." Inis kong sabi na halos isigaw ko na upang mailabas ko ang frustration ko. Naka

