┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Alas onse pa lang ay nakarating na si Eoghan at si Melanie sa estate nina Marcus at Althea. Medyo mataas pa ang araw pero may lamig na dala ang hangin. Sinalubong agad sila ng dalawang anak ni Marcus na sina Ellizar at Mathayus, parehong natutuwa na makita muli na magkasama ang Tita Melanie nila at ang Tito Eoghan nila. Matagal-tagal din nilang hindi nakakasama ang Tito Eoghan nila dahil sa hindi nila pagkakaunawaan, pero ngayon, ay natutuwa silang makita muli na magkasama ang dalawa. "Tita Melanie!" Sabay sigaw ng dalawa habang tumatakbo papunta sa kanila. Halos madapa pa si Mathayus sa pagmamadali makalapit lamang sa tiyahin nila. "Wow, Tito Eoghan, nandito ka na po ulit." Tuwang-tuwa namang sabi ni Mathayus. Hindi mawala ang ngiti ng mga ito dahil magkasamang muli si M

