┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Hindi nagtagal ay naglalakad na palapit ang pinuno ng Black Serpents, Wena at Rachell. Si Ozias naman ay iginiya si Thessius at Amy sa table na malapit kila Eoghan. Ang mga tauhan naman na nakatayo ay biglang umalis sa pwesto nila at parang mga sundalong tumayo sa magkabilang side ng nilalakaran ng tatlo. Pero naglilikot ang mga mata ni Taruray, at napatingin sa bermuda grass na kanina lang ay kinatatayuan ng mga tauhan ni Marcus. Nakangiti lang si King Venum na nakaupo sa silya na akala mo ay hari, at iminuwestra ang kamay niya na lumapit ang tatlo sa kanya, kaya patuloy lang sa paglalakad ang tatlo. Pero si Taruray ay kunwaring inayos ang suot niyang sapatos kaya ito napahinto sa paglalakad, kaya napalingon sa kanya ang dalawa. "Sige lang, susunod ako.

