❀⊱Melanie's POV⊰❀ Pagkatapos ng isang masayang maghapon sa bahay ni Kuya Marcus, isinama na ako ni Eoghan sa mansyon niya. Duon na muna raw ako matulog, kaya pinagbigyan ko na. It's not really new naman for us... bago pa kami nagkahiwalay dahil.sa nangyari ay lagi naman kaming ganito nuon. Hindi pa kami kailanman nagsama sa bahay niya na parang mag-asawa. Madalas ay inaaya niya ako para naman makasama naman daw niya ako, para makatabi niya ako sa pagtulog for a few days, then uuwi rin ako either sa mansyon ni Dad or sa condo unit ko. Routine na namin 'yon dati pa. Nasanay na kami na ganuon kami palagi, lalo pa at madalas ay kailangan kong magpunta ng Milan dahil ang ilang negosyo duon ay sa akjn na nakapangalan. Ever since ay malinaw ang bilin ni Kuya Marcus sa aming dalawa na dapat da

