Chapter 11 -Ang Manghuhula- 🤣

2345 Words
◄Eoghan's POV► Mula sa malayo, tahimik lang akong nakasandal sa loob ng sasakyan, fingers loosely gripping the steering wheel habang ang mga mata ko ay nakatutok lang kay Melanie. Kasama ko si Carter at si Mellard, pero halos wala akong naririnig sa kanila... lahat ng focus ko nasa kanya lang. Akala yata niya ay makakatakas siya. Akala niya ay may lugar sa mundong ito na hindi ko siya mahahanap. Pero she should know me better than that. Bawat kilos niya, bawat galaw, even the plans that are just forming inside her head... para bang nababasa ko na agad sa isip ko. Kilalang-kilala ko siya. Too well, maybe. Kaya talagang hindi niya ako matatakasan. "Ibang klase din naman ang pagka-obsess mo." Sabi ni Carter, nakasandal sa upuan habang nakatingin din sa labas. Hindi ko siya pinapansin, nakatingin lang ako sa aking mahal na busy sa pagtawa habang may hawak na gulay. Kahapon sila ng alas singko dumating ng Davao, at ang hindi niya alam, nakasunod lang ako. Nakahanda ang private jet ko na handang sundan kahit saan siya makarating. "Ibang pangalan na ang gamit ng ex mo pero nahanap mo pa rin. Kakaiba ka talaga bro." Dagdag pa niya. Ngumisi lang ako, slow and confident, hindi ko man lang siya nilingon. My eyes stayed locked on Melanie, like she's the only thing that exists in this world. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko kung paano siya tumawa. "You call it obsession... I call it knowing what's mine." Sagot ko. Mahina lang. Tawa naman ng tawa si Carter at si Mellard. "Kahit na pagandahin mo pa ang tawag diyan... obsession pa rin 'yan." Sabi ni Carter kaya natawa ako ng mahina. Hindi ko na lang siya pinansin. Ayokong alisin ang tingin ko sa aking mahal. Aminado ako na obsess ako sa kanya, at walang pwedeng umagaw sa akin ng kung ano ang dapat ay akin. At akin si Melanie. "Mellard... si Daisy, bro. Mag-iingat ka, mukhang may hawak na galunggong. Baka ihambalos ulit niya sa'yo." Pang-aasar pa ni Carter, pero kay Mellard na. Mukhang nasa mood ang kanang-kamay ko sa pang-aasar ngayon. "Gago ka talaga, ako naman ang nakita mo ngayon." Napipikong sagot ni Mellard, kaya tawa ng tawa si Carter. Sinaway ko siya at baka marinig ng mga 'yon ang malakas niyang tawa. Hindi pa niya pwedeng malaman na nandito lang din ako sa malapit. Creepy na kung creepy, pero akin lang siya at hindi niya ako matatakasan. Naririnig ko pa ang asaran nila, pero hindi ko na pinansin ang dalawa. My attention drifted back to Melanie. The way she walks, the way she slightly looks over her shoulder like she's checking if someone's following her... alam kong ako ang hinahanap niya kahit ayaw niyang aminin sa sarili niya. She can pretend all she wants. She can change her name, hide behind a new life, act like she doesn't care... pero hindi niya kayang lokohin ang sarili niya. At lalong hindi niya kayang lokohin ako. Alam na alam ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi na 'yon mababago pa. Ipinaglaban nga niya kay Marcus ang pagmamahal niya sa akin, kaya alam ko na hindi niya ako bibitawan. Masama lang ang loob niya sa akin, pero mawawala din ang sama ng loob na 'yon. "Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Carter, kaya napalingon ako sa kanila. Nag-uusap pa pala sila, akala ko ay tapos na. Masyado kasi akong busy sa babaeng mahal ko. "Tigilan ko daw siya dahil wala akong pag-asa sa kanya... kaya tinigilan ko. Matagal na akong tumigil sa kakabuntot ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya. Kilala ninyo ako... mapilit ako sa gusto ko. Pero kapag itinaboy ako... I stop." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya saglit, my brows slightly furrowed, like I was weighing his words. Then I looked back at Melanie, napangiti ako ng makita ko kung paano sila magharutan ng mga kaibigan niya. Pagkatapos ay muli akong sumulyap kay Mellard. "That's where we're different, bro. Kasi ako... I don't stop just because she says so." Pakli ko, kaya napatingin siya sa akin sabay tawa na akala mo ba ay may nakakatawa sa sinabi ko. Nakaramdam tuloy ako ng bahagyang inis, kaya pinitik ko ang tainga niya. Pagkatapos at huminga ako ng malalim, watching her like I've memorized every inch of her existence habang nagsasalita ako. "Melanie can push me away, she can hate me, she can even run as far as she wants... pero hindi niya mabubura kung ano ang meron kami." Wika ko at bahagya pang humigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel. "Galit lang siya. Nasaktan. That's all. Pero love? Hindi 'yon nawawala ng ganuon lang kabilis. Alam ko kung gaano ako kamahal ni Melanie, at iyon ang pinanghahawakan ko." "Magkaiba tayo bro. Halos isang taon kong sinusundan si Daisy at nililigawan dahil ganuon ako kabaliw sa kanya. But I had to stop dahil itinataboy lang niya ako. Ang kaibahan natin ay may relasyon kayo ni Melanie, ikakasal na sana kayo at mahal ninyo ang isa't isa. Kami ni Daisy? Bro... ako lang ang nagmamahal sa kanya mula ng una ko siyang makita, pero siya... wala. Mahalaga lang daw sa kanya ang pamilya niya, at hindi raw pwedeng maagaw ng iba ang atensyon niya na dapat ay sa pamilya lang niya. So I had to stop." Sagot niya kaya napatitig kami ni Carter sa kanya. Tumawa pa siya, 'yung tawang parang sinasabi na... okay lang, ganuon talaga ang buhay, pero nakikita ko sa mga mata niya na gusto pa rin niya si Daisy. "So... sumusuko ka na?" Tanong ni Carter, kaya natawa si Mellard. "Sumusuko? Ang sabi ko I had to stop, pero wala akong sinabi na sumuko ako. Binibigyan ko lang siya ng chance na gawin ang dapat niyang gawin sa pamilya niya, at kapag maayos na ang lahat... kukuhanin ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Wala na siyang choice. Tinanong ko na si San Pedro kung sino ang pangalang nakasulat sa tabi ng pangalan ko, at ang sabi niya ay si Daisy, kaya sa ayaw at sa gusto niya... sa akin lang din siya babagsak." Sabi nito, kaya natawa na kami ni Carter sa tinuran niyang 'yon. Pagtingin ko sa kinaroroonan ng mahal ko... bigla akong nagulat nang wala na sila duon. Nasaan ang mahal ko? "Shiiit!" Mura ko habang inililibot ko ang paningin ko. Pero napangiti ako ng makita ko sila na naglalakad na pauwi. "Bro, 'yung apartment na malapit lang sa kanila... nabayaran mo na ba?" Tanong ko kay Carter. "Yup, inasikaso na ng mga tauhan natin. Nanduon na nga sila, bumili na ng kama na tutulugan natin. Nag-grocery na rin sila, at itong kotse, kahit na second hand lang ito... hindi naman makikilala ni Melanie, kaya kahit na dumaan tayo sa harapan nila, titingin lang sila, at hindi rin tayo makikita sa loob dahil heavy tinted ito." Sagot niya, kaya napapangiti na ako. Mga isang linggo dito si Melanie, kaya sinigurado ko na isang linggo ko ring makikita kung ano ang ginagawa niya. Isang linggo lang siya dito... at isang linggo kong sisiguraduhin na bawat galaw niya ay alam ko. Every step she takes, every place she goes, every person who even dares to look at her twice... lahat 'yon, nasa radar ko. Malupit akong pinuno ng aking organisasyon, pero pagdating kay Melanie... nababahag ang buntot ko. Damn! "Nakauwi na si Melanie... let's go. Tanghali na, nagugutom na ako. I'm sure na nakaluto na ang mga tauhan natin sa loob ng apartment." Sabi ni Carter. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako tumango. Ako ang may hawak ng manibela, dahil kailangan kong sundan ang bawat kilos ni Melanie. Pagkarating namin sa loob ng garahe ng apartment, isinara na agad nila ang mataas na gate upang makalabas kami ng sasakyan. Hindi pa niya ako pwedeng makita at baka biglang magwala ang isang 'yon. Ang tapang pa naman ng babaeng 'yon. Dugong Dux kasi. Ang hirap paamuhin. Pero kahit gaano ka kahirap paamuhin... hinding-hindi ka na makakawala pa sa akin dahil akin ka lang mahal ko. Akin ka lang. Pagkalabas ko ng sasakyan... tumunog ang phone ko, at natawa ako ng makita ko na si Conrad ang tumatawag sa akin. Si Conrad Green ang matalik na kaibigan namin ni Carter. "Bro, what's up?" "I'm at your office. Your acting CEO said you're not in Manila. Where are you right now? I need to discuss something important with you and Carter. Let me know your location and I will head there." Sagot niya mula sa kabilang linya. Napakamot ako sa aking noo at napatingin ako kay Carter. Mukhang alam na niya kung sino ang kausap ko sa phone. Mukhang alam niya kung ano ang sadya ni Conrad sa akin. "I told him na hindi tayo pwede ngayon, pero ang sabi niya ay importante. Tungkol daw 'yan sa negosyo nating tatlo." Sabi niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, at napapailing ako ng aking ulo. "Hindi ka pwede dito. Sisirain mo ang plano ko. Mabubuking ako sa'yo kapag nagpunta ka dito." Sagot ko kay Conrad, kaya tawa ng tawa si Carter. "Oh, I see... ini-stalk mo ang ex-fiancée mo. Damn bro. Obsessed ka talaga sa kanya. Kung ayaw makuha ng isang 'yan sa maayos na usapan, daanin mo sa santong paspasan. Parang hindi ka naman pinuno ng mafia. Bilisan mo diyan para matapos na kayo diyan at makabalik na agad kayo ng Manila. Tawagan mo ako sa oras na makabalik kayo dito. Importante ang pag-uusapan natin." Natawa na lang ako at tumango na akala mo ba ay nasa harapan ko lang ang kausap ko. Pagkatapos ng ilang pag-uusap, mabilis akong umakyat sa silid ko upang makita ko kung totoo nga na mula sa binigay na silid sa akin ni Carter... makikita ko nga ang silid ni Melanie. Iyon nga lang ay may kasama siya... ang asawa ni Thomas Johnson na si Agatha, aka KengKeng. Tang-na, saan naman nila nakuha ang mga pangalang BengBeng at KengKeng Dela Cruz? Ang dalawang 'yon, kapag nagsama, siguradong puro kalokohan. Naaalala ko tuloy kung paano nila ipinatigil ang kasal namin ni Jacky nuon. Puro sila kabaliwan. Tapos ngayong ako na ang baliw na baliw sa kanya... pinapahirapan naman ako. "Ganda ng pwesto ng silid mo ah. Kumpleto pa, may telescope ka na... aba at may binoculars ka pa. Kumpleto ang gamit mo sa pamboboso sa ex mo." Sabi ni Carter na nakatayo na sa likuran ko. "Samahan ninyo ako sa bayan... may bibilhin tayo. Iyon lang ang malapit na pamilihan, kaya wala tayong choice kung hindi ang makisabay sa kanila." Sabi ko. Mabilisan lang ang ginawa naming paglipad patungo dito, kaya wala akong damit. Kung kaya ni Melanie na mag-suot ng mumurahing damit... kayang-kaya ko din. Hinubad ko lang ang coat ko, at tiniklop ko ang manggas ng plo hanggang siko ko, at saka kami lumabas ng aking silid. Kailangan kong bumili ng mga damit na isusuot ko ng ilang araw sa lugar na ito. "Dito lang kayo... bantayan ninyo ang nobya ko. Kahit saan siya pumunta, siguraduhin ninyo na may mga matang nakamasid sa kanya, at huwag kayong masyadong lalapit para hindi niya kayo maramdaman. Tandaan ninyo... kapatid 'yan ng isang King Venum." Utos ko, at saka kami umalis nila Carter at Mellard. Kailangan namin ng maayos at presentableng maisusuot. Pagkarating namin ng bayan... dumiretso na kami sa mga damitan. Kung ano-ano lang ang binili namin. Wala ng tanong-tanong kung magkano, basta nagustuhan namin at mukha namang maganda ang tela... binibili agad namin. Ilang malalaking plastic bag din ang dala ng mga tauhan namin, at habang naglalakad kami ay napahinto kami sa isang pwesto na may manghuhula sa loob. Biglang napahinto si Mellard at saka pumasok sa loob. Nagkibit balikat na lamang kami at sumunod sa kanya sa loob. "Magpapahula ba kayo? Ako si Madam Tarutz, at ito namang dalawa ang aalalay sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin. Iyan si Anew at ito naman sy Si Rachelle. Maupo kayo at huhulaan ko kung bakit kayo nandito." Sabi ng manghuhula na nagpakilalang Madam Tarutz, kaya humahagalpak na kami ng tawa ni Carter. Inis na inis naman kaming tinignan ni Mellard, pero naupo pa rin siya sa bilog na table, pero ako... sinilip ko ang ilalim ng table, baka may tali. Kaya tawa ng tawa si Carter. "Umiilaw ba 'yang bolang crystal mo Madam Tarutz? Kailangan ko kasi 'yan kapag brownout." Pang-aasar ni Carter kaya walang tigil ang pagtawa ko. Inis na inis sa amin si Mellard, pero tang-na... mukhang hindi pa siya kuntento sa pagtatanong kay San Pedro, pati ang isang Madam Tarutz tatanungin pa yata niya. Tawa tuloy kami ng tawa ni Carter, at ang alalay ng manghuhula na si Anew daw at Mhae... pinagtulakan na kami palabas. Hindi tuloy matapos-tapos ang pagtawa namin ni Carter. "Huwag kang pauuto kay Madam Tarutz!" Sigaw ni Carter, kaya muli kaming humagalpak ng malakas na tawa. Nakatingin lang sa amin ang mga vendors sa palengke, pero wala kaming pakialam. Tatawa kami hangga't gusto namin. "Check mo ang naka-balabal sa ulo ni Madam Tarutz, may nakatagong snacks 'yan." Sabi pa ni Carter, kaya napahawak na ako sa tiyan ko dahil sa sobrang pagtawa ko na hindi ko talaga kayang pigilan. "Huwag kang maniniwala sa manghuhula na 'yan. Sa akin ka na lang magpahula, sigurado pa ang ibibigay ko sa iyong sagot." Malakas pang sabi ni Carter, kaya tawa ako ng tawa, pagkatapos ay biglang lumabas si Mellard na tumatakbo dahil hinahambalos na siya ng Madam Tarutz na 'yon ng walis tambo, kasunod ang dalawang alalay nito na si Anew at Mhae. Mas lalo tuloy kaming humagalpak ng tawa ni Carter. Ngayon lang ulit ako muling napatawa ng ganito. Bihira sa buhay ko ang tumawa ng ganito, ngayon lang ulit. Ang sarap lang sa pakiramdam na nagagawa kong maging masaya kasama ang ilan sa mga kaibigan ko sa kabila ng pagiging mafia leader ko. "Magsilayas kayo dito. Mga sira ulo!" Galit na sabi ni Madam Tarutz. Mukhang kalokohan na naman ang ginawa duon ni Mellard. Makalokohan pa naman ang isang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD