┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nasa opisina si Eoghan ng sarili niyang kompanya, nakaupo sa swivel chair habang dahan-dahan itong umiikot, pero ang isipan niya ay malayo na ang nararating. Hindi na loob ng opisina ang nakikita niya, kung hindi 'yung mga sandaling paulit-ulit na bumabalik sa kanya na nangyari sa restaurant ng mga Vance, 'yung tingin ni Melanie, 'yung pananahimik nito ngayon na ikinatatakot niya. Kasama niya si Carter, nakaupo sa sofa at kanina pa nagsasalita. He's been trying to talk some sense into him, pero si Eoghan ay nananatiling tahimik lang. Alam niya na nasaktan niya si Melanie. He knows it, ramdam niya hanggang ngayon. Pero paano mo nga ba ipapaliwanag ang isang pagkakamali na hindi mo naman ginusto? How do you make someone understand something na kahit ikaw, nahihirapan ding i

