❀⊱Melanie's POV⊰❀ Kauuwi ko lang galing ng opisina ko, at ramdam ko pa rin 'yung pagod na kumakapit sa buong katawan ko, pero mas mabigat pa rin 'yung mga iniisip ko kaysa sa pagod na nararamdaman ko. It's been two weeks na rin mula nuong huli kong makaharap si Jacky sa restaurant na 'yon. Two weeks... pero sa tuwing naiisip ko ang lahat... parang kahapon lang ang lahat ng 'yon. Alam ko na sinasadya 'yon ng babaeng 'yon, alam ko na despite everything, mahal niya si Eoghan, at gusto niyang mabawi sa akin ang ama ng anak niya. Iyon lang ang naiisip ko kung bakit hindi niya ako nakikita kahit na nasa tabi lang ako ni Eoghan. Nag-usap na kami ni Eoghan tungkol kay Jacky at sa kanyang anak. Hindi naging madali ang pag-uusap namin, pero naging totoo naman kami sa isa't isa. No lies, no excus

