❀⊱Melanie's POV⊰❀ Nagkaunawaan na kami ni Eoghan, at unti-unti kong binitawan 'yung bigat ng pagdududa na kinapitan ko nuong araw na 'yon. Hindi naman pala lahat ng iniisip ko ay totoo, at nangako siya sa akin na hindi na mauulit pa 'yon. I chose to believe him dahil mahal ko siya, at may parte sa akin na pagod na rin sa kakaisip ng mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Naniniwala ako sa mga pangako niya na ako lang ang nasa puso niya. Kaya heto ako, pinili kong maniwala. Hindi lang dahil sinabi niya, kung hindi dahil naramdaman ko na may katotohanan ang lahat ng sinabi niya sa akin. The way he looked at me... hindi 'yon basta tingin lang. The way he held me na parang ayaw na niya akong pakawalan pa upang hindi na ako mawala pa sa buhay niya. Hindi 'yon kayang pekein ng taong nagpapa

