◄Eoghan's POV► Patungo ako ngayon sa mansyon ng ama ni Melanie. Ilang araw na niyang hindi sinasagot ang mga tawag ko, at bawat oras na lumilipas parang mas bumibigat 'yung pakiramdam ko na baka hanggang ngayon ay may sama ng loob sa akin ang mahal ko. Hindi ko alam kung galit ba siya, nasasaktan, o baka mas pinipili na lang niyang manahimik kaysa harapin ako. And honestly, that scares me more than anything. Ramdam ko pa rin 'yung sama ng loob niya ng araw na pumunta kami sa bahay nila Jacky... na 'yung simpleng pagsulyap ko sa babaeng ina ng aking anak, kahit wala namang ibig sabihin para sa akin, naging sapat na dahilan para masaktan siya ng hindi ko naman sinasadya. Pero damn... siya na ang dahilan kung bakit umiikot ang mundo ko ngayon at hindi na si Jacky. Mahal ko si Melanie. And w

