“HINDI ba puwedeng umuwi na lang tayo sa Isla at doon tayo maligo ng dagat?” saad ko habang nakatingin sa kaniya at yakap-yakap ang sarili ko. Medyo nahihiya kasi ako sa ayos ko ngayon. I’m just wearing two piece bikini. Hinubad ko lang ang suot kong dress kagabi. At isama pa ang kakaibang titig sa akin ni Hideo na talaga namang nanunuot sa kaibuturan ko. Pakiramdam ko abot iyon hanggang sa mga kalamnan at mga buto ko. “It’s fine baby. Mas masarap ang tubig dito. And, don’t worry hindi ka malulunod. I’m here.” Oh how sweet! Kinikilig naman ako nang husto dahil sa mga sinabi niya. Pero, ganoon pa rin... kinakabahan pa rin ako kung dito kami maliligo. Hello, ang layo-layo namin sa dalampasigan. Nasa gitna kami ng dagat. Ang lalim-lalim ng dagat. Kahit naman sabihing marunong akong lumangoy

