“WHO DID THIS?” tiim-bagang na tanong niya kay Cloud nang makapanhik siya sa itaas ng Yate. Hawak-hawak pa rin niya ang tracking device na nakuha niya sa damit ni Ysolde. “Nasa labas ako ng Restaurant kanina. And I saw that man run into Ysolde. Nakita kong inilagay niya sa likod ni Ysolde ang tracking device na ’yan. Kaya no’ng umalis kayo, sinundan ko rin ang lalaking ’yon. Sakay siya ng speedboat kanina at minamanman kayo rito.” Pagpapaliwanag ni Cloud sa kaniya. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa mga nalaman niya. “And who is he?” tanong niya. Maybe one of his enemies? Well, hindi naman iyon bago. Sa dami ng mga kaaway niya sa negosyo, hindi talaga maiiwasan na may mga taong nagpupumilit na makalapit sa kaniya. Una, para sirain siya at ang kaniyang negosyo. Pangal

