“WHAT do you think you are doing?” Gulat na napalingon ang lalaki nang mula sa likuran nito ay may isang lalaking nagsalita. Seryoso ang hitsura ni Cloud habang nakatitig sa lalaking nasa gilid ng speedboat at may hawak na telescope. Tinatanaw nito ang kinaroroonan ng Yate na kinalululanan nina Hideo at Ysolde. Bigla namang napalunok ng laway ang lalaki at napaupo sa sahig. “G-guilherme!” nauutal na sambit nito sa pangalan ng binata. Bigla namang ngumiti ng nakakaloko ang binata. Mayamaya ay tinanaw nito ang Yate na may ilang metro din ang layo mula sa speedboat na sinasakyan ng mga ito ngayon. “You are spying my boss,” anito. “Kilala kita, tauhan ka ni Signorelli. At sigurado akong siya ang nag-utos sa ’yo na sundan at tiktikan si Hideo.” Nagpakawala ito nang malalim na buntong-hini

