SA ITAAS ng isang building lumapag ang Helicopter na sinakyan namin ni Hideo. Ito rin ang rooftop na binabaan namin no’ng nakaraan. Kagaya kanina, inalalayan ako ni Hideo na makababa sa sasakyan. Magkahawak kamay kaming pumasok sa pinto ng rooftop. Hanggang sa makarating kami sa isang fine dinning Restaurant na naroon sa loob ng gusaling iyon. I’m not sure if Hideo own this place. Karamihan kasi ng mga empleyado na nakakasalubong namin simula kanina ay panay ang bati sa kaniya. Although he didn’t bother to speak para sumagot sa mga ito, tumatango naman siya. “Good evening signore! This way please!” Anang isang lalaki na sumalubong sa amin sa entrance ng kainan na ito. Maybe he was the manager. Hindi ganoon karami ang tao. Mabibilang lamang kung iilang lamesa ang okupado roon. Dinala

