TAHIMIK lang ako habang nakatulala sa kawalan. Iniisip ko pa rin ang papa. Kahapon pa kami dinala rito at ikinulong sa madilim na kuwartong ito. Kahapon din kami nagkita at nagkausap ni Zakh. Kahapon ko lang din nalaman na wala na pala ang papa ko. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring tanggapin ng puso’t isipan ko na wala na siya. Na never ko na siyang makikita kung sakali mang makabalik ako sa bahay namin. I was thinking about Manay Salve too. And Giuseppe. I’m sure na hinanap nila ako simula nang gabing tumakas ako sa bahay. Lalo na nang malaman nila na wala na si papa. I was thinking... kung sana hindi ako tumakas sa bahay nang gabing ’yon para puntahan si Shiloh sa BGC, sana nakasama ko pa si papa. Kung sana hindi ako umalis sa bahay at sinuway siya, sana nasa tabi niya ako kahit manla

