“HINDI ko lubos akalaing magagawa ni Shiloh at Zakh ang lahat ng ito sa ’yo hija.” Malungkot na saad ni Manay Salve nang ikuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari nang gabing tumakas ako rito sa bahay at nalaman ko ang ginagawang panloloko sa akin nina Shiloh. “Parang magkapatid na ang turingan ninyo ni Shiloh.” “Hindi ko rin po lubos na mapaniwalaang magagawa niya ang lahat ng iyon sa akin Manay Salve. Pero...” malungkot akong nagbuntong-hininga. “...wala naman na po akong magagawa. Nangyari na po ang lahat. Karma na lamang po ang bahalang bumalik sa kaniya. I trusted her. I treated her like my own sister. Pero ganito pa ang ginawa niya sa ’kin. Hindi ko siya mapapatawad.” Nahahabag namang hinawakan ni Manay Salve ang mga palad ko at masuyo iyong pinisil. “May awa ang Diyos anak. Alam

