CHAPTER 38

2433 Words

“GOOD MORNING!” nang makapasok ako sa kusina ay nadatnan ko roon si Jule, nagtitimpla siya ng kape niya. “Hi, morning!” ganting bati niya sa akin. “Gusto mo ng kape?” tanong niya. “Please. Thank you!” saad ko at pumuwesto agad sa isang silya na naroon sa tabi ng kabisera. “Kumusta ang tulog mo?” “Mmm, okay naman. Hindi naman ako namahay.” “Ang sabi ni Hideo, aalis daw kayo mamaya?” Tumango naman ako. “Yeah. Um, uuwi ako sa bahay.” Bigla naman siyang napatingin sa ’kin. Seryoso ang mukha niya nang mapatitig siya sa ’kin ng saglit at muling tiningnan ang kapeng tinitimpla niya. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa puwesto ko at inilapag sa tapat ko ang tasa. “Sa inyo?” tanong niya nang makaupo na rin siya sa silyang nasa tapat ko. Banayad akong nagpakawala ng buntong-hininga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD