NASA BALKUNAHE ulit ako at nakatanaw sa malayo. Kahit malamig na ang simoy ng pang-gabing hangin, hindi ko na lamang iyon pinansin. Naguguluhan pa rin ako. Ang dami ko pa ring iniisip na mga bagay tungkol sa mga napag-usapan namin ni Giuseppe kanina, maging ang tungkol sa pagkamatay ni papa. Ang sabi ni Giuseppe sa ’kin kanina... nakita niya raw si papa sa kotse nito na wala ng buhay. Ang sabi niya, inatake raw sa puso si papa. But I don’t want to believe him. Kasi, okay naman na siya. Ang huling beses na inatake siya sa sakit ng puso niya ay noong malaman niyang wala na si mama. Ayokong paniwalaan ang dahilan na iyon because I know healthy na ang papa ko. Simula nang atakihin siya sa puso niya five years ago, naging maingat at maalaga na siya sa katawan niya. I know and I’m na may pumatay

